Martin del Rosario unruffled by intrigues: "Wala akong bitterness. Ang iniisip ko na lang, good or bad, it is still publicity.”

Martin del Rosario to his detractors: “Kung masaya kayo sa mga pinaniniwalaan ninyo, okay lang sa akin iyon. Pero sa akin lang, sana ay magbigay kayo ng respeto sa tao."


Pinupuntirya man ng ilang intriga si Martin del Rosario, masaya at positibo pa rin ang kanyang pananaw sa mga nangyayari sa kanyang showbiz career ngayon.

Para kay Martin, hindi naman daw niya gaanong pinapansin ang mga ito. Pero ang mas inaalala lang niya ay ang kanyang pamilya.

“Sa akin naman po, ang mahalaga naman ay alam mo yung sarili mo. Pero once na naapektuhan na yung family mo, siyempre pati ako naaapektuhan din.

“Kinakausap ko naman yung parents ko about it, ’tapos sinasabihan ko na huwag nang magpaapekto,” panimulang saad ni Martin sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pocket interview para sa pelikulang Marka na ginanap sa Finio Restaurant noong June 4.

Hindi pa ba sanay ang parents niya sa kalakaran sa showbiz?

“Sanay naman po sila, kaso lang kapag yung isang bagay ay paulit-ulit na kasing sinasabi, doon ka maapektuhan, e.

"Kung buti sana ay yung mga tsismis ay iba-iba. Ang nangyari, isang issue lang na pareho-pareho lang naman mula noong nagsisimula pa lang ako.”

Dagdag pa ng bagong Kapuso aktor, “Hindi ko alam kung paano sila nakakahanap ng katuwaan sa pananakit sa ibang tao, kasi po, hindi naman ako ganoon na mahilig mag-down ng ibang tao.”

So, deadma ka na lang sa mga ganitong bagay?

“Sa akin, para sa sarili ko, as much as possible ay hindi ko na pinalalaki iyan. Pero dahil naaapektuhan ang mga magulang ko…

"Sana, paniwalaan na nila iyong gusto nilang paniwalaan, pero sa akin lang, sana ay may respeto.

“Kung masaya kayo sa mga pinaniniwalaan ninyo, okay lang sa akin iyon.


"Pero sa akin lang, sana ay magbigay kayo ng respeto sa tao,” wika pa niya patungkol sa mga naninira sa kanya.



CLUELESS. May idea ka ba kung sino ang mga gumagawa ng mga ganitong intriga sa iyo?

“Wala po akong idea, e…”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi kaya may kinalaman ito sa paglilipat niya ng TV network?

“Mahirap paniwalaan na dahil kalilipat ko lang ng network kaya lumalabas ang mga intrigang ito.

"Kasi, habang nandoon naman po ako ay itinuring ko naman po silang pamilya.

"Maayos naman po ang pag-alis ko.”

Pero halimbawa ngang may kinalaman ito, “Masasaktan po ako kung totoo iyon."

Pero confident siyang hindi gagawin iyon ng mga dati niyang nakatrabaho.

"...sa paniniwala ko ngayon ay hindi naman nila gagawin iyon.

“Wala naman pong bad blood sa pag-alis ko roon, wala ring bitterness sa both parties.

"Kasi, humingi po ako ng release, maayos naman po at nakausap ko iyong lahat ng heads sa kabila po, e.

"Naging maayos iyong paalam ko po, wala pong naging problema .”

DIE-HARD FANS. Posibleng hindi sa network pero how about yung loyal supporters ng Kapamilya station?

“Well, posible po iyon, malaki ang possibility. Pero sa akin kasi, hindi ko naman po inuubos ang oras ko para hanapin pa…

"Basta sa akin, ang paniwala ko ay hindi naman sa akin magre-reflect iyon, e.”

May mensahe ba siya sa mga taong gumagawa ng kung anu-anong paninira sa kanya?

“Kung masaya kayo sa ginagawa ninyo at kung iyon ang gusto ninyong paniwalaan, hindi ko naman po kayo mapipilit.

"Pero sana, kapag ginagawa nila iyon ay magbigay sila ng respeto. Sana ay wala silang taong natatapakan.

“Ganoon po kasi ang ibang tao, iba-iba po talaga, e. Kaya ako tinanggap ko na po iyan, bahala na lang sa kanila ang nasa Itaas, bahala na lang sa kanila ang Diyos,” seryosong pahayag niya.

Aminado naman ang aktor na parte ito ng showbiz.

Sabi ni Martin, “Part na rin kasi ng kalakaran iyan sa showbiz.

"Pinasok ko itong buhay showbiz and before naman ng lahat ng ito, na if ever magkaroon ng tsismis, alam kong part na ito ng trabaho ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Para sa akin naman kasi, wala akong bitterness. Ang iniisip ko na lang, good or bad, it is still publicity/"

CAREER. Ano ang inaaasahan mong mangyayari ngayon sa career mo?

“Happy naman ako to be a Kapuso, and I’m looking forward to more plans para sa akin.

"Marami pong meetings na nagaganap tungkol sa plano nila sa akin.

“Kakapasok ko pa lang po sa GMA, pero first guesting ko na po sa Rhodora X, na katatapos lang last week.

"Happy naman ako kung nasaan po ako ngayon.”

Bakit ka ba nag-decide na lumipat ng TV station?

“For career advancement po…” matipid na sagot niya.

"Sa tingin mo ba ay mas may puwang ka para mabigyan ng break sa GMA kompara sa ABS-CBN?

“Siguro, kasi po ay mas maraming mga artista roon, mas marami sa ABS, and para maiba naman.

"At naniniwala po ako na mas mabibigyan ako ng break sa GMA.”

Sino ang gusto mong maka-partner sa GMA?

“Gusto ko si Lovi Poe kasi magaling siyang umarte.

“Si Lauren Young din, kasi kaibigan ko naman siya before, galing din siya sa kabila [ABS-CBN], e.”

Ano sa tingin mo ang biggest break na naibigay sa iyo ng Dos?

“Iyong Pintada with Denise Laurel, afternoon soap po yun.

“Sa mga movies naman, yung The Healing at saka yung Amorosa.

"With Vilma Santos yung The Healing and yung Amorosa ay with Angel Aquino and Enrique Gil.

“Marami naman talagang mga break na ibinigay sa akin, e.

"It’s just that na after every break, nagkakaroon ako ng pahinga and parang for some reason ay hindi lang talaga nafa-follow-up yung lahat ng bagay, e.

“Sa tingin ko naman nasa tamang edad na po ako, 21 years old na po ako. So, habang bata pa, kailangan ma-push, ‘di ba?”

GOALS. Inaasahan mo bang pagdating ng ilang panahon ay makakahilera mo na rin sina Dingdong Dantes at Dennis Trillo sa bakuran ng GMA-7?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Opo, oo naman po, kaya naman po iyan,” nakangiting sagot niya.

“Siyempre po, kapag goals na ang tinatanong, hindi naman masamang mangarap ng mas mataas pa.

"So, gusto ko ay maraming acting awards, maging leading man sa projects, ganyan po.”


Ilang years ang contract mo sa GMA-7?

“A, magsa-sign pa lang ako ng contract sa GMA this week.

"This week daw po sabi ni Tito Arnold [Vegafria]. Dumadaan pa raw kasi sa legal processes, pero this week daw, e.”

MARKA. Nagkuwento rin si Martin tungkol sa pelikulang Marka na pagbibidahan niya.

“Isa po itong advocacy film tungkol sa bullying. Para ‘to sa mga estudyante, puwede rin sa mga magulang.

"Pero ang target po rito ay mga estudyante, kaya ipapalabas din ito sa mga eskuwelahan.

“I’m sure maraming makaka-relate dito, ‘di lang po yung nabu-bully, pati rin po yung mg nambu-bully.

"Para makita nila yung effect ng bullying sa isang tao. Akala kasi ng iba na for entertainment lang.

"Pero ‘di nila alam na yung sinasabi at ginagawa nila ay nakakaapekto na sa pagkatao nang binu-bully, na may stigma na ito sa mga biktima.

“Sa movie, ako po si Billy, ako po yung binu-bully dito simula bata pa lang hanggang college.

"Nasundan ako ng mga nangbu-bully talaga sa akin.

“Naging reason ito para masira yung love life ko, nasira yung pag-aaral ko, yung goals ko sa buhay.

"Sa school, parang nawawalan na ako ng gana na pumasok, pero may redemption naman po sa dulo,” saad niya.

Bakit Marka ang title nito?

“Kaya po Marka, yung literal na meaning na grade, dahil nagke-cater ito sa students. And pangalawang meaning nung Marka ay bilang mark o latay na sa ginagawang pambu-bully ay maaaring magbigay ito ng latay sa isang tao na dadalhin niya hanggang sa paglaki niya.

“Na ang pambu-bully na iyan ay maaaring mag-define sa buhay ng isang tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang director po nito ay si Direk Neal Tan and kasama sa movie sina Isabelle de Leon, Teejay Marquez, Ken Anderson, Jao Mapa, Jay Franco, at iba pa.”

GAY ROLES. Kung tipong My Husband’s Lover o gay role ang ibigay sa iyo, game ka ba roon?

“Opo, okay naman ako roon. Wala naman akong pinipili sa mga roles. Na-try ko na po iyon sa kabila, sa MMK (Maalaala Mo Kaya, ’Kevin Balot’).”

Sa tingin mo, ano ang mas challenging at interesting na role, yung all-out gay o iyong closet gay?

“Nagawa ko na po kasi iyong all-out gay, yung ’Kevin Balot.’

"So siguro ay mas magiging mahirap kung closet kasi ay mas kailangang subtle yung acting.

"Pero mas magiging interesting sigurong gawin, kumbaga kasi, mas mag-iisip ka.

“Kompara sa all-out, yung acting mo diyan ay very obvious na gay ka. Pero kung subtle, mas challenging po yun sa palagay ko.”

Lastly, kamusta ang buhay pag-ibig mo?

“Wala po akong girlfriend since July last year pa po. Non-showbiz po siya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN