Angel Locsin denies engagement to boyfriend Luis Manzano

Love is indeed sweeter the second time around, like in the case of Angel Locsin and Luis Manzano. “Kahit ano’ng mangyari, parang alam na namin na kami na para sa isa’t isa,” says Angel about her rekindled relationship with Luis.


Ayon kay Angel Locsin, pinakamatapang niyang ginawa sa larangan ng pag-ibig ang pakikipagbalikan sa kasintahang si Luis Manzano.

Sabi ni Angel sa Aquino And Abunda Tonight kagabi, June 4, “Alam mo yung sobrang mahal mo yung tao, kahit hindi ka naman niya sinaktan talaga intentionally, pero dahil mahal na mahal mo yung tao, yung pain nun is times one hundred sa ‘yo [kapag nasaktan ka uli].

“’Tapos dahil hindi ka naman sure kung magiging okay ba kayo, babalikan mo yung isang bagay na hindi ka naman sigurado, na baka pagdaanan mo ulit yung lahat ng pain na naramdaman mo...

"Back to zero ka ulit, ’di ba, parang ang tapang-tapang ko na?

“Sobrang proud ako sa sarili ko sa ginawa kong ‘yon.”

Taong 2009 nang maghiwalay sina Angel at Luis, at muling magkabalikan nitong 2014.

Read: Luis Manzano and Angel Locsin officially back together



NO COMMUNICATION BEFORE. Tinanong ng host na si Boy Abunda si Angel kung pinag-uusapan ba nila ni Luis ang kanilang mga pinagdaanan.

Sagot ng aktres, “Yes, actually dati, akala namin may communication kami, pero hindi pala.

“Nag-uusap lang kami, pero walang communication.

"Talaga, hindi kami nagkakaintindihan talaga."

Kumusta naman ang komunikasyon nila ngayon?

Ayon kay Angel, “Sobra, iba yung relationship namin ngayon kesa dati.

“Yung security namin sa isa’t isa, kahit ano’ng mangyari, parang alam na namin na kami na para sa isa’t isa, so happy kami.

“Siguro sakto lang lahat ng pinagdaanan namin.

“Kailangan din namin ‘yon. Ako, kailangan ko.

"Ang dami kong natutunan na ’di pala ako laging tama."



NOT YET ENGAGED. Inusisa rin ang bida ng The Legal Wife kung engaged na ba sila ni Luis.

“Hindi, e,” maiksing tugon ni Angel.

Pinansin naman ni Kris Aquino ang suot na relo ni Angel at tinanong kung ito ay isang engagement watch mula kay Luis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero sabi ni Angel, birthday gift iyon ni Luis sa kanya.

Nagbiro naman si Angel kung matutuloy pa ang pagni-ninang sa kasal ni Kris kapag nagdesisyon na ang aktres at si Luis na magpakasal.

Tiniyak naman ni Kris na magiging ninang siya, at sinabing ngayon pa lang ay pinaghahandaan na niya ang ireregalo kapag nagpakasal na ang dalawa.

Bago matapos ang show ay nagpasalamat si Angel sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) dahil sa Thumbs Up award na iginawad sa kanya sa The 1st PEP List Awards.

Hindi nakarating si Angel sa awards night na ginanap noong May 20 sa Solaire Resort & Casino, Parañaque City.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN