Dominic Roco settles issues with father Bembol Roco: "I will let my dad be happy sa buhay niya para maging masaya na rin ako."

Dominic Roco’s career is looking up and this, he says, started happening when he released all the negativity from a severe bout of frustration: “Ever since naman na nailabas ko iyon, things got better."


Natutuwa ang Kapuso actor na si Dominic Roco na nabigyan agad siya ng follow-up project pagkatapos ng afternoon soap na Magkano Ba Ang Pag-ibig?, kung saan gumanap siya bilang mentally-challenged husband ni Heart Evangelista.

From an afternoon teleserye, kasama siya ngayon bagong primetime series ng GMA na Ang Dalawang Mrs. Real, kunsaan bida sina Maricel Soriano, Lovi Poe, at Dingdong Dantes.

Tila kontrabida ang role niya rito sa pagkakakuwento ni Dominic nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press launch ng teleserye noong May 26.

Hindi ba siya na-disappoint dahil sa huling teleserye niya ay siya ang bidang lalaki doon?

Sagot niya, “Ako naman, kahit na anong role, okey lang. Basta ito ay trabaho para sa akin.

“Hindi naman tayo puwedeng maging bida all the time. ’Tsaka maganda itong project.

"Maging kontrabida man ako, it really doesn’t matter.

"Ang importante ay nakasama ako sa maganda at malaking project na ito.

“This is my first time to work with Dingdong, Lovi, and Ms. Maricel. Siyempre, hindi ko palalampasin ito.

“Minsan lang mangyari ito sa isang katulad ko, kaya any role is welcome basta ganito kalaki at maganda ang project.”

Sa teleserye ay gaganap si Dominic bilang si Daniel Salazar, ang maangas na nakatatandang kapatid ni Sheila, played by Lovi.

“I play this overprotective brother of Lovi in the series.

"Ayoko yung gagawa ng hindi maganda sa kapatid ko kaya medyo maangas ang character ko.

“Mami-meet ko dito si Anthony Real [Dingdong] because I am his sub contractor sa isang project niya sa Cebu, kunsaan magkakakilala sila ni Sheila.

“’Tapos doon na mangyayari ang lahat, Sheila gets pregnant at hindi ako pumayag na hindi niya panagutan ang kapatid ko.”

LOOKING UP. Mukhang maganda na ang outlook ni Dominic ngayon kaugnay ng kanyang career. Noon kasi ay naringgan siya ng reklamo sa mabagal na takbo ng kanyang career sa GMA.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad niya, “Siguro kailangan lang natin maglabas ng mga frustrations natin.

“Wala namang masama doon. Tao lang ako na may mga gustong sabihin, may mga problema, at may mga gustong marating sa career ko.

“Ever since naman na nailabas ko iyon, things got better.

“Nagkasunud-sunod naman ang mga projects ko.

Mula 2012 ay sunud-sunod nga ang mga trabaho ni Dominic: Legacy, Broken Vow, Makapiling Kang Muli, Indio, Magkano Ba Ang Pag-ibig?, at Ang Dalawang Mrs. Real.

Dagdag pa niya, “I also did the mini-series Katipunan for GMA NewsTV and the indie film Ang Tag-Araw ni Twinkle.

“Paganda nang paganda pati ang roles na ibinibigay sa akin.

“So, wala akong reason to be sad or ma-frustrate ulit.

“Alam naman ng GMA-7 ang potential ko as an actor. Hinahanapan nila ako ng tamang projects.

"And for the past two years, they’ve been giving me good projects and I am happy for that."

MAKING PEACE. Dahil sa positive attitude na ito ngayon ni Dominic, naging maayos na rin ang relasyon nila ng kanyang amang si Bembol Roco.

Sabi niya, “We’re okay since last year pa.

“Wala na yung mga naging sama ng loob ko sa dad ko.

"Siguro nga hindi pa ako nagma-mature noon kaya naging matagal ang galit ko sa kanya.

“Now that we’re okay, naging okay na ang lahat sa buhay namin.

“Iba talaga if you unload a lot of negative vibes sa katawan at utak mo. Mas magiging masaya ka—mas magaan ang buhay.

“Sabi ko nga, I will let my dad be happy sa buhay niya para maging masaya na rin ako.

“Baka ako lang ang hadlang kung bakit nagkakaroon ng problema, which is true naman.

"Now, we’re all happy. Life is beautiful again!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN