Matteo Guidicelli "enjoying every moment" with rumored girlfriend Sarah Geronimo

Matteo Guidicello on rumored girlfriend Sarah Geronimo: “I think it’s time for Sarah to enjoy life more. She’s already 25, she’s starting to enjoy everything much more.”


Kinumpirma ni Matteo Guidicelli na kasama niyang nanood ang rumored girlfriend niyang si Sarah Geronimo ng pelikula ng Pop Princess katambal si Coco Martin—ang Maybe This Time—sa isang mall sa Makati City.

Kasama rin ng dalawa ang mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo.

Nalaman ito ng publiko ang “double date” ng apat nang mag-post si Judy Ann sa Instagram ng larawan ng movie tickets para sa Maybe This Time at kasunod nito ang larawan nilang apat.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Matteo sa taping ng I-Shine Talent Camp TV ng Promil, binati niya si Sarah at lahat ng bumubuo ng Maybe This Time.

“Oo naman, ang galing!

“Congrats kay Direk [Jerry Lopez Sineneng] and, of course, Sarah was awesome, ’di ba? Lahat ng mga iyak niya, totoo, ‘di ba?

“It’s okay, it’s cool, congratulations to all of them.”

Dahil sa tagumpay ng Maybe This Time sa box-office, may ilang nagsasabi na baka si Matteo ang “lucky charm” ni Sarah. Ano ang reaksiyon niya rito?

Sabi ng Kapamilya star, “Lucky charm? I don’t know, I don’t have any idea.

“I guess she deserves every bit of it.

“She’s amazing, she’s talented, and I think now she deserves to enjoy her life more.”

Sa nakaraang interviews ni Matteo ay consistent ito sa pagsasabing darating ang tamang oras upang magsalita siya tungkol sa “special relationship” nila ni Sarah.

Ito na kaya ang right time na sinasabi ni Matteo?

Sagot niya, “Ewan ko, hindi ko alam kung ito ang tamang panahon.

“Basta wala akong idine-deny, wala akong sinasabi.

“Basta we’re enjoying every moment and, you know, doing our own thing.

“I think it’s time for Sarah to enjoy life more.

“She’s already 25, she’s starting to enjoy everything much more.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aminado naman si Matteo na masaya at inspirado siya ngayon. At isa sa rason nito ay si Sarah.

“I think so. Masaya… sasabihin ko, I’ve never been happier, kumbaga.”



FOURSOME. Kinumpirma rin ni Matteo na kuha sa isang running event ang isang larawang lumabas sa Instagram, kung saan magkakasama rin sila nina Sarah, Judy Ann, at Ryan.

Kuwento ng actor-TV host, “It’s in Alabang. Hindi ako nakatakbo.

“Dapat kasali ako nun, pero nagkasakit ako nun, sumunod lang ako sa mga teammates ko.”

Iniengganyo ba niya si Sarah na maging aktibo na rin sa sports?

Tugon ni Matteo, “I don’t know… I’m trying to influence her to workout and exercise.

“Well, hopefully, we’ll see. When she’s free, I guess.”

Dagdag niya, “Si Ryan, we trained together sa triathlon, nasa South din sila.

“Sila Sarah and Judy Ann, they are close also.”

Tinanong namin si Matteo kung alam ba ng mga magulang ni Sarah na sina Mommy Divine at Daddy Delfin ang mga lakad nila ng Pop Princess.

Aniya, “Oo naman, alam naman nila lahat yun.”

Naipakilala na ba niya si Sarah sa kanyang ina?

“Yeah, my moms loves Sarah. Oo, naipakilala ko na,” pagkumpirma ni Matteo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN