Vilma Santos prioritizes last term as Batangas governor over doing another movie

Vilma Santos on her last term as Batangas governor: "Nagpapasalamat ako, kasi ito ang pinakamalaki kong boto na nakuha sa Batangas—itong last term. So, thankful ako kasi nandoon yung tiwala nila, ‘di ba? So, itong last two years, kung ano pa yung mga loopholes ng mga maiiwan ko pang programa, yun ang pinupunan ko ngayon."


Maraming Vilmanians ang umaasang mapanood muli ang kanilang idolo na si Vilma Santos sa isang pelikula.

Ang huling pelikulang ginawa ng Star For All Seasons ay ang indie film na Ekstra noong 2013.

May next movie na ba siya?

Sabi ng Batangas governor sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Nagpadala na ng script sa akin ang Star Cinema. Nagpasabi na sila.

“Pero hindi pa… wala pa akong inooohan.”

Anong pelikula ito?

“Yung kasama si Lucky [Luis Manzano] at si Angel [Locsin], baka malabo, e.”

Anong genre ba ang gusto niyang gawin?

“The last meeting that I had with Star Cinema, family movie rin. Kailangan family movie rin.

“Sa ngayon kasi, sa katayuan ko, kailangan din yung ganoong movie— family, wholesome.”

Ito ba yung nababalitang pelikula niya with Ai-Ai delas Alas?

“A, hindi. Kasi yung kay Ai-Ai, hinihintay ko na magbigay ng script, pero wala pa.

“But I told them… kasi hindi rin ako ganoon kadali... kung mapipilitan na maghabol sa Metro Manila Film Festival.

“Hindi, e, dahil may trabaho rin ako dito Batangas. Marami akong trabaho dito.

“Last term ko na, kung hindi rin lang ako kumportable na kaya ko pang magawa, hindi ko susuungin.

“Kasi time ang kukunin sa akin nun. Kakain ng oras yun.

“Kaya kung hindi rin lang yung talagang masasabi mo well-prepared at yung gusto mo, hindi.

“Kasi importante dito sa Batangas ang last term.

“Last two years na lang, e. Last term ko na, third term,” pagtukoy niya sa kanyang termino bilang gobernador ng Batangas.



LAST TERM. Mas magaan ba ngayon ang kilos niya dahil patapos na ang termino niya bilang governor ng Batangas?

Tugon niya, “Definitely… at saka kasi mas masarap ngayon, kasi imadyinin mo, hindi lahat nakakatapos ng three terms.

“But the way things are going, nagpapasalamat ako, kasi ito ang pinakamalaki kong boto na nakuha sa Batangas—itong last term.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, thankful ako kasi nandoon yung tiwala nila, ‘di ba?

“So, itong last two years, kung ano pa yung mga loopholes ng mga maiiwan ko pang programa, yun ang pinupunan ko ngayon.”

Marami pa ba siyang dapat ayusin sa Batangas?

“Alam mo naman ang problema, non-stop naman ‘yan, tuluy-tuloy ‘yan.

“Ang importante, you enhance it, improve it.

“And then, kung ano yung kulang, lagyan mo ng mga inobasyon dahil isusunod mo sa panahon ngayon yung problema, ‘di ba?

“So, yun yung ganoon… and it’s not easy. Kailangan naka-focus ka rin diyan para maramdaman yung serbisyo mo.”

Ramdam ba niyang ayaw siyang pakawalan ng kanyang mga kababayan sa Batangas bilang public official?

“Alam mo, sa totoo lang, parang yung dalawang taon, kulang pa.

“Parang, ‘Teka muna, meron pa, e,’ yung ganoon. Alam mo yung ibig kong sabihin?

“Yung dalawang taon na lang, last term na, para bang, ‘Teka, ‘eto pa, e, meron pa.’

“Parang ganoon ang pakiramdam mo, e.

“Ngayon na maiiwan mo pa na dapat gawin, parang kulang pa rin. Kulang pa rin.”

Posible bang may ibang posisyon siyang upuan para maipagpatuloy ang mga proyekto niya sa Batangas?

“Wala, e… Congress? Puwede pero sa per district.

“Pero hindi ko alam, e,” naiiling na sabi ni Governor Vi.



HIGHER OFFICE. Sa loob ng 18 taon niya sa public office—mula sa pagiging mayor ng Lipa City hanggang sa pagiging gobernador—marami na siyang natutunan at nagawa sa pag-unlad ng Batangas.

May nagsabi ba sa kanyang puwede na siyang tumakbo bilang Presidente ng Pilipinas?

Sagot ng dating mayor ng Lipa City, “Wala po.

“Alam ninyo, ayokong magplano. Akala ninyo ba madali ‘yan?

“Dito pa lang, sinasabi ko na hindi madali, e. How much more, buong Pilipinas?

“’Tapos with what’s happening to our country now?

“Pero no plans talaga. Hindi ako nagpaplano. Talagang wala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Maski kami ni Senador, ni Ralph [Recto, her husband], yung sasabihin mo pag-uusapan namin, ‘O, anong plano mo? Pagkatapos…’ ganyan?

“Wala, hindi namin pinag-uusapan.”

May political leaders na bang lumapit sa kanya?

“Wala, nagpapasabi lang sila. Pero wala, e.

“I didn’t even declare na… hindi naman interesado, wala akong plano, wala, e.

“Yung para sabihin na, ‘A, paplanuhin ko ‘to for my next position,’ wala talaga.”

Baka siya na ang sagot para maging maayos ang gobyerno ng Pilipinas?

“Naku, OA kayo! Gusto ninyo akong patandain, ‘no?”



MOVIE WITH ANGEL. Kung hindi posible ang pelikula niya kasama sina Luis at Angel, payag ba siya kung sakaling ang girlfriend lang ng anak ang makasama niya sa movie?

Sagot ng multi-awarded actress, “Yeah, yeah. Kami lang, kaming dalawa lang?

“Yeah, sana magkaroon kami ng magandang proyekto.

“Ang galing sana, kaming dalawa ang magkasama.

“Pero kasi lang, alam natin yung isyu nila ni Lucky, ‘tapos parang kaming tatlo, parang yun ang ayaw ng anak ko na parang… ayaw niya.

“That’s why I understand my son.

“That’s why nung ino-offer sa akin yun, sabi ko, ‘Don’t talk to me. Talk to my son and Angel.

“’At huwag ako ang i-meeting ninyo. Ang i-meeting ninyo, yung dalawa.

“’Kung okey sila, okey ako.’

"Kasi mas importante sila, e.

“Kasi, alam mo, baka sila ang mapag-ano, alam niyo na, ‘di ba?”

Mapagbibigyan ba niya ang request ng Vilmanians na makagawa siya kahit isang pelikula ngayong taon?

Sagot niya, “I don’t know, mahirap.

“E, sabi nila, kung matutuloy yung movie, [bandang] July.

“I doubt it kung makaka-shoot pa ako ng July, e.

“Saka kasi aalis pa ‘ata ako ulit.”

Patuloy ni Governor Vi, “Alam mo, sa totoo lang, ang dami kong imbitasyon abroad.

“Isang na-turn down ko yung sa New York. Ito dapat, June 1 yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Inimbitahan ako ng Philippine Embassy sa New York to join them sa Independence Day, e, hindi ako nakapunta.

"Ngayong July nga, iniimbitahan ako ng Rome about my indie film doon na ipapalabas, yung Ekstra.

“Gusto nila nandun ako at isasabay na rin yung tungkol sa OFWs doon. I doubt it if I can go.

“And then, yung ibang sinasalihan ng Ekstra ngayon, ng indie film… nasa Fiji ‘ata ngayon, hindi nga rin ako nakapunta, e.

"Dahil naka-load din ako rito sa Batangas."

Dagdag niya, “Yun din nga ang iniisip ko, kapag alam kong hindi ko kaya, I will not do it.

“Alam ko kasi, pagod na pagod ka na, ibabiyahe mo, pagdating doon, wala ka rin sa tama mong isip because you’re tired. Tama?

“I mean, hindi pupuwede, e. Kailangan lagi kang naka-focus.

“Kapag alam kong hindi ko kaya… ilang indie movies ang nandiyan.

“Nag-meet na rin kami ni, with due respect, Direk Brillante Mendoza.

“Nagpadala na naman the other day ng script si Direk Adolf [Alix]… yung ganoon ba?

“But, babasahin ko lang, okay.

“Unless siguro yung gustung-gusto ko lang, like nung in-offer yung Ekstra.

“Pagkasabi pa lang na ekstra ang role ko, call agad. Ang laking challenge sa akin nung Ekstra.

“Pero kung magiging one of those at magiging abala rin sa schedule, at hahanap pa ako [ng schedule], priorities muna.

“Kasi mahihirapan din ako, lalo na 36 ka na…

“Kapag 36 ka na, sumasakit na ang likod mo... walang magko-comment!” biro na naman niya tungkol sa kanyang edad.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN