Ellen Adarna on "most desirable newbie" tag: "We are paid to look good, it’s our job to look good... And I’m taking my job seriously."

Tanggap na raw ni Ellen Adarna na parte na ng pagiging artista ang bashers. Sabi niya tungkol sa bashers, "Hindi ko na pinapansin. Bahala sila sa buhay nila. Parang nasanay na talaga na hindi naman lahat ay mapapasaya mo, ‘di ba?”


Sa kabila ng sexy image ni Ellen Adarna, hindi raw problema sa kanya kung ang unang pelikula niya ay isang comedy film.

Introducing si Ellen sa pelikulang The Illegal Wife, na pinagbibidahan nina Pokwang at Zanjoe Marudo.

Sa presscon ng pelikula noong Lunes ng hapon, June 2, ipinagmalaki ni Ellen sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang first starring role niya.

“I’m very happy and very overwhelmed. That’s all I can say.

“For me, it doesn’t matter if it’s comedy or drama or thriller or suspense.

“If you are an actress, and if you want to be a better actor, then you have to experience all those [genres].

“So, as long as yung script ay may laman at maganda ang story, I’m gonna grab that opportunity.

"’Tulad nga dito sa The Illegal Wife, first movie ko, pero it doesn’t matter if it’s a comedy film kasi maganda siya."



SEXY IMAGE. Tungkol naman sa kanyang sexy image, inalam ng PEP kay Ellen kung ano ang masasabi niya sa mg komento, lalo na ng mga kalalakihan, na isa siya sa most desirable newbies sa showbiz.

Nangingiting pahayag ng 26-year-old star, “Ano... e, di thank you kung ganun ang tingin nila sa akin.

“I don’t know… sa kanila na yun.

“We are paid to look good, it’s our job to look good. So, kailangan yun.

“And I’m taking my job seriously.

“I don’t know… I don’t find myself sexy.

"Sa bahay, para akong batang yagit, image ko lang ’to!" tawa pa niya.

Gayunpaman ay nagpapasalamat si Ellen sa mga taong humahanga at ang tingin sa kanya ay kaakit-akit na babae.

“Thank you, thank you,” sambit pa niya na tila kinikilig.

“I got it from my mama… namana ko sa kanya.”

Si Ellen ay may lahing Chinese at Spanish.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



ELLEN’S SECRET. Paano niya mini-maintain ang kanyang kaseksihan?

Sabi ng Moon of Desire actress, “I work out a lot.

“The thing, I was already active snce I was... three?

“Nag-ballet ako, nag-gymnast ako for six years, and my mom enrolled me sa karate.

“Then, sa high school, I was into sports—soccer, baseball, and volleyball.

“So, active na talaga ako ever since.”

Tungkol naman sa pagiging FHM cover girl niya noon, handa pa rin ba siyang mag-pose muli? Lalo na’t marami raw ang nagre-request para muli siyang makita sa cover ng nangungunang men’s magazine sa bansa.

Natatawang sabi niya, “Sa FHM? Naku, ayoko na muna.

“I’m so over it na.

“If they invite me again? No, not now.

“My manager has goals and I think we have to stick with that. But I’m not closing doors.

“Siguro, right now, I’m just also very busy and I don’t think na maasikaso ko ‘yan this time.

“Like sa Moon of Desire, ‘di ba, nagda-drama na ako na nagbabaliw-baliwan na.

“So, stick na muna talaga ako dun.”



NEGATIVE COMMENTS. Sa kabila nito ay may mga komento pa ring below the belt sa kanya, pero hindi raw siya naaapektuhan o nagpapaapekto.

Sabi ni Ellen, “Yung comment ng perverts? Wala, deadma lang ako.

“If it’s just about me, wala naman akong pakialam, e. Sanay na ako, e.

“But there was one time na may nag-comment… ’coz I’m from Cebu, may nag-comment nung nag-earthquake na, ‘Dapat lang, mamatay kayo!’

“Siyempre, galit na galit ako.

“Ni-repost ko yung comment niya at ang daming nagalit sa kanya.

“Kasi, ‘di ba, you don’t wish ill on people, it’s not right.”

Patuloy pa niya, “Pero kung sa akin lang, hindi ko na pinapansin. Bahala sila sa buhay nila.

“Parang nasanay na talaga na hindi naman lahat ay mapapasaya mo, ‘di ba? I mean...”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN