Vice Mayor Isko Moreno denies rumored affair with Jackie Ejercito-Lopez: “It’s not true and it will never be true.”

Masaya raw si Vice Mayor Isko Moreno sa pagpapalakad ni Mayor Erap Estrada sa lungsod ng Maynila. Aniya, "We’re just happy and proud to be part of the administration of Mayor Erap. Tourists are coming over and we have command centers, cameras were deployed, marami nang CCTV sa Manila. Marami kaming crimes na nasu-solve—drugs, carnapping, snatching, holdups. ’Tapos yung mga waiting sheds natin, maliwanag na, organized loading and unloading area, regulati


Sinagot na ni Manila Vice Mayor Isko Moreno ang usap-usapang nag-uugnay sa kanya sa anak ni Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada na si Jackie Ejercito-Lopez.

Diumano, hiwalay na raw si Jackie sa asawa nitong si Manuel “Beaver” Lopez, at si Vice Mayor Isko raw ang third pary.

Reaksiyon ni Isko dito, “Buti pa kayo alam ninyo, ako hindi ko alam, e! Because that’s too personal.”

Sabi pa niya, “E, ano bang puwedeng intriga sa showbiz? Yun lang naman.

“Even si President Mayor [Erap] is aware.”

Ano ang reaksyon niya nang malaman ang pagli-link sa kanila ni Jackie?

“Wala!” bulalas ng actor turned politician.

“Kaya nga natatawa na lang kami, e. We don’t dignify such stories.

“Tiyak ko paninira lang ‘yan para sa relasyon naming dalawa [ni Mayor Erap]. Ganoon lang kasimple yun.

“It has nothing to do with government service.”

Pakiramdam ba niya ay pinepersonal na talaga siya ng mga kalaban niya sa pulitika?

Sagot ni Vice Mayor Isko sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Ayun!

“Meron ba kaming pinagtatalunan ni Pangulo Mayor Erap Estrada sa paggogobyerno? Wala.

“In fact, nagsusuportahan pa kami. ‘Di ba, baligtad?

“Nagsusuportahan kami for the betterment of the city. Na kapakinabangan naman ng mga taga-lungsod.

“O, kaya, kahit anong intriga, puwedeng ibato sa ‘yo.

“But so far, we don’t want to dignify any question about that.

“It’s not true and it will never be true.”

Nagkikita ba sila ni Jackie sa Manila City Hall?

“Oo, sila ang ano, e, sila ang nagha-handle ng Miss Manila.

“She’s helping her father sa beautification portion ng Manila.

“Siya rin ang humawak ng kampanya ni Pangulo.

“Kasama pa niya ang misis ko. Tandem sila.

“Kasi siyempre, Mayor at Vice Mayor, may humahawak ng kampanya namin.

“So, tandem sila.”

ISKO’S WIFE. Ang misis ni Isko ay si Diana Lynn Ditan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ikinasal sila noong 2000 at lima ang kanilang anak—sina Vincent Patrick, 15; Frances Diane, 13; Joaquin Andre, 11; Franco, 7; at Drake Marcus, 2.

“Yes, isang babae lang,” ngiti niya.

Aware din ba siya sa balitang hiwalay na sila diumano ng misis niya?

“Talaga? Kaya nga ang tawag doon, tsismis!” natatawang sabi ni Isko.

“Well, unang-una, ang misis ko is not really into politics.

“I’ve been married for… malapit na pala akong mag-fifteen.

“Oo, malapit na,1999, e. Lapit na ako mag-fifteen years.

“Ever since, hindi nakita ng mga taga-Tondo ang misis ko na nag-participate sa mga political events.

“Talagang ano lang siya, maong girl. Magong girl lang siya, like common people.

"She can walk in the mall and nobody can notice that she’s my wife. Very simple lang ang misis ko.”

Hindi ba nagseselos ang misis niya sa mga babaeng lumalapit sa kanya?

“Well, talagang ganyan. E, basta tayo, hindi nambababae.

“Mahirap yung nilalalaki tayo! Joke lang yun.

“Pero wala ‘yan. So far, malayo ang pang-unawa ng misis ko,” saad ni Isko.

Masasabi ba niyang paninira lang ang tsismis na sila na ni Jackie?

“Next question, please! ‘Di ba, dedma!” tawa niya.



CITY OF MANILA. Tinanong din ng PEP si Vice Mayor tungkol sa batikos na natatanggap nila ni Mayor Erap dahil sa mga pagbabagong ipinapatupad nila sa Manila.

Apektado ba sila kapag may nakakarinig sila ng batikos?

Tugon niya, “Hindi naman… we’re happy that President Mayor Estrada is on the right track.

“Manila is gaining its popularity again with regard to perception that he’s moving heaven and earth to clean up the city and bring back the glorious days of the city of Manila as the capital of the country.”

Nakatulong ba ng malaki ang pagpunta nang personal ni Mayor Erap sa Hong Kong para humingi ng paumanhin sa nangyaring hostage-taking noon sa Luneta Grandstand?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Isko, “Oo, e. Kita mo yung image natin na medyo masama because of the issuance of the travel ban sa Manila, naayos ni Pangulong Mayor Erap Estrada.

“So, we’re just happy and proud to be part of the administration of Mayor Erap.

“Tourists are coming over and we have command centers, cameras were deployed, marami nang CCTV sa Manila.

“Marami kaming crimes na nasu-solve—drugs, carnapping, snatching, holdups.

“’Tapos yung mga waiting sheds natin, maliwanag na, organized loading and unloading area, regulation of buses, regulation of trucks.

“So, malaki ang in-improve, modesty aside, ng siyudad ng Maynila dahil sa mga policy ni President Mayor Erap Estrada.”

Sa kabila ng pagtatanggol niya kay Mayor Erap, gaano katotoo na “on the rocks” daw ang pagsasama nila bilang mga namumuno sa city of Manila?

“Bakit, magsyota ba kami?” natatawang reaksiyon ni Isko.

“Put it on record… LQ-LQ ba? Ang LQ, sa magsyota lang yun.

“But we are very, very in good terms. Working hand-in-hand to clean the city.

“Not only the city but also the city government itself dahil iniwan siya na bankrupt na administrasyon.

“Kulang-kulang na limang bilyong piso na iniwan ng nakaraang administrasyon… P3.5 billion liability—P600 million sa Meralco; ‘tapos sa BIR, P600 million also; sa tubig, P57 million.

“So, ‘yan ang hinaharap ni Pangulong Mayor Erap.”

Nabawasan na ba ang pagkakautang ng Maynila sa administrasyon ni Erap?

Sagot ni Isko, “Marami na ang nabawas.

“In fact, nag-P300 million na lang ang utang sa Meralco na in a few months na talagang pagtitipid at pagtitiyaga ni President Mayor Erap.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN