Carlo Gonzalez feels cousin Dingdong Dantes is more than ready to beat him in their race to the altar

Carlo Gonzalez feels that cousin Dingdong Dantes is more than ready to tie the knot. “...nandun na siya sa panahon na he has what he needs, ’tapos especially with Marian, I think they’re very compatible and magkasundo sila palagi.”


“Mabait po, ako po yung best friend ni Ryan na doktor so ako yung nakakaalam ng sikreto from the start, ako yung nag-explain sa kanya,” panimulang kuwento ni Carlo Gonzalez tungkol sa papel niya bilang si Paulo sa upcoming drama series ng GMA na pinamagatang The Half Sisters.


Pagbibidahan ito nina Barbie Forteza, bilang Diana Alcantara, at Thea Tolentino, bilang Ashley Alcantara.

Kambal ang dalawa na may iisang ina, si Jean Garcia bilang Rina Mercado-Alcantara, ngunit may magkaibang ama, sina Jomari Yllana, bilang Benjie Valdicañas, at Ryan Eigenmann, bilang Alfred Alcantara.

“Actually nalaman nila sa akin na magkaibang tatay yung dalawang bata. ’Tapos sinabi ko sa kanila kung paano nangyari iyon kasi bilang it’s a rare case na magkaroon ka ng kambal na half sisters,” kuwento niya.

Nag-research ba si Carlo bilang peraparasyon sa kanyang papel bilang doktor?

“Actually, nung binasa ko yung script, tinignan ko yung ibig sabihin nung superfecundation nga. And it’s a proven fact na may mga cases na ganung nangyari although rare na ganun nga.

“Puwedeng mangyari ’yon sa isang tao, given the right circumstances,” pahayag pa ni Carlo.

Ayon sa Wikipedia, "Superfecundation is the fertilization of two or more ova from the same cycle by sperm from separate acts of sexual intercourse. Heteropaternal superfecundation occurs when two different males father fraternal twins."

Unang pagkakataon daw para kay Carlo ang gumanap bilang doktor.

Sabi pa niya, “Nakatulong din siguro na yung kapatid ko studied medicine so pag may mga terms na mga inaano ko sa kanya, kung paano siya nag-aasikaso ng mga pasyente, yung mga terms na ginagamit ng doktor, iyon, medyo ginagamit ko din sa mga scenes.”

Kabilang din sa cast ng The Half Sisters sina Derrick Monasterio bilang Baste Torres, Andrei Paras bilang Brady Castillo, JC Tiuseco bilang Carl, Mel Martinez bilang Venus, Pinky Marquez bilang Cleo Castillo, at si Ms. Carmen Soriano bilang Lupita Valdicañas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang The Half Sisters ay sa direksyon ni Mark Reyes.



RACE TO THE ALTAR? Magpipinsan sa tunay na buhay sina Carlo, Arthur Solinap, at Dingdong Dantes.

Kasintahan ni Carlo si Luanne Dy. Si Rochelle Pangilinan naman ang girlfriend ni Arthur at si Marian Rivera naman ang kasintahan ni Dingdong.

Kaya tinanong namin si Carlo kung may usapan ba silang magpipinsan kung sino ang unang magpapakasal?

Ayon kay Carlo, “Wala naman, hindi naman namin...although siyempre nabi-bring-up yung mga kasal-kasal na mga topic, pero wala pa sa amin na nagsabi na ’Ako muna,’ ganyan.

“At saka I think sa aming tatlo, kung napag-usapan man yun, hindi naman namin hihingin ang permiso ng bawat isa.

“Kumbaga kung sinuman yung, kung na-timing-an nila na ganitong date sila magpapakasal, I think it’s not appropriate or hindi na kailangang hingin yung permiso nung iba.”

Wala naman daw kaso kung sino sa kanila ang mauna o anong petsa ang piliin.

“Siguro if ever napag-uusapan man namin yung date, dahil gusto lang namin yung hindi magkasabay-sabay para lang yung relatives namin, siyempre....Pero yung sukob, hindi naman namin masyadong napapag-usapan.”

Sila raw ni Luanne ay wala pang napag-uusapan tungkol sa kasal.

Lahad niya, “Matagal pa. Actually sa aming tatlo, kami yung youngest.

“Three years na kami and we’re also the youngest in terms of age and marami pa siyang dreams na gustong magawa dito sa industry, and same as I.”

DINGDONG READY TO GET MARRIED? Pero kung si Carlos ang tatanungin, sino sa palagay niya ang mas unang dapat mag-asawa sa kanilang magpipinsan?

“I think kung titingnan natin ang general perspective, gusto ko na siguro si Dong ang mauna kasi parang, I guess, nandun na siya sa panahon na he has what he needs, ’tapos especially with Marian, I think they’re very compatible and magkasundo sila palagi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasundo si Marian sa pamilya namin and I think he’s very ready.

“So kung sa ready lang yung pag-uusapan, I think si Dong yung mauuna.

“I’m not saying na hindi rin naman ready si Art but siguro one week apart,” at tumawa si Carlos.

At tulad rin nina Dingdong at Arthur, si Carlos ay mina-manage rin ni Perry Lansigan ng PPL Entertainment, Inc.

“I just renewed with him actually, kasabay nitong show kasi I’ve been with him for, I think, four or five years now. So I think it’s another five years,” patukoy niya sa kanyang management contract.

Bago ang The Half Sisters ay napanood si Carlos sa Genesis ng GMA at sa pelikulang Pedro Calungsod (Ang Batang Martir) kaya halos hindi siya nababakante.

Pahabol niya, “Actually after Genesis, I had to take a break.

"Umalis muna kami ng bansa ng pamilya ko, nag-States kami to watch the Pacquiao fight. Three weeks ako dun, almost a month, ’tapos sila [his family] stayed longer.

“I had to come back for the show, itong The Half Sisters.”



WILLING TO BARE? Noong 2012 ay rumampa na si Carlos sa Cosmo Bash at papayag daw siya kapag in-offer-an siyang muli.

Mabilis niyang pagsang-ayon, “Definitely! Yung mga bagay naman na yunm, pinaghahandaan talaga so pag given the right time, mapaghahandaan naman. I’m willing to.”

Payag din si Carlos sa underwear endorsements kahit never pa siyang nag-trunks or briefs sa isang pictorial.

“If it’s a good deal, why not? Ako naman, very professional ako pag sinabi sa akin, napag-usapan na ganyan.

"I can deliver—be it an endorsement na usapan or engagements.

"I can deliver so kung hihingin nila na maghanda ako ng katawan ng ganun, basta maganda yung pinag-usapan, maganda yung deal, I’m willing to do it,” aniya.

Papayag din daw si Luanne.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “I think so, yeah! Kasi nung nag-Cosmo naman ako na nag-topless, ako wala naman siyang questions, e.”

ON GIRLFRIEND LUANNE. Papayagan rin daw niya si Luanne na mag-pose for FHM.

“I think she’s done quite a few before. Hindi FHM pero something similar na naka-bikini siya ganyan, before.”

“Meron lang akong konting issues about it na I think she can handle it naman.

"Basta huwag lang masyadong ano, yung classy pa rin, kasi hindi rin naman siya papayagan ng GMA dahil sa News and Public Affairs, hindi naman sila masyadong ano so kailangan niya pa ring tutukan yung ginagawa niya ngayon kasi mas regular ito, e.

“Hindi puwedeng ma-jeopardize iyon,” paglinaw ni Carlo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN