Rafa Siguion-Reyna admits career advantage of having celebrity parents

Rafa Siguion-Reyna does not mind being a "yes" person because despite being a newbie in showbiz, he appears to be going places. He says, "Kahit saan-saan ako napupunta, Grease, ’tapos MYX, tapos Celebrity Dance Battle, ’tapos Rhodora X, ’tapos Vampire Ang Daddy ko, ’tapos Niño."


Bukod sa pagiging isang television actor ay isa ring stage actor ang newcomer na si Rafa Siguion-Reyna.

Alin ang mas gusto niya?

“Both, both, gusto ko yung both. Iba sila, e,” sagot ng binata nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong nakaraang linggo.

Alin ang mas lamang na nagugustuhan niya?

Aniya, “Sa akin talaga, gusto ko kasi maging mas commercial.

"Yung as a performer, mas commercial.

"So, gusto ko din yung TV dahil mas commercial siya."

At mas malaki ang bayad?

“Well, yeah!” natawang pagsang-ayon ni Rafa.

ADVANTAGE. Si Rafa ay anak ng award-winning director na si Carlos Siguion-Reyna at ng screenwriter-actress na si Biberth Orteza.

Si Carlos ang nagdirek ng critically-acclaimed films na Hihintayin Kita Sa Langit (1991), Ikaw Pa Lang Ang Minahal (1992), Saan Ka Man Naroroon (1993), Kailangan Kita (1993), Inagaw Mo Ang Lahat Sa Akin (1995), Abot Kamay Ang Pangarap (1996), Ligaya Ang Itawag Mo Sa Akin (1997), Ang Lalaki Sa Buhay Ni Selya (1997), Kahapon, May Dalawang Bata (1999), at Azucena (2000).

Si Bibeth naman, bukod sa pagiging artista, ay isa ring screenwriter. Ilan sa mga isinulat niyang script para sa mga pelikula ay Ikaw Lang (1993), Kung Mawawala Ka Pa (1993), Kailangan Kita (1993), Inagaw Mo Ang Lahat Sa Akin (1995), Bridesmaids (1997), Ligaya Ang Itawag Mo Sa Akin (1997), Ang Lalaki Sa Buhay Ni Selya (1997), Kahapon, May Dalawang Bata (1999), at Enteng Kabisote franchise.

May advantage ba ang pagiging anak ng celebrities sa pagpasok niya sa showbiz?

Sagot ni Rafa, “Yeah, I would say may advantage naman talaga dahil hindi ko naman masasabi na hindi, dahil nakakatulong din.

"Kapag may taping kami or masama yung performance ko, meron akong mga nalalapitan na sinasabi ko na, ‘Ma, masama yung performance ko.’

“Or parang, ‘Sinigawan ako ni Direk, what do I do?’

“So, natutulungan din niya ako about my character and kung paano ako on the set and how to treat people din.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May pressure ba sa parte ni Rafa na dahil mahuhusay na mga direktor at artista ang mga magulang niya kaya inaasahan na magiging mahusay rin siyang artista?

“I think nung una, meron nung nag-Grease pa kami nun. At that time, meron pa.

"Pero actually, after a while, na-realize ko rin na hindi talaga siya pressure, more of a resource nga talaga.

"Nakakatulong talaga sa career ko dahil, of course, gumagawa din sila ng mga pelikula, so may mga kilala din sila.

"So, I learn how to carry myself, I know how to talk to people."

FIRST TELESERYE. Kasama si Rafa sa cast ng bagong telserye ng GMA na Niño.

Paglalarawa niya sa kanyang role, “Ako si Rick, yung kanang-kamay ni Lucio [played by Jay Manalo].

"Hindi siya kontrabida, may konsensiya siya na kontrabida, so may pagka-gray area siya."

Kumbaga ay may pinanggagalingan ang kanyang pagiging salbahe?

“Hindi naman siya salbahe, I would say.

"I think may loyalty siya talaga kay Lucio dahil, I think, niligtas siya ni Jay nung sa kabataan niya.



“Ito ang pinakauna kong soap na medyo malaki yung role ko.”

Ang lagi niyang kaeksena ay si Jay at tinutulungan daw siya nito.

Sabi ni Rafa, "Malaking tulong si Jay actually for me dahil, yun nga, nag-aral ako sa U.S., so minsan…

"Okay naman yung Tagalog ko conversationally.

"Pero kapag nagbabasa ng lines at saka kasi… actually nga, sabi sa akin ni Jay, which gagawin ko next week, bibili ako ng komiks.

“Para makita ko yung kilos ng salita.”

Wala naman siyang American accent.

“Ano lang kasi, kapag binabasa ko yung script... kasi ang acting naman kasi, hindi lang sa lines, e.

"Kapag English, nakikita ko yung kilos, yung movement ng character, so habang binabasa ko, alam ko yung movement.

“E, mas sa English ako nag-iisip, so hindi ko nakikita yung movement.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, tinutulungan ako ni Jay palagi."

Bago ang Niño ay nagkaroon ng guest roles si Rafa sa Rhodora X at Vampire Ang Daddy Ko.

Naging tampok din siya sa musical play na Grease.

VERSATILITY. Single si Rafa dahil, aniya, “Ang career ko ang girlfriend ko!”

Sa Grease ay gumanap siya bilang agresibo at playful na lalaki. Pero sa tunay na buhay raw ay hindi siya ganoon.

“Hindi, hindi ako ganun, hindi naman.

"I would say na friendly lang ako, friendly."

Hindi raw siya babaero, pero may mga crush siyang artista.

"Solenn [Heussaff], mabait ’tsaka beautiful.

“Si Belle [Isabella Daza], kasi Filipina beauty talaga.

“Si Jasmine Curtis, mabait ’tsaka talented. Napanood ko yung
Transit... ang husay niya sa Transit. So, mahusay siya talaga.

“Pero harmless lang naman, crush lang naman, wala naman akong gagawin.

"’Yung tatlong yun, may mga syota na sila!” at tumawa si Rafa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN