Governor Vilma Santos denies encouraging son Luis Manzano to enter politics: "Sa kanya manggagaling ‘yan at siya ang magsisilbi."

Batangas Governor Vilma Santos on son Luis Manzano entering politics: "Unang-una, alam ko kapag pumasok ka sa politics, hindi madali. Pero kung yun ang calling niya at willing siyang isakripisyo ang career niya, kasi kahit papano masasakripisyo, at handa ang puso niya, hindi ako magiging obstacle, hadlang… oo. Pero hindi ko rin siya ini-encourage. Kung ano ang gusto niya."


Maugong ang usap-usapan na desidido na raw ang panganay na anak ni Batangas Governor Vilma Santos na si Luis Manzano na pasukin ang pulitika.

Pabor ba si Governor Vi na sumunod sa kanyang yapak si Luis?

Sagot ng actress-politician sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Alam ninyo na si Lucky, nagtrabaho na walang ginamit sa amin ni Eduardo [Edu Manzano].

“So, meron siyang sariling drive, at sa pagiging isang leader, importante yun.

“And then, secondly, alam din ninyo siguro naman din kung gaano kalaki ang puso ng anak ko.

“Hindi ba, kapag may nagge-guest sa kanya na alam niya na nahirapan, from the heart, magsi-share siya sa abot ng makakaya niya.

“That’s also important sa isang leader.

“Third, si Lucky is very determined person, e.

“Kapag ginusto niya, gusto niya, e.

“Yung [taxi] business niya, sariling kayod niya yun, e, you know. That’s also very important.

“But again, I am not encouraging him na, ‘O, anak, tumakbo ka.’ Hindi, e.

“Sa kanya manggagaling ‘yan at siya ang magsisilbi.

“At hindi biro yung ganitong… nakikita ninyo naman siguro ang trabaho ko.”



LUIS AS A POLITICIAN. Pero nakikita ba niyang may hilig talaga si Luis sa pulitika?

Ayon kay Governor Vi, “Kung may hilig siya, palagay ko, yung mga traits ng anak ko, papasa as a public servant.

“Pero hindi nga ganoon kadali yun. Kailangan prepared ka pagpasok mo.

“Kasi pare-pareho kaming galing sa show business. Spoiled kami sa show business, e, pampered.

“Malaki ang suweldo namin, sikat ka. Lahat binibihisan ka, pagkain gusto mo…

“Dito, baligtad. Ikaw ang maghahabol, susuyo, at iikot ka. Go kung saan kailangan ang ano.

“Kaya it’s really a sacrifice.

“Kaya yun ang sinasabi ko sa mga gustong tumakbo—sakripisyo ‘yan.”

Nagpapahiwatig ba sa kanya si Luis na gusto nitong pasukin ang pulitika?

Sagot niya, “In a way, yes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero kasi, hindi rin naman sa kanya nanggaling.

"Sa mga mamamayan din nanggaling na, ‘Patakbuhin mo ang anak mo.’

“Kasi, parang ang sabi nila, ‘Gusto lang namin…’ modesty aside, ang aking pagpapakumbaba.

“‘Ang gusto namin, may continuation yung ginagawa mo. And sa tingin namin, baka Lucky [Luis’s nickname] can deliver.’

“Kasi ang tingin nila kay Lucky, matured na, ‘di ba?

“But, yun, nanggaling sa kanila.”

Patuloy ni Governor Vi, “Nung tinanong ko anak ko, ‘Yes, Mom, why not?’

“Ang feeling niya, ‘Iyan na ang kinalakihan ko Mom, e, ‘di ba? And maybe, given a chance at sa tingin ko ready na ako, why not?’ Yun lang.

“At para i-encourage ko siya na, ‘Sige anak,’ hindi, e. Kasi alam ko na hindi madali, alam ko.

“Kung magseserbisyo ka nang sinsero? Hindi madali talaga.

“Pero very fulfilling kasi kahit wala na ‘tong mga kamera na ‘to, yun na ang legacy mo, e, yung pinagkatiwalaan ka.

“Hindi nababayaran ng pera yun na, ngayon, pagkatapos ng term ko…

“Labing-walong taon na pala akong public servant. Eighteen years, huh!”

Totoo bang Mayor ng Lipa ang unang posisyon na susuungin ni Luis sa pulitika?

Ayon kay Governor Vi, “Hindi pa namin napag-usapan.

“Kung may interes, sabi niya, ‘Why not, Mom? ‘Yan ang kinalakihan ko.’

“Pero hindi namin napapag-usapan.

“Sabi niya nung Mother’s Day, ‘In two weeks, Mom, babalik ako sa inyo. I will ask for your help,’ regarding itong issue ng pagtakbo, or politics.

“So, nothing is final sa time na ‘to.”



POLITICS OR FAMILY? Sabi ni Luis sa isang interbyu, hindi na siya bumabata at gusto na rin niyang magkaroon ng sariling pamilya.

Ano kaya ang mas priority ni Luis—politika o pamilya?

Sabi ni Governor Vi, “Hindi na rin bumabata ang anak ko and, kung yun ang desisyon niya… mas gusto ko kasi sa mga anak ko nagkakaroon ng sariling desisyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At kung yun ang magiging desisyon niya sa buhay niya—na magkaroon ng family na at priority niya ang kanyang personal na buhay—hundred percent akong nakasuporta diyan.”

Ibig sabihin, hindi totoong kinausap niya si Luis na tumakbong mayor ng Lipa?

“No, no, no,” diin ni Governor Vi.

“Hindi ako, no, it’s not true na ako ang nag-e-encourage.

“Not my decision, [it’s] his decision.

“Kasi, unang-una, alam ko kapag pumasok ka sa politics, hindi madali.

“Pero kung yun ang calling niya at willing siyang isakripisyo ang career niya, kasi kahit papano masasakripisyo, at handa ang puso niya, hindi ako magiging obstacle, hadlang… oo.

“Pero hindi ko rin siya ini-encourage. Kung ano ang gusto niya.

“Dyusko, ilang taon na ang anak ko?”



AI-AI DELAS ALAS. Maraming artista ang gustong tumakbo sa Batangas. Ibibigay ba ni Governor Vi ang blessing niya sa mga ito?

Tugon niya, “Why not?

“Pero siyempre, meron kang susunding partido rin, e. Alam mo ang ibig kong sabihin?

“We can be friends, pero pagdating ng eleksiyon, meron tayong kanya-kanyang partido. Unless magka-partido tayo.

“Pero hinid ibig sabihin na magkagalit tayo.

“Kung may maitututulong ako bilang may experience ako, why not? Because you’re my friend.

“Pero depende rin ‘yan sa partido.

“Pero paano ako lalabas sa ‘yo kung against ka doon sa partido ko, hindi puwede.

“Pero hindi yun makakasira sa pagiging magkaibigan natin.

“Pero pagdating sa mga stage-stage, hindi ka puwedeng humarap dahil hindi kayo magka-partido, tama?

“Pero yung isi-share mo na tulong, learnings, why not?

“Kaya it depends pa rin yun na, dahil at the end of the day, pagdating ng eleksyon, meron kang sinusundang partido.

“Importante po yun.”

Ano ang masasabi niya sa deklarasyon ni Ai-Ai sa pagtakbo nito sa Calatagan, Batangas?

Saad ni Governor Vi, “Oo, in fact, dito nag-celebrate si Ai-Ai ng ano, e, Valentine’s Day.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Magkasama kami, kasama ko ang mga empleyado ko, nag-exercise kami. Dito kami nag-celebrate.

“Si Ai-Ai madalas dito. Saka biro mo, tumawag siya, ‘Ate Vi, ganito, ganyan.’

“’Tapos sabi ko sa kanya, ‘Saan ka magba-Valentine’s?

“’Nasa Batangas ako.’ Sabi niya, ‘Punta ako diyan sa ‘yo.’

“Kasama ko nag-exercise. Hinarap yung mga empleyado rito.”

Binigyan ba niya ng basbas si Ai-Ai para tumakbo sa 2016 elections?

“Alam mo si Ai-Ai, noong araw pa, gusto na niya.

“But sabi ko, ‘Ai, kung hindi ka preparado, huwag kang papasok, maniwala ka. Sisirain mo lang.

“’Unless,’ sinabi ko, ‘preparado ka. May mga igi-give up ka.’

“Yung lifestyle ni Ai, mataas. Kaya sabi ko, ‘Kung willing ka may isakripisyo at talagang gusto mo nang mag-focus sa puso mo, that’s the time na desisyunan mo na tatakbo ka.

“’Ngayon, kung hindi pa, huwag kang mag-dare, Ai.’

“Pero yun na nga, nalaman ko na nag-register na siya sa Calatagan, and sabi niya, mukhang ready siya ngayon.

“Desisyon ni Ai-Ai yun na mag-declare siya.

“You know, kapagka ganyan, hindi sa akin dapat manggaling. Kasi ikaw ang magtatrabaho at hindi madali.

“Ayokong ako ang magsasabi dahil in-encourage kita, kasi alam kong hindi madali, e. Baka ako pa ang masisi.

“I’m just here to guide her.

“But I think the most important thing is... you know naman si Ai-Ai, malambot din ang puso niyan, e. Very helpful din.

“Kaya, kumbaga, kung traits din ng pagsisilbi, puwede siya.

“Kaya lang, hindi puro heart, e. Hind puro puso, hindi puwedeng puro pagsisilbi.

“Dapat alam mo rin ang takbo ng politika or local governance. Hindi ‘yan puro puso.

“Kailangan alam mo rin kung ano ang takbo ng local governance.

“Kasi kailangan mong mag-aral. Every day is a learning process.

“Pero iba kapag ‘andiyan ka na. Kaya dapat yung local governance ang importante.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Alam mo lang dapat yun para hindi ka… tutulong ka nga nang tutulong, alam mo kung saan ka kukuha ng pondo? Paano kumuha ng pondo?

“E, lahat ng itutulong mo, pera ang kailangan, ‘di ba? That’s what I mean.

“Pati ito dapat pinag-aaralan mo, it’s just part ng serbisyo.”

Ano naman ang take niya sa PDAF controversy?

“Nakakalungkot,” sambit niya.

“Isa lang masasabi ko diyan, baka parte ito ng pagma-mature na ng ating gobyerno.

“Yun lang, ‘tapos niyan, wala na.


“Part lang ito ng pagma-mature ng ating gobyerno. Dadaanan natin lahat ito.”



PROVINCE OF THE STARS. Payag ba siyang maging Province of the Stars ang Batangas?

Sagot ni Governor Vi, “Nandito na lahat, oo.

“Alam ninyo ba kung ilan na dito ang mga bahay nila sa Lobo?

“Lahat nandidito na, pati si Linggit Tan [ABS-CBN executive], nasa Lobo na. Hindi, walang biro.

“Magkakatabi pa nga. Gusto nga nila yung barangay nila ngayon… sina Amy [Austria], Boyet [de Leon], sina Linggit, gusto nilang gawing Barangay of Stars.

“Si Gabby [Concepcion], iniwan niya ang Mabini niya kasi nagda-dive, kumuha sa Lobo ulit.


“Si Bobot [Mortiz], si Pip [Tirso Cruz III], ‘di ba?

“Natutuwa naman ako, ‘di ba?

“Mother Lily [Monteverde]... si Aga [Muhlach], isa ‘yan sa mga original, e.

“Nagtataka nga ako kung bakit sa Bicol tumakbo [si Aga], dapat dito, e.


“Mas kilala siya sa Mataas na Kahoy. Pamilya niya diyan nakatira.

“Ang dami nila… pati mga director, nandito na rin.

“Marami ring astig na artista na dito ikinasal, ‘di ba?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN