JC Tiuseco on apprehension about gay roles: “Baka pag-inarte ko, baka OA masyado.”

JC Tiuseco on why he’s hesitant to do gay roles: “Kung may ganung offer sa akin siguro, tatanggapin ko pero kailangan ko talaga ng matinding workshop kasi hindi ko alam yung mga, kung paano yung galaw. Baka masyadong matigas yung sa akin, baka pag-inarte ko baka OA masyado.”


Mula sa Mercator Artist and Model Management ni Jonas Gaffud ay lumipat si JC Tiuseco sa Luminary Talent Management ni Popoy Caritativo.

Kinumusta namin siya kamakailan tungkol sa bagong pamamahala ng kanyang career.

“Okay naman. Okay naman," panimula niya.

"Nung November last year,” ang sagot niya kung kailan siya lumipat.

Maayos naman daw ang sitwasyon sa pagitan nila ni Jonas. Maayos naman daw siyang nagpaalam dito.

“Oo naman, oo naman. Nagpaalam naman ako nang maayos kay Jonas kasi matagal na ring tapos yung contract ko with him, so nagpaalam ako sa kanya nang maayos na pupunta ako kay Popoy,” aniya.


NEW MANAGEMENT. Nakakagulat ang naging desisyon ni JC dahil isa siya sa loyal talents dati ng Mercator.

Ano ang nangyari?

“Wala lang, feeling ko lang kasi kailangan ko ng bagong...parang mga bagong magma-manage sa akin.

"Kasi si Jonas, mas ano siya, mas nagpu-focus na siya ngayon sa mga beauty queens and sa modelling,” paliwanag ni JC.

So far, sa ginawa niyang pagpapalit ng manager, nangyayari naman daw ang mga gusto ni JC para sa kanyang career.

Pahayag niya, “Okay naman, masaya naman ako kay Popoy ngayon.

“Yung mga plans niya sa akin, wala pa naman siyang mga sinasabing concrete plans para sa akin pero iyon nga, ang sabi niya sa akin, basta maging ready lang ako lagi sa mga dadating na projects, ganyan.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si JC sa grand presscon ng The Half Sisters noong June 3, sa GMA Network Center. Ang naturang teleserye ang bagong handog ng Kapuso network para sa kanilang GMA Afternoon Prime.

Gaganap si JC dito bilang si Carl.

“Kapatid” na ngayon ni JC sa Luminary sina Dennis Trillo, Rafael Rosell, at Tom Rodriguez, kasama ang iba pang talents ni Popoy.

“Sobrang saya, sobrang saya,” bulalas ni JC.

“Kasi pare-pareho kaming mahilig sa sports, mahilig mag-surf, mahilig mag-bike, mahilig kami sa Playstation.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nag-enjoy rin daw si JC na kasama ang tatlo sa Kapuso sports event sa Boracay nitong summer.

READY FOR GAY ROLES? Hindi pa gumanap si JC kahit minsan sa isang gay role. Pero dahil sa successful tandem nina Dennis at Tom bilang gay lovers sa My Husband’s Lover, may posibilidad kaya na tumanggap na rin ng ganitong klaseng papel si JC? Handa na ba siya?

“Kung may ganung offer sa akin, siguro tatanggapin ko. Pero kailangan ko talaga ng matinding workshop kasi hindi ko alam yung mga, kung paano yung galaw.

“Baka masyadong matigas yung sa akin. Baka pag inarte ko, baka OA masyado, yung mga ganun,” pag-amin niya.

Hindi pa rin daw niya sinubukang mag-praktis na maging isang bading kahit sa harap ng salamin.

“Hindi ko pa nata-try. Hindi, e. Siguro pagka may offer na,” at tumawa si JC.

“Hindi, e. ’Tsaka siguro hindi lang pumapasok sa isip ko kasi ’tsaka ayun, kasi nga si Dennis ’tsaka si Tom nga ang gumawa ng ganun

“Siguro dapat iba naman, ibang role naman."

Kahit noon ay nag-aalangan si JC na tumanggap ng gay role.

“Kasi feeling ko hindi ko magagawa nang maayos,” saad pa niya.

READY TO BARE? Kahit noon pa, may pag-aalinlangan daw si JC kahit sa pagsusuot ng trunks or briefs para sa isang proyekto o pictorial.

“Depende sa project siguro,” dugtong nito.

Tila nagbago na ang pananaw ni JC sa pagpapa-sexy. Dati kasi ay “hindi” agad ang sagot niya kung papayag siyang mag-trunks or briefs.

Kaya nga dati ay may opinyon ang marami na paganda nang paganda ng katawan si JC pero “itinatago” naman niya dahil nga sa mga limitasyon niya sa paghuhubad.

Aniya, “Hindi kasi, depende rin kasi sa project na ibibigay. Hindi naman basta-basta na sabihin lang sa iyo na, ‘Maghubad ka diyan,’ e tataggapin mo na kaagad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Dapat piliin mo din yung tamang project, yung tamang oras. ’Tsaka hindi pa ganito ang katawan ko dati, payat ako dati.”

Kaya halimbawang may endorsement ng underwear, tatanggapin na niya?

Pakli niya, “Puwede rin, puwede.”

Pinag-uusapan ang mapangahas na pictorial ni Tom para sa isang underwear brand. Kaya rin bang gawin iyon ni JC?

Ani JC, “Tingnan natin.”

Conservative pa rin daw si JC hanggang ngayon.

Bukod dito ay loveless pa rin daw siya dahil apat na taon na siyang walang girlfriend.

Ang The Half Sisters ay mapapanood na simula sa Lunes, June 9, na pinagbibidahan nina Barbie Foteza (bilang Diana Alcantara) at Thea Tolentino (bilang Ashley Alcantara).

Kasama rin dito, bukod kay JC, sina Andrei Paras (bilang Brady Castillo) at Derrick Monasterio (bilang Baste Torres), Jean Garcia bilang Rina Mercado-Alcantara, Jomari Yllana bilang Benjie Valdicañas, Ryan Eigenmann bilang Alfred Alcantara, Carlo Gonzales bilang Paolo, Mel Martinez bilang Venus, Pinky Marquez bilang Cleo Castillo, at si Ms. Carmen Soriano bilang Lupita Valdicañas.

Ang The Half Sisters ay idinirihe ni Mark Reyes.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN