Dingdong Dantes says if Marian Rivera wants, he will dance in her show

Dindong Dantes hopes the story of Ang Dalawang Mrs. Real will be an eye-opener as it happens in real life, in fact, to some people he knows: "Marami."


Sobrang ganado raw si Dingdong Dantes na pumunta sa set tuwing araw ng taping niya para sa Ang Dalawang Mrs. Real, ang bagong teleserye nito sa Kapuso network.

Sabi niya, “Yes! Yes, of course. Every day is a learning experience for me.

“Kumbaga, it’s good na may challenge, it’s good na looking forward ka parati kasi alam mong masaya, e.

“Kasi alam mo if you like what you’re doing, if you love what you’re doing, gugustuhin mo talaga parati na makapunta sa set.”

Sa Ang Dalawang Mrs. Real ay mas matanda kay Anthony (Dingdong) ang asawa niyang si Millet (Maricel Soriano).

Tanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) dito nang ma-interview sa presscon ng Ang Dalawang Mrs. Real last week, sa tunay na buhay ba ay posible kayang umibig si Dingdong sa babaeng mas matanda sa kanya?

Mabilis niyang sagot, “Yeah, I think it’s possible!

"Sa akin naman, beauty and siguro being committed to a relationship doesn’t ano... hindi edad ang kasukatan, e.

“Siguro maturity is one, pero minsan puwede ka namang maging mature kahit bata ka, e.

“Minsan nga may mga may edad na na hindi mature pa, ’di ba?

“So, yung edad is just a number.”

Is beauty a factor?

Tugon ni Dingdong, “Beauty, it will spark it, but it’s not a guarantee that it will last.

"The spark, oo... I mean, hindi naman.

"Aminin naman natin na... ’di ba, panimulang ano yun, panimulang ano yun.”

MARIAN’S DANCE SHOW. May lalabas na dance show sa GMA ang kasintahan ni Dingdong na si Marian Rivera, ang Marian, kaya may nag-suggest na mag-guest doon ang aktor na isang certified dancer.

Sabi niya tungkol dito, “Kung gusto niya, sinabi ba niya yung mga line-up niya? Hanep, ‘no?”

Ilan sa magiging guests sa dance show ng girlfriend ni Dingdong ay ang Star for All Seasons at Batangas governor na si Vilma Santos, ang leading lady ni Dingdong sa Ang Dalawang Mrs. Real na si Maricel Sorano, at si Alma Moreno.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’m so happy for her,” bulalas ni Dingdong.

May nag-suggest na si Dingdong dapat ang unang lalaking guest sa show bilang mahusay ring sumayaw ang boyfriend ni Marian.

Ngumiti lang si Dingdong sabay kuwento pa ng iba niyang alam sa show ni Marian.

“Alam ko meron pa ring mga ano... UMD [Universal Motion Dancers], mga ganun, parang ganun, e.

“Ang galing, I’m happy for her!” ngiti niya.

Dating miyembro ng Abztract Dancers si Dingdong bago naging sikat na aktor.

GOING ABROAD. Aalis patungong Amerika sina Dingdong at Marian para sa Kapuso shows doon, pero hindi sila magkasama.

“Tatlong araw lang po akong mawawala, siya [halos] isang buwan! Mga ganun, mga more than two weeks,” banggit ng Kapuso Primetime King.

Hindi pa niya alam kung magkikita sila ni Marian sa U.S.

“Sinusubukan naming i-work out, e. Hindi namin alam papa’no.”

Sa Chicago pupunta si Dingdong; sa West Coast naman si Marian.

“Iyon nga, e. So, iyon nga e, yung schedule nga, inaalam pa namin, e.

“Magkabila kami, ang last niya, alam ko, may San Diego yung huli niya, ako nasa Illinois.”

Sa June 20 ang alis ni Dingdong.

“Nasa San Diego siya nun.

“First time ko sa Chicago. Never pa akong nakarating dun.

“So, sana... sana magkaroon ng chance [na magkita].”



TOO REAL. Going back to Ang Dalawang Mrs. Real, ginagampanan ni Dingdong dito ang papel ng isang lalaking dalawa ang asawa.

Dalawa ang Mrs. Real dito—sina Maricel (bilang Mrs. Millet Gonzales-Real) at Lovi Poe (bilang Mrs. Sheila Salazar-Real).

Bilang preparasyon ay madalas daw silang mag-usap nina Maricel at Lovi sa gagawing atake sa kani-kanilang roles.

“Yung pang-araw-araw na shoot namin, iyon na yung pinaka preparasyon ko, yung bonding namin.

“’Yung pakikipag-usap ko sa kanila, I guess iyon na yung the best way of preparing.

“Kasi hindi naman ako pupuwedeng magtanong dun sa mga kakilala kong may dalawang asawa talaga, ’di ba?” pahayag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May mga kilala raw si Dingdong sa tunay na buhay na ganito ang sitwasyon.

"Marami!" bulalas niya.

“Sabay makikita ako sa TV na ginagampanan ko na yung istorya nila, baka ’di ba, baka magalit sa akin.

"Ginawa ko pa silang resource person, ’di ba?” at natawa si Dingdong.

As in pinagsasabay nitong mga kakilala niya ang dalawang asawa? O hiwalay na sa una at may bago ng asawa?

“Hindi, ano na yun, natuto na rin siguro, merong wala na, merong ano.

“Marami, iba-iba, naghiwalay na rin... iba-iba.”

Pinagsasabihan ba niya itong mga kakilala niyang may dalawang asawa, binibigyan niya ng payo?

“A, hindi, hindi, wala, wala. Wala naman ako sa ganung posisyon.

“Pero hindi, the point is, nangyayari siya.

"Nangyayari siya sa tunay na buhay, nangyayari sa ating kapaligiran.

"And maybe yung mga istoryang ganito, maaaring maging eye-opener.

"Well, bukod sa istorya lang naman siya, gusto lang nating magkuwento."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN