Bea Alonzo wants to fulfill items on her bucket list before settling down

“Wala namang sa plano ko ang mag-asawa ng 26, 27, 28,” replied 26-year-old Bea Alonzo when asked if she and boyfriend Zanjoe Marudo have plans to settle down.


Natutuwa si Bea Alonzo na magkasabay sila ng boyfriend niyang si Zanjoe Marudo na nagpo-promote ng kani-kanilang mga proyekto ngayon.

Si Bea ay magkakaroon ng bagong teleserye sa ABS-CBN ngayong June, ang Sana Bukas Pa Ang Kahapon.

Si Zanjoe naman ay nagpo-promote din ng bago niyang comedy movie kasama si Pokwang, ang My Illegal Wife.

“At least suwerte kami sa isa’t isa,” biro ni Bea nang makausap siya ng entertainment media sa ginanap na press conference ng Sana Bukas Pa Ang Kahapon kagabi, June 3.

Dagdag niya, “Nakakatuwa. I’m very, very, happy for him, kasi ‘yon ang direksiyon na tinatahak niya.

“Kasi, I know na ‘yon talaga ang gusto niya, comedy. ‘Yon talaga ang passion niya.”

Sa My Illegal Wife, maraming spoof na gagawin sina Zanjoe at Pokwang na halaw sa ABS-CBN primetime series na The Legal Wife pati na sa Star Cinema movie na She’s The One, na pinagbidahan ni Bea.

Ano naman ang masasabi ni Bea sa “love scene” nina Zanjoe at Pokwang?

“Nakaka-offend. Iba yung mga reaksiyon na nakukuha ko, e. Na-offend talaga ako!” natatawang sagot ni Bea.

Pagkatapos ay seryoso niyang sinabi, “Masaya ako. Ako nga ang unang-unang nanonood ng trailer nila, sobrang tawang-tawa ako.”



FUTURE WITH ZANJOE. Samantala, bagamat nanatiling maayos ang relasyon nina Bea at Zanjoe, wala pa naman daw silang napag-uusapan tungkol sa pagpapakasal.

Sabi 26-year-old Kapamilya actress, “Wala namang sa plano ko ang mag-asawa ng 26, 27, 28.

“Mahirap din matanong ng ganun ‘tapos mape-pressure kang sumagot, so wala pa.”

Para kay Bea, marami pa siyang gustong gawin bago magsimula ng sariling pamilya.

“Depende ‘yan sa magiging relasyon namin, sa mapupuntahan ng careers namin.

“I still want to travel the world, ‘yon pa lang, parang…

“Marami pa ang nasa bucket list ko na, feeling ko, hindi ko matutupad kung mag-aasawa ako.”

Sa kabila nito, sinabi ni Bea sa nakaraang panayam sa kanya na kuntento na siya sa mga nangyayari sa buhay niya, kabilang dito ang relasyon nila ni Zanjoe.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Masayang-masaya ako kasi lahat ng hiniling ko, lahat ng ipinagdasal ko noon, nasa akin na ngayon.

“I’m on the right track and ipinagdasal ko na merong lalaking magmamahal sa akin nang totoo.

“Totoo naman yun pagmamahal niya sa akin,” sabi ni Bea.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN