Manilyn Reynes signs exclusive contract with GMA; husband Aljon Jimenez is now her manager

Manilyn Reynes had a choice between Kapamilya and Kapuso, why GMA-7? She points to her heart and says it was an easy decision.


Sa kauna-unahang pagkakataon ay pumayag ang actress-singer na si Manilyn Reynes na pumirma ng exclusive contract sa GMA Network.

“Yes, yes! After a long time,” sabi niya.

Totoo ba ang isyung dahil sa mataas na presyo niya ay hindi ito kinagat ng ABS-CBN kaya sa GMA siya pumirma ng kontrata?

Tumawa muna si Manilyn bago sumagot.

“Huwag na lang yun,” pakiusap nito.

Inamin naman niyang totoong sabay siyang kinukuha ng dalawang giant networks para sa isang exclusive contract.

“Opo, totoo po yun, that’s true. Totoo ’yan.”

So, mas safe sabihin na parehong nag-offer ang dalawang networks, pero mas maganda ang offer ng GMA?

Sabi ni Manilyn, “Puwede po, puwede.

"Actually kasi, matimbang talaga.

"Kasi una, puso, mas matimbang talaga because, you know, dito ka nagsimula, e.

“If you will only think of how much you are going to earn, madali mong mapagdedesisyunan.

“Pero kapag ito,” sabay-turo ni Manilyn sa kanyang dibdib, “hindi, e.

"Dun ka maraming, ‘Teka lang.’ Marami kang titimbangin.

“Kasi wini-weigh ko, although may offer yung kabila, actually during Got To Believe, meron na talaga silang ino-offer.

"Sabi ko naman, pinag-uusapan nga namin ni Aljon [Jimenez, her husband], who’s now my manager, kung ite-trace ko, lahat halos ng ginawa ko, Seven, e.

“At tsaka in fairness, hindi ako pinabayaan ng Seven talaga.

“So, sabi namin, I think wala nang dapat pag-usapan pa diyan, ’di ba?

“Ito na yun, e.”

Ang soap opera na Annaliza ang pinakaunang show ni Manilyn sa GMA, at sinundan ito ng youth-oriented show na That’s Entertainment.

Pahayag pa ng aktres, “Alam ninyo, GMA has been taking care of me kahit noon pa, in fairness talaga.”

Nakausap ng PEP. ph (Philippine Entertainment Portal) si Manilyn sa pocket presscon ng My BFF, noong May 27, sa GMA Network Center.



NEW MANAGER. Gaya ng nabanggit ni Manilyn, ang mister niyang si Aljon Jimenez na ang kanyang manager ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bakit nila napagdesisyunanng si Aljon na ang humawak ng career ni Manilyn?

Paliwanag ng Pepito Manaloto actress, “Well, sabi nga namin, since nakakontrata ako at hindi naman magiging problema na siguro yung mga iba pang papasok na trabaho, ganun, so, sabi namin, ‘Oo, tayo na lang!’

“Pero, of course, nagpaalam naman kami nang maayos sa manager ko before. At okay naman.”

Si Olive de Jesus ang dating manager ni Manilyn.

Wala raw siyang anumang naging problema sa kanyang dating manager.

“Nagpaalam kami nang maayos at in-acknowledge naman niya.”

Bilang manager ba ay kumukuha ng komisyon ang mister niyang si Aljon sa kanya?

Ayon kay Manilyn, “Actually, ’eto nga, e, sabi niya, ’Honey, I will not be getting anything kasi ganun-ganyan.’

“Sabi ko, hindi, kasi siyempre bilang someone who fixes my schedules, someone who talks to people about me, ganun-ganun, with regards to my work, ‘Natural, honey.’

“Sabi niya, ‘No it’s…’ alam mo yun? Yung, ‘Atin naman ’yan, e.’

“And sabi niya, ‘I’m doing this kasi ikaw naman ito, e.’ ’Di ba?

"Kasi kung sa iba siguro ’yan, may lumapit, katulad ngayon may mga lumalapit nga na gagawin siyang agent, ganun.

"Mga kaibigan ito, so nahihiya naman na mag-ano na, ‘Ano ba? I-book na lang natin ’tapos okay na yun!’

"Yung mga ganun.”

Solo siyang mina-manage ngayon ni Aljon.

“Oo, actually may mga nagpapa-help, like sina Isabel Granada.

"Siyempre, ‘Ate, baka puwede akong i-book ni Kuya sa ganito,’ ganyan-ganyan.

“’Tapos ngayon naman si Aljon naman, parang, ‘Sige, sige, go!’

“Now, sabi ni Aljon sa akin, ‘If they would have something for me, okay lang, pero alam mo, okay lang din na hindi.’

“Kasi iyon na nga, e, kaibigan naman, at parang ihe-help mo na rin, ’di ba? Na kung pupuwede, bakit hindi, ’di ba?”

Biniro namin si Manilyn na since walang komisyon sa kanya si Aljon, ang kapalit na lang ay ang katawan niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Natural, natural!” at tumawa ang actress-singer.

“Hindi, pero ’di ba, alam mo yun, yung ako ang nagsasabi na, ‘Hon, ’di ba, you should at least have something?’

“Sabi niya, ‘Honey, hindi na ’yang mga ganyan-ganyan.’

“Kasi ’pag pera, ang hirap. Na kayo, ’tapos money?

"Kasi, ever since, hindi kami ganun, e. Hindi kami ganun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN