Barbie Forteza on being matched with Derrick Monasterio: "Hindi ba puwede na hindi kami, pero sweet kami on-cam?"

Iginiit ni Barbie Forteza na porke’t magka-loveteam sila ni Derrick Monasterio ay hindi nangangahulugan maging sila sa tunay na buhay. Aniya, “Kasi parang, lahat ng nakakausap namin, ‘Bakit hindi pa rin kayo?’ E, bakit hindi? Hindi ba puwede na hindi kami, pero sweet kami on-cam, ’di ba? Parang for a change, gusto namin na mairaos ang loveteam namin nang hindi nagiging kami. Kasi hindi siya requirement, hindi siya obligasyon."


Gaganap na kambal na may iisang ina ngunit may magkaibang ama sina Barbie Forteza at Thea Tolentino sa The Half Sisters ng GMA.

Dahil drama ang genre ng naturang afternoon series, na magsisimula sa Lunes, June 9, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Barbie kung wala ba silang patalbugan ni Thea? O may extra effort ba sila na galingan ang akting nila?

"Effort naman talaga!" bulalas ng 16-year-old actress.

"Siyempre iyon naman yung mapapanood ng mga tao, ’di ba?

"So, ayaw mo namang magmukhang walang buhay, so kailangan effort talaga."

Ang leading men nila rito ay sina Derrick Monasterio at Andre Paras.

Sino ang gusto niyang makatuluyan sa dalawang binata sa ending ng teleserye nila?

Sagot ni Barbie, “Well, hindi pa naman kasi kami tapos mag-taping, so ngayon, mas marami kaming eksena ni Andre.”

Hindi pa raw alam ni Barbie kung kanino siya mapupunta sa huli at kung sino ang mapupunta kay Thea.

Paano kung sa katapusan ng istorya ay kay Andre siya mapunta? Malulungkot ba siya?

“Bakit naman?” balik-tanong ng teen actress.

Established na kasi ang loveteam nila ni Derrick.

Sabi ni Barbie, “E, kasi magkatrabaho din naman kami at saka ewan ko, ha, siguro naman alam na naming lahat na work is work, ’di ba?”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Barbie sa grand presscon ng The Half Sisters noong June 3, sa GMA Network Center.



DERRICK MONASTERIO. May mga bagong nadiskubre ba si Barbie kay Derrick sa muli nilang pagsasama sa isang show?

Sagot niya, “Wala, wala. Iyon na yun, kung ano na yun, nabigay na niya lahat.

"Ano na, naipakita na niya sa akin lahat ng ugali niya."

Sa panayam kay Derrick, sinabi nitong kaya hindi pa sila nagkakaroon ng relasyon ni Barbie ay dahil parang ayaw ng dalagita sa kanya.

Ano ang reaksiyon dito ni Barbie?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Anong ayaw ko? Sa kanya?” nagtatakang sabi niya.

Na kinukutuban si Derrick na ayaw ni Barbie sa kanya kaya hindi nito itinuloy ang kanyang panliligaw.

“E, kasi ano, e, parang ewan ko, ha, siyempre gusto ko yung ano... responsable!”

Iresponsable ba si Derrick?

“Hindi naman! Kaya lang, ’di ba? Siyempre gusto ko yung… mature mag-isip.”

Mature naman na yata si Derrick mag-isip?

“Hindi ko pa nararamdaman!” tawa ni Barbie.

Nagpatubo na nga ng balbas at bigote si Derrick, hindi ba?

“Iyon na ba yun?

“’Di ba? Siyempre gusto ko yung ano na, yung hindi na isip-bata.”

Yung mala-Dennis Trillo, na crush niya?

“Hindi, hindi naman... hindi naman.

"Ang ibig ko lang sabihin, yung seseryosohin naman ako, hindi yung ’pag magkasama, ‘Okay, sige, close tayo.’

“Pero ’pag hindi kayo magkasama, ‘Sino ka?’”

Hindi naman daw playboy o playful si Derrick.

“Wala pa rin namang nagiging girlfriend ’yan, e. Marami siyang nililigawan, pero ano...

“Gusto ko seryoso, gusto ko yung alam kung ano’ng gusto.”

Alam ba ito ni Derrick?

“Hindi ko naman ipinapaalam kasi hindi ko rin naman kinu-consider.”

Halimbawang magseryoso si Derrick sa panliligaw sa kanya?

“Hindi ko alam kasi hindi ko pa siya nakikitang nagseryoso.”

ANDRE PARAS. Ano naman ang masasabi ni Barbie tungkol kay Andre?

“Independent siya. Wala siyang kasama sa set, actually, wala siyang PA [personal assistant]. Siya lahat.”

Eighteen si Andre at magna-nineteen naman si Derrick. Mas bata pala si Andre kay Derrick?

“Hindi ko alam, ha? Basta pareho silang eighteen ngayon, hindi ko alam. Pareho silang magna-nineteen this year.”

May chance ba si Andre kung ito ang manliligaw kay Barbie?

“Hindi ko pa rin masabi kasi masyado pang maaga, nagsisimula pa lang kaming magtrabaho.

"Siguro ’tsaka ko na lang iko-consider ’pag nagparamdam na si Andre.

"Ang hirap namang mag-assume!" natatawang sabi ni Barbie.

JILLIAN WARD. Malapit nang grumadwet si Barbie sa pagiging tween star dahil malapit na siyang mag-eighteen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sino ang nakikita niyang papalit sa kanya bilang Tween Queen?

“Wow, ganun?”

Si Jillian Ward ba?

“May sarili na namang pangalan si Jillian, ’di ba?

“Sino ba? ’Tsaka kine-claim ko talaga, parang wala na namang tumatawag sa akin nun!” at muling natawa si Barbie.

“Oo, siguro sina Jillian na nga, dun na rin naman sila papunta, e.

“And professional naman sila, at a very young age di ba, alam na nila kung ano’ng ginagawa nila.”

INDEPENDENCE. At dahil magse-seventeen lang siya sa July, hindi pa gaanong nangyayari ang nais ni Barbie na maging totally independent.

Kaya lagi pa ring kasama ni Barbie ang mga magulang sa showbiz commitments niya.

Pero kapag 18 na raw siya ay gusto niyang maging independent.

“Sana. Sana talaga.”

Sa debut naman niya ay ayaw ni Barbie na mag-party.

“Hassle yun! Gusto ko ’pag party, kung pipilitin man na magpa-party, gusto ko casual lang. Ayoko ng naka-gown.

“Gusto ko nga sana sasakyan na lang para matagal, ’di ba?

"Hindi yung para lang si Cinderella, na isang gabi lang."

May usapan na ba sila ng parents niya na kapag dalaga na siyang ganap ay magpapaka-independent na siya?

“Binibiro ko si Mama, pero parang hindi pa siya willing!” at natawa si Barbie.

“Pero may tiwala naman siya sa akin.

"Kaya lang, since ako na nga lang yung natira, since yung kapatid ko nasa States na, so lahat ng atensiyon nila, kahit ni Daddy, nasa akin.

"Ako na lang yung nandun, so inaalagaan talaga nila ako."

May plano ba siyang bumukod bilang bahagi ng pagiging independent niya?

“Matagal pa yun, matagal pa yun.

"Hindi nga ako maiwanan ng mga magulang ko, bubukod pa?” at natawa muli si Barbie.

Ang pagiging independent na sinasabi niya ay yung kapag nasa taping, shooting o namamasyal sa mall ay hindi siya sasamahan ng parents niya. Pero sa poder pa rin ng mga ito titira si Barbie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre hindi ko rin naman sila bibiglain.”

DENNIS TRILLO. Going back to Barbie’s crush na si Dennis, mas naging close na ba sila ngayon? Nagkaka-text-an ba sila nang regular?

“Well, sa Instagram lang na mga comment-comment, ganyan, like-like ng pictures.”

Paano kapag 18 or 19 na siya at wala pa ring girlfriend si Dennis ay ligawan siya nito?

Tumawa muna si Barbie bago sumagot.

“Ewan ko. Puwede bang mangyari yun?”

Bakit naman hindi?

“Ang hirap naman kasing mag-assume, ’di ba?

"Ang hirap mag-assume na pagdating ko ng 18, hihintayin ko na talaga? Yung ganun.”

Hindi naman niya isinasara ang posibilidad.

“Bakit ko naman isasara? Choosy ba ako e crush ko nga!”

Unless magseryoso na si Derrick o manligaw sa kanya si Andre?

“Ewan ko, ha, pero ayoko talagang i-pressure yung sarili namin.

"Na porke magka-loveteam kami, kailangang maging kami... kay Derrick.

“Kasi parang, lahat ng nakakausap namin, ‘Bakit hindi pa rin kayo?’

“E, bakit hindi? Hindi ba puwede na hindi kami, pero sweet kami on-cam, ’di ba?

“Parang for a change, gusto namin na mairaos ang loveteam namin nang hindi nagiging kami.

"Kasi hindi siya requirement, hindi siya obligasyon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN