Maricar Reyes delays plan to have a baby with hubby Richard Poon

“Marrying really exposes how selfish you are. You have to think about the other person now more than yourself,” says Maricar Reyes about what she discovered after marrying singer Richard Poon.


Mag-iisang taon nang kasal si Maricar Reyes sa singer na si Richard Poon, ngunit tila maaantala ang plano nilang magkaroon na ng anak.

“Ayaw kong mag-taping nang buntis,” sabi ni Maricar sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media sa press conference ng bago teleseryeng kinabibilangan niya, ang Sana Bukas Pa ang Kahapon, kagabi, June 3.

Nasa usapan naman daw nilang mag-asawa ang huwag munang mag-anak sa loob ng isang taon matapos silang ikasal.

Pahayag ni Maricar, “Kasi, when we got married, we planned na at least a year na kaming dalawa muna. After na lang ng show siguro.”

Ikanasal sina Maricar at Richard noong June 2013.

Kung sakaling mabiyayaan ng anak, sigurado raw na mahihinto muna si Maricar sa pagtratrabaho bilang aktres.

Katuwiran niya, “I want to focus on being a mom.”



TIME TOGETHER. Sa ngayon, ayon kay Maricar, ini-enjoy muna nila ni Richard ang kanilang oras para sa isa’t isa.

“Siyempre, nakakabawas ng time together [ang work].

“But I think the best time of my day is when I go home at around 4 or 5 a.m. ‘tapos nagbe-breakfast kami together.”

Bukod sa oras, tinitiyak din daw nila ang pagbibigay suporta sa career ng isa’t isa.

Sabi ni Maricar, “Siyempre, I think marrying really matures you kasi you also have to consider the other person.

“Marrying really exposes how selfish you are.

“You have to think about the other person now more than yourself.”

At ’tulad ng ibang mag-asawa, inamin ni Maricar na paminsan-minsan ay nagkakaroon din sila ng hindi pagkakaunawaan ni Richard.

Pero hindi raw ito nagtatagal dahil agad naman nilang inaayos, bagay na natutunan daw ni Maricar kay Richard.

“Ano talaga siya, e, confront every small thing, ‘yon ang natutunan ko sa kanya.

“Kasi ako, if there’s problem, I usually run from it or usually mananahimik na lang ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero with him, I learned that even the small things we have to confront it.

“Nag-aaway kami, pero on the same day, ayaw naming matulog na hindi naaayos,” pagtatapos ni Maricar.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN