Jomari Yllana wants son Andre to learn safe driving before racing professionally

Plano ni Jomari Yllana na magtayo ng driving school balang-araw upang magturo paano maiiwasan ang mga aksidente sa pagmamaneho. Ito rin daw ang kanyang adbokasiya ngayon.


Taong 2002 pa nang huling lumaban ni Jomari Yllana sa pangangarera ng kotse.

Pero ngayong 2014, balik sa race track ang actor matapos ang halos labindalawang taon.

Masayang saad ni Jomari, “Oo, parang madaming nagulat.

“Since I left the sport, I got married... I won championships, I crashed, I even wrecked a car in its last turn—total wreck.

“Got married, may anak na ako, ’tapos during that time, yun yung top category, and had to say goodbye to this sport.”

Sa kanyang pagbabalik, sumabak si Jomari sa 2014 Philippine Grand Touring Car Championships. Ginanap ang karera sa Batangas Racing Circuit, sa Rosario, Batangas noong Linggo, June 1.

Labing-anim silang naglaban-laban sa sprint race kung saan sa last leg nito ay may 17 laps.

Nagtapos sa pangalawang puwesto si Jomari sa laban kahit na medyo nagitgit siya sa huling laps ng laro.

JUST A HOBBY. Maituturing daw na hobby ang car racing dahil kadalasan ay wala naman itong papremyo.

Saad ni Jomari, “Dati, meron kaming prize.

"Pero ito kasi, manufacturer, labanan ito ng mga manufacturer.

“Kumbaga, labanan ito ng manufacturer ng kotse, ng Toyota, Honda, Hyundai… ito yung ground na yun, e.

"And whoever wins get the prestige of being a champion.

"And kung sino nananalo, their cars sell better, so they get the best driver.

"Parang ganun, they get the best driver.

"Ako, I was brought up to be ganun."

Natatakot ba siya dahil maraming naaaksidente sa ganitong klaseng sports?

Saad ni Jomari, “I had my share of accidents but this is really safe, this is very safe.

"You might see, mga kotse bumabangga, naaksidente, we see drivers go out, bababa ng car, and okay sila.”

PREPARING ANDRE FOR THE SPORT. Noong araw na iyon ay nagpakita ng suporta para kay Jomari ang kanyang ex-wife na si Aiko Melendez, ang anak nilang si Andre, at si Marthena, ang anak ni Aiko sa pangalawang asawa nitong si Martin Jickain.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Aiko Melendez on reconciling with ex-hubby Jomari Yllana: "Talagang ’pag kami ang para sa isa’t isa, then it’s God’s will."

Aminado si Jomari na gustong sumunod ng anak sa kanyang yapak.

Aniya, “I’m preparing myself for this yung boy, kasi ito yung gusto niya. Ito yung gusto niya, e.

"So, ako, I want to put up a school, gusto ko ng advocacy ng road safety.

"I don’t want anybody dying on the streets.

"I don’t want anybody getting into accidents, unnecessary accidents dahil sa mabilis sa karera.

"’Yan na yung advocacy ko sa motorsport, magtayo ako ng school for teaching, mag-retire ako ng driving, but advocates for safety driving."

Kuwento pa niya tungkol kay Andre, “Since bata, e, ’What do you want to be?’ ’Race car driver.’

"Pero lately, may bago, doctor.

"’Tapos sa eskuwela, hindi daw siya magtatapos, hindi siya magtatapos.

"Sinumbong na nga ng mga teacher, hindi niya alam na alam ko.

"Mag-aartista na daw siya para mag-e-earn na daw siya ng money."

Ano ang gusto niyang unahin ng anak, ang mangarera o mag-artista?

Tugon ni Jomari, “He wants to race, yun yung sinasabi niya.

"Racing is in him.

"Ayoko pa, hindi ako ready, e.

"Eventually, ito, this will prepare me, him.

"He never… wala siyang experience with yung tinuruan nang totoo, yung mga fun go-cart.

"Pero yung session, magtuturo, ayoko pa, e.

"I just want to make sure, kasi, ‘di ba, dangerous?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN