Xian Lim will accept Captain Barbell role if offered to him

Nilinaw ni Xian Lim na wala pang sinasabi sa kanya ang ABS-CBN management tungkol sa balitang siya raw ang gaganap na Captain Barbell sa pagbabalik ng Pinoy superhero sa telebisyon. Pero kung sakaling i-offer ito sa kanya, “Oo naman, why not, of course tatanggapin ko.”


Ayaw pang kumpirmahin ni Xian Lim ang usap-usapang siya ang gaganap na bida sa remake ng Pinoy superhero na Captain Barbell sa ABS-CBN.

Sabi ng Kapamilya heartthrob, “Naku, wala pang nasasabi sa akin.

“May mga fans and supporters na gumagawa ng online, mga online voting, nae-excite sila.”

Pero kung saling i-offer daw ito sa kanya, “Oo naman, why not, of course tatanggapin ko.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Xian sa taping ng I-Shine Talent Camp TV ng Promil noong Miyerkules, June 4, sa isang studio ng ABS-CBN.

Marami ang natuwa ngunit may ilan ding tutol at nagbigay ng negatibong reaksiyon sa balitang si Xian ang gaganap na bagong Captain Barbell.

Sabi ni Xian tungkol dito, “You can’t really please everyone.

“Pero siyempre sa role na yun, why not?”

Samantala, kinumpirma ni Xian na dalawang pelikula ang nakatakda nilang gawin ng ka-loveteam na si Kim Chiu.

Aniya, “We’re shooting soon… hopefully soon.

“Siyempre yung mga supporters, nag-aabang sila.

“Huwag silang maiinip, yun ang palagi naming sinasabi.”



I-SHINE. Tungkol naman sa pagbabalik ng I-Shine Talent Camp TV, kung saan makakasama niyang muli sina Dimples Romana at Matteo Guidicelli, sinabi ni Xian na kakaiba ang season na ito.

“Kung yung last season namin ng Promil pre-school ay nasa studio yung mga workshops, ngayon ay aalis kami.

“Pupunta kami… for singing, we’re going to UP College of Music.

"For acting, we’re going to PETA, and we’re going to G-Force Dance Center."

Malapit daw sa puso ni Xian ang I-Shine dahil nakikita rito ang pagiging tapat ng mga bata at kung gaano sila katalento sa mura nilang edad.

“Siyempre nakakatuwa rin na nakikita mo ang mga iniisip nila.

“They’re very honest, they’re gonna express their emotions talaga, lalo na yung acting.

“Talagang they’re gonna give it all.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN