Christian Bautista honored to sing for Indonesian President Yudhoyono

Magiging aktibo muli si Christian Bautista sa Indonesia dahil sa gagawin niyang concert doon. Saad ng Pinoy singer, “Nakatuwa naman dahil hanggang ngayon, hindi pa rin nila ako nakakalimutan. I can go there, really do stuff there. Ngayon uli, babalik uli ako sa routine na yun.”


Isang malaking karangalan para kay Christian Bautista ang maimbitahan ng Malacañang para umawit sa harap ni President Noynoy Aquino at ng bisita ng bansa na si Indonesia President Susilo Bambang Yudhoyono.

Dumating sa bansa si President Yudhoyono noong May 22 para pirmahan ang agreement na magsasaayos ng 20-year-old maritime boundary dispute sa pagitan ng Indonesia at ng Pilipinas.

Isa si Christian, kasama ang The Voice of the Philippines runner-up na si Klarrise de Guzman at isang Indonesian singer, sa naghandog ng ilang awitin sa harap ng dignitaries at ng Indonesian President.

Saad ni Christian sa kanyang pagdalo sa okasyon, “It’s such an honor to sing for them.”

Balitang handpicked mismo ng Malacañang si Christian dahil sa pagiging sikat nitong singer sa Indonesia.

Sabi naman ng Kapuso artist, “Well, I’m very, very happy he [PNoy] did.

“Ang pinakamasaya nga, after the show, nagkantahan kami.

“Pinakamasaya yun, parang ganun [videoke]. Chilling with the President.”

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Christian sa GMA studio noong Linggo, June 1, pagkatapos ng appearance niya sa Sunday All Stars.

INDONESIAN SONG. Kuwento pa ni Christian, inawit niya ang isang Indonesian song na isinulat mismo ni President Yudhoyono.

“Parang save-the-world song yung kanta… maganda.”

Ano ang naramdaman ni Christian na nasa harap si President Yudhoyono habang kinakanta niya ang nilikha nitong awitin?

Sagot ni Christian, “Honored. I’m very, very honored.

“Kasi, alam mo yun, parang the hardwork that you do in Indonesia, parang nagkakaroon din ng fruit dito sa bansa natin.”

Kinabahan ba siya?

Pag-amin niya, “Yes, kasi nasa harap lang sila.

“Parang nandito lang sila at nasa harap mo lang yung kamera.”

Nagkaroon ba siya ng pagkakataong makausap ang Indonesian President?

“Briefly lang naman when he went out. ‘Hello, Sir. Great to see you in my country.’”

Ano ang naging reaksiyon ni President Yudhoyono na inawit ni Christian ang kanyang composition?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“He’s glad daw, and his staff were saying it’s one of the best versions of his song na narinig niya.”

Alam ba nitong sikat siya sa Indonesia?

Sagot ni Christian, “This is the second time that I sang in an event na he was there.

“So, merong familiarity ng konti.

"Pero wala naman yung ‘Sir, kilala mo ba ako?’ Walang ganun.”

Kuwento pa ni Christian sa una nilang pagkikita ng Indonesian President, “The first time was the first Asean Summer Beach game in Bali… years ago na rin.”

Isa o dalawang linggo raw pinag-aralan ni Christian ang kantang inawit niya in English. Tatlo raw ang kinanta niya sa program.

Kuwento pa niya, naki-jam sa kantahan ang mga nasa party, maging si PNoy.

“Paalis na kami, e. ‘Tapos ipinatawag uli kami, ‘Hey, guys, you wanna sing with us?’

“Yun na lang yung mga natirang staff… So, okay, kantahan lang.

“Very chill lang si President [PNoy]… very nice singing.”

PROJECTS IN INDONESIA. Na-miss niya ba ang pag-awit ng Indonesian songs?

“Oh, yes. Sobra!” bulalas niya.

“Last week, galing ako ng Jakarta doing rounds again—TV, promoting a concert next month.

“Medyo babalik-balik ako sa Indonesia these few months.

“Nakatuwa naman dahil hanggang ngayon, hindi pa rin nila ako nakakalimutan.

“I can go there, really do stuff there.

“Ngayon uli, babalik uli ako sa routine na yun.”

Babalik daw uli si Christian sa Indonesia para mag-concert at i-promote ito. May gagawin din daw siyang bagong album doon.

Mayroon din ba siyang gagawing acting project doon ulit, pagkatapos ng pelikulang Jayden’s Choir (2011)?

Sagot ng Pinoy singer, “Meron, we approached a TV station kung puwedeng magkaroon ng TV movie. Pero hindi pa sure.”

Mauuna ba yung project niya sa Indonesia kaysa sa pagkakaroon niya ng follow-up acting project sa Kapuso network?

“Unahan… kung sino ang mauuna.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero posibleng mailatag na raw ang bagong acting project niya sa GMA ngayong June o July.

Ayaw lang munang magbigay ni Christian ng detalye dahil hindi pa siya sigurado rito. Pero sa pagkakaalam daw niya ay isa itong soap opera.

Ang pinakahuling teleseryeng ginawa at pinagbidahan ni Christian ay ang With A Smile.

Na-miss niya ba ang pag-arte sa harap ng kamera?

“Oh, yes, definitely!

“Bumalik yung pag-miss ko sa acting during the musical that I did, Ghost. Kasi very hard.

“Na-miss ko uli siya. But, yeah, just waiting for the right time.”



RACHELLE IN LONDON. Pagdating naman sa pagnanais niyang makapunta ng London para bisitahin ang kaibigan at dating girlfriend na si Rachelle Ann Go, pinaplano na raw nila nina Erik Santos at Mark Bautista ang tungkol dito.

Baka raw magsabay-sabay na raw silang umalis na magkakaibigan.

Nakarating na raw kay Christian ang pananagumpay ni Rachelle Ann sa London, kung saan gumaganap itong Gigi sa West End revival ng Miss Saigon.

Pahayag niya, “Sobra ang praise na ibinibigay sa kanya doon. It’s all over the Net.

“Naiimbitahan siyang kumanta sa mga shows, with the musicians.

“It’s another phase or station in her life, e.

“We’ll never know… hindi natin alam kung babalik pa siya dito or magseseryoso na siya doon.”

Gusto niya rin bang subukang mapabilang sa mga West End o Broadway productions, gaya ng Miss Saigon?

Sagot ni Christian, “I would like to try.

“Pero siyempre, may mga roles na binabagayan, e. Hindi yung basta-basta lang.

“Like her [Rachelle], perfect siya sa Gigi.

“Kung para sa iyo, talagang mangyayari.”

Ibinalita rin ni Christian na nakakausap niya si Rachelle sa kanilang group chat with the Champions, na kinabibilangan din nina Sarah Geronimo, Mark Bautista, at Erik Santos.

“Meron kaming regular na checking up with each other.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ba ang sinasabi ni Rachelle kapag nagkakausap sila?

“Nami-miss daw niya ang Philippines. Pero wala, e. Wala pang chance…” sabi ni Christian, na ang tinutukoy ay ang makabalik sa Pilipinas si Rachelle.

Kung sakaling sila pa rin ang magkarelasyon ni Rachelle, makaka-survive kaya silang dalawa na magkalayo sa isa’t isa?

Sagot ni Christian, “A, sa ngayon, hindi.

“Iba ang time zone, e. Siguro ‘pag malapit.

“Pero ‘pag malapit, ibang istorya, e.

“Pero may mga taong kaya, pero sa ngayon, hindi ko iniisip.”

Kung sakaling sila ni Rachelle ngayon, hindi rin pala sila magiging okay?

“Mahirap magsalita, pero everyone… it starts if you have a relationship already.

“Pero yung mga decisions, hindi natin masasabi.

“Kung sure naman kayong dalawa, then you will make it work.

“E, hindi ko pa ano…”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN