Bea Alonzo humbled by "Movie Queen of the New Generation" title

Bea Alonzo on going daring in Sana Bukas Pa Ang Kahapon: "Siguro naman, next level na tayo. Hindi na tayo puwedeng magpa-cute, ‘di ba? Siyempre, kailangan mo rin to mature. Pero meron ka pa ring boundaries na hindi ka puwedeng mag-cross.”


“Natensiyon” ang ginamit na salita ni Bea Alonzo sa titulong ibinigay sa kanya ng ABS-CBN—“Movie Queen of the New Generation.”

Ito ay ginamit upang ipakilala si Bea sa bago niyang pinagbibidahang teleserye sa Kapamilya network, ang Sana Bukas Pa Ang Kahapon.

Matagal-tagal na ring walang binabansagang “movie queen,” ngunit ngayon nga ay ibinalik ito dahil na rin sa tagumpay sa box-office ng mga pelikulang tinatampukan ni Bea.

Pero aminado ang aktres na overwhelmed siya sa bago niyang titulo.

Saad niya, “Ipinapaliwanag ko nga sa kanila kung bakit ako natensiyon… at deserving ba ako?

“Kasi, ang takot ko, kasi baka magmukha akong feeling.

“Ang takot ko, baka magmukhang pinapangalanan ko ang sarili ko ng ganoon.

“Inano naman nila… klinaro naman nila na marami nga kaming movie queens.

“Pero siyempre, nakaka-humble na pinapangalanan nila ako na isa sa mga movie queen.

“Ako siguro yung una na napangalanan, yung ganyan. Nakaka-humble din yun.

“’Tapos ipinaliwanag nila sa akin, ‘Eto yung mga movies mo noon, ‘di ba, parang deserving ka na.’ Parang ganoon.

“’Saka ang pangako kasi ng show, to give you a movie experience. Kaya isa rin ‘yan siguro sa bentahe namin.’”

Handa na ba siya kung sakaling may mag-react sa pagiging “movie queen” niya?

Natatawang sagot ni Bea, “Ayun na nga, e.

“Wala naman akong kasalanan. E, wala naman akong kinalaman! Malay ko ba?”



A DIFFERENT BEA. Sa Sana Bukas Pa Ang Kahapon, bagong bihis at mas mapangahas ang karakter na gagampanan ni Bea.

Nagpatikim naman si Bea sa pamamagitan ng kanyang suot na sexy black satin dress, na may mahabang slit sa gilid, sa ginanap na pocket presscon ng bagong teleserye niya with Paulo Avelino last week.

“Iba na tayo ngayon!” natatawang sabi ni Bea sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng Q&A portion.

Kailangan talaga niyang magpakita ng cleavage?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Para sa tsokolate!” tawa niya.

Base sa ilang eksena na ipinakita sa pocket presscon, palaban ang karakter ni Bea.

Sabi naman ng 26-year-old Kapamilya actress, “Ang mga babae ngayon, hindi na rin nagpapaapi. Lahat tayo marunong nang lumaban.

“Sa tingin ko naman, palaban na rin talaga ang mga babae ngayon.

“And I’d like also to think na mai-inspire ko ang mga kababaihan na huwag magpaapi basta-basta.

“We also have the right to fight.”



SENSUAL SCENE. Hindi ba siya nahirapan sa sensual scene nila ni Paulo, kung saan tila kumawala si Bea sa kanyang comfort zone bilang aktres?

Tugon niya, “A, siguro naman, next level na tayo. Hindi na tayo puwedeng magpa-cute, ‘di ba?

“Siyempre, kailangan mo rin to mature. Pero meron ka pa ring boundaries na hindi ka puwedeng mag-cross.”

Hindi ba siya nawala sa sensual scene nila ni Paulo?

“Kailangang mawala talaga ako, e. Yun ang point.

“Kailangan talaga mahulog ako sa bitag. Nagpahulog naman ako sa bitag.

“Pero role lang naman ‘yan. Kami pa rin naman ni Z!” kinikilig na sabi ni Bea tungkol sa kanyang boyfriend na si Zanjoe Marudo.

Dagdag pa niya, “Kailangan mo talaga na mawala.

"So, yun, hinayaan ko ang sarili ko na mawala at ma-enjoy yung moment na ‘yon.

“‘Pag cut, ‘A, may boyfriend nga pala ako!’”

Ikinuwento ba ni Bea kay Zanjoe ang sensual scene nila ni Paulo?

“Oo, lahat-lahat,” sagot niya.

Hindi nagselos si Zanjoe kay Paulo?

“Hindi, hindi naman seloso yun talaga.

“Pero ano, very professional naman yung tao.

“Kahit nga yung mga scene na ganoon, ikinukuwento niya sa akin.

“Pareho kaming artista, so alam namin yung proseso.

“Alam ninyo, kapag pinanood ninyo ng ganyan, ’di ba, parang, ‘A, senswal,’ ganyan ngayon.

“Pero during the time that we were doing it, ‘Cut! Cut! Cut!’ Kasi every shot, ano, ‘Cut! Cut!’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, hindi ninyo naman talaga maaano... iba.

“Iba yung experience... mga love scenes, ganyan, ‘di ba?

“Iba kapag ginagawa mo at iba kapag pinanood mo na sa TV.

"Parang sasabihin mo, ‘Ang tindi pala nun!’

"Hindi mo mare-realize, e. Saka ang daming tao, alam mo yun?”

Something new ba ang mapapanood ng viewers sa bago niyang teleserye?

“Sana,” asam niya.

“Hindi, sana tanggapin nila nang maganda gaya ng pagtanggap nila sa The Legal Wife na papalitan namin.”



BIG PRESSURE. Malaking pressure ba para kay Bea na ang papalitan nilang show sa Kapamilya network ay ang toprating na The Legal Wife?

Pag-amin ng aktres, “May pressure, oo naman.

“Pero yun, ganoon naman sa industrya natin. Kung para sa ‘yo, para sa ‘yo.

“So, kung eto ba yung project na magpapa-next level sa amin, e, di maganda.

“Pero kung hindi, e, di try again. Hindi diyan natatapos ang buhay.

“Pero nakakakaba talaga, kasi nga, ang dami talagang nanonood ng The Legal Wife.

“Pero ganoon talaga. Kailangan natin nga na i-establish muna nang matagal sa mata ng tao.

“Kailangan nilang mahalin ang characters ko dahil kagaya ng ginawa sa The Legal Wife, ’di ba, sa una, nag-e-establish hanggang sa heto na yung plot?

"So, lahat talaga sila nagulat.

“Siguro ganito rin yung magiging proseso sa amin.

“But on the other side, maganda rin yun dahil manggagaling ka sa mataas na rating ang timeslot na paglalagyan nila, ‘di ba?

"Na parang naging habit nila ang pag-abang sa timeslot na ‘yan, na very challenging din ang timeslot na ‘yan, e, kasi last at medyo late na."

INTERESTING CONCEPT. Umaapaw ba ang sampalan na mga eksena niya with the kontrabidas sa Sana Bukas Pa Ang Kahapon?

“So, far wala pa. But definitely, meron ‘yan.

“Marami kaming catfights ni Maricar [Reyes].

“Actually, marami sila, e, mga kontrabida—si Maricar, si Dina [Bonnevie], si Kuya Ton [Gutierrez], si Tito Bembol [Roco].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Alam mo kasi, ang ganda ng soap. Maganda ang concept ng show kasi, ‘di ba, dalawa ang faces ko?

“Pero kada isang character, two phases din yung pinagdadaanan ng character niya, gray—may black and may white.

"Mabait siya pero meron siyang ginagawang masama.

“’Tapos yung character ni Maricar, meron siyang pinagdadaanan, pero meron siyang ginagawang masama—black and white.

“Kagaya sa totoong buhay, meron naman ganoon tayo, ‘di ba?

“Meron tayong bright side, meron din tayong dark side. Hindi naman tayo lahat santo, santa.

“Kahit ako, meron din akong mga kasamaan at meron din akong kabutihan.

"At ayaw ninyong makita yun!” tawa niya.

Paano ba siya magalit in person?

“Huwag na yun ipapakita sa publiko, sa akin na lang yun. Hindi nila ako ila-love!”

Iniuuwi ba niya ang character niya sa show?

“Hindi naman, pero marami akong natutunan sa character.

“Saka tama yung sinabi ni Paulo, kada character naman, may parte naman na nanggagaling sa ‘yo.

“Kasi hindi siya magiging organic, kasi hindi siya magiging totoo kung wala siyang parte na galing sa ‘yo.

“Para ka lang nanggagaya ng kung sinuman, ‘di ba?”



SETTLING DOWN. Maganda ang career ni Bea ngayon, gayundin ang relasyon nila ng boyfriend niya na si Zanjoe.

May posibilidad ba na magpakasal na sila?

Sagot ni Bea, “Oo, pero matagal pa yun. Marami pa kaming gustong gawin sa buhay namin.

“Pero masayang-masaya ako kasi dahil lahat ng hiniling ko, lahat ng mga ipinagdasal ko noon, nasa akin na ngayon.

“Parang I’m on the right track.”

Ipinagdasal niya si Zanjoe?

“Ipinagdasal ko na merong dumating na lalaki na magmamahal sa akin nang totoo.

“Totoo naman ang pagmamahal niya sa akin. Three years na kami.”

Uso ang bonggang proposals sa showbiz. Type ba niya yung ganoong style ng proposal?

“Magpro-propose din ako!” biro ni Bea.

Pero dagdag niya, “Wala akong idea so far. Bata pa kami.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN