Starlet Krista Miller camp on visiting convicted drug lord in hospital: "She has nothing to hide."

Matapos madawit ang kanyang pangalan sa hiwalayang Cesar Montano at Sunshine Cruz, lumutang na naman ang pangalan ng starlet na si Krista Miller matapos itong pangalanan ng mga operatiba ng Department of Justice na dumalaw diumano sa isang convicted drug lord sa ospital.


Dawit sa panibagong kontrobersiya ang starlet na si Krista Miller, ang baabeng sinasabing dahilan ng paghihiwalay nina Cesar Montano at Sunshine Cruz.

Nabanggit kasi ang pangalan ni Krista bilang isa raw sa tatlong babaeng dumalaw sa naospital na convicted drug lord na si Ricardo Camata.

Lumabas sa iba’t ibang news programs kahapon, June 4, ang balita kung saan nakuhanan pa ng video si Krista, kasama ang dalawang lalaki, sa CCTV (closed-circuit television) sa harap ng kuwarto ng nasabing high-profile inmate.

Nangyari diumano ang pagdalaw ni Krista kay Camata sa Metropolitan Hospital noong May 31, Sabado.

Ayon pa sa ulat, hindi dumaan sa tamang proseso ang pagbisita ni Krista sa silid ni Camata, at hindi rin itinala ng starlet sa logbook ang kanyang pangalan.

Ngunit nakilala pa rin siya ng mga operatiba ng Department of Justice (DOJ).

Ayon pa sa taga-DOJ, hindi rin kinapkapan at tiningnan ang laman ng bag ni Krista.

KRISTA MILLER’S REACTION. Kaagad kinuha ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang panig ni Krista tungkol sa isyu.

Nagpadala muna ang PEP ng dalawang text messages kaninang tanghali, June 5, sa dating Boracay Bodies contestant bago namin siya tinawagan.

Pagkalipas ng halos tatlumpong minuto, sumagot ito na magbibigay siya ng pahayag sa pamamagitan ng pangkalahatang interview.

Pero kinalaunan, ini-refer ni Krista ang PEP sa kanyang management team.

Nagpadala ang PEP ng text message sa manager nito, at kaagad naman daw silang magbibigay ng pahayag.

Pasado alas-tres ng hapon, nagpadala ng maikling mensahe sa PEP ang Grand Larain Productions, ang management team ni Krista.

Sinabi nilang biktima diumano ang starlet sa isyu.

"Krista Miller is a victim of this issue. As she has nothing to hide, she will air her side tomorrow at the presscon (TBA)."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN