Dani Barretto denies bashing aunt Claudine Barretto; defends mom Marjorie Barretto

Dani Barretto on aunt Claudine Barretto: “Yes, I’m really close to her and I thank her for everything that she has done for my family, like she will take us out, she will shower us with so many gifts. Hindi ko naman idine-deny yun at hindi ko naman sinasabing hindi siya naging parte ng buhay ko.”


Nagsalita na si Dani Barretto tungkol sa mga pahayag ng kanyang tiyahin na si Claudine Barretto at ang controversial tweet tungkol sa kanya ni Atty. Fredinand Topacio.

Si Dani ay ang anak ng dating actress-politician na si Marjorie Barretto sa aktor na si Kier Legaspi.

Si Atty. Topacio naman ang legal counsel ni Claudine.

Paliwanag ni Dani kay Boy Abunda tungkol sa pagpayag niyang magpa-interview sa The Buzz 15 kahapon, June 1, “Because it’s too much already.

“She [Claudine] came out on TV a few days ago saying that…

“She said on the interview that all my tweets are suddenly about her.

“That I’m bashing her on Twitter, saying bad things about her.”

Sa naturang interview ni Claudine ay sinabi niyang kay Marjorie siya pinaka-galit dahil pinag-aaway raw sila nito ng kapatid nilang si Gretchen Barretto.

Read: Claudine Barretto calls sister Gretchen "heartless"; claims Gretchen hurled below-the-belt insults at her

BASHING ACCUSATION. Bina-bash nga ba niya ang kanyang Tita Claudine? Sinabi kasi ng aktres na “Dani draw the first blood.”

Tanggi ng anak ni Marjorie, “No, I don’t have idea where that came from.

“When she was interviewed here, you interviewed her during Mother’s day, I saw my mom cry.

“Yun na yung… doon na ako… anak ka, e, idi-defend mo ang nanay mo.

“I did tweet something that day, but I realized that I shouldn’t, so I erased it right away but she saw it.”

Puwede niyang sabihin kung ano ang eksaktong tweet na iyon?

“I’d rather not,” tanggi ni Dani

Paano niya nalamang nabasa iyon ni Claudine?

“Actually, after her interview, haters were non-stop.

"Below the belt yung mga sinasabi nila. Like, ‘Wala kang modo! Mukha kang kabayo! Pangit ka!’

“So, nag-tweet ako, and she [Claudine] said that pinalaki niya kami. Wala raw akong utang na loob.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And doon, na-offend ako, for my mom.

“Because my mom never left. She’s always here.

“Sinabi ko raw na walang ibang nagpalaki sa amin kung hindi mommy ko, doon siya na-offend.

“I did not mean to offend her.”

Pero may mga pagkakataong nakakasama nila si Claudine?

Sabi ni Dani, “Yes, I’m really close to her and I thank her for everything that she has done for my family, like she will take us out, she will shower us with so many gifts.

“Hindi ko naman idine-deny yun at hindi ko naman sinasabing hindi siya naging parte ng buhay ko.”

May pagkakataon bang si Claudine ang nagpaaral sa kanila?

“No,” mabilis na sagot ni Dani.

MISINTERPRETED? Na-misinterpret din daw ni Claudine ang ilang tweets ni Dani at inakalang patama ito tungkol sa kanya.

Saad ni Dani, “When she came out on TV, she released other tweets of mine that weren’t really for her.

“Actually, last year ko pa yatang tweets yun.

“But I’m answering it now, it wasn’t for her.”

Ilang taon na rin ang gulo sa pagitan ng mga Barretto. May pagkakataon bang nag-reach out sila sa isa’t isa ng Tita Claudine niya?

Sabi ni Dani, “No, ayaw na naming makisali, e. We stayed neutral by keeping quiet.

“But this one, it was directly attack sa akin na.

“Parang, teka lang naman, bakit biglang ako na?

“We could have talked about it over the phone. I would have explained myself.”

Kung kailangan niyang mag-apologize sa ilang bagay, gagawin niya?

“Yes, pero wala na, e, bigla na lang siyang lumabas sa TV.”

Ano sa mga naging pahayag ni Claudine ang nasaktan siya nang todo?

“She said na wala na raw siyang pakialam sa amin. Kasi, bastos daw ako at wala raw akong utang na loob.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ipinahiya niya ako. Parang sira na ako agad sa mata ng tao, hindi pa nila ako nakikilala.

“She already made people believe that wala akong utang na loob and bastos ako.”

YEAR OF THE HORSE. Ano naman ang reaksiyon niya sa kontrobersiyal na tweet ni Atty. Topacio?

Sabi ni Dani, “I feel like hindi na siya dapat nakisali.

“I was more of hurt dun sa tweet niya than offended.”

Naniniwala ba siya sa paliwanag ni Atty. Topacio na taon niya at maganda ito para sa kanya?

Read: Marjorie Barretto slams sister Claudine’s lawyer Atty. Ferdinand Topacio for tweet and interview

“No,” sagot ni Dani.

Dagdag niya, “Because a few days ago, my tita came out on TV saying those things about me.

“And then, all of a sudden, you’re just gonna tweet that?

“He doesn’t know me personally. So, what is he trying to say?”

Nasaktan siya?

“Yes, I got hurt.

“Nakaapekto sa akin nang sobra kasi ang daming basher na sunud-sunod akong bina-bash every day dahil doon sa tweet niya na yun—every day.

“Twitter, Instagram, Facebook... sunud-sunod yun.

“I go to school and yung mga tao naman sa school ko, siyempre active din sila sa social media.”

Handa na ba siyang pagkatapos nito ay posibleng dumami ang haters at bashers niya?

Sagot ni Dani, “Yes, I’m ready because I’m doing this interview to clear my name. Na pinalaki ako nang maayos ng nanay ko.

“She raised me, she raised all of us well. Pinalaki niya ako nang may values and may manners.”

Galit ba siya kay Claudine?

“Mas nasasaktan ako than nagagalit ako sa kanya.”

Sabi ni Claudine, you drew first blood. Ginawa niya ba talaga ito?

Sagot ni Dani, “I don’t think so.

“The first time I ever tweeted, she thought that it was for her. I wasn’t attacking her.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“That’s two different things—attacking somebody and defending somebody.

“I just defended my mom.”



DANI’S FATHER. Sinagot din ni Dani ang mga tanong tungkol sa ugnayan nila ng kanyang amang si Kier Legaspi.

“We don’t talk,” pag-amin niya.

“We don’t speak. We tried to build a relationship, but I guess it was too late.”

Ayaw o galit ba siya sa tatay niya?

Sagot ni Dani, “No, I don’t.

“I just have so many questions na hindi niya nasagot kahit noong nag-try kami na mag-build.”

Sinubukan naman ni Boy na hingan ng mensahe si Dani para sa kanyang Tita Claudine, pero tumanggi siya.

Sa mommy niya, ano ang gusto niyang sabihin?

“Mom, I love you. I love you so much.

“Thank you for raising us all well. Thank you for all your sacrifices.

“Thank you for being all the best system in the world.

“And I really, really admire her for that kasi mag-isa lang yung mom ko.”

Sa isang salita, paano niya ilalarawan ang isang Dani Barretto?

“Strong,” nakangiti niyang sagot.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN