Derrick Monasterio says he did not pursue loveteam partner Barbie Forteza for fear of rejection: “Pinulsuhan ko lang.”

Derrick Monasterio says he never really asked Barbie Forteza if she "liked" him. “Hindi, nakakahiya yun, e. Mahirap ma-hurt, masakit ma-hurt,” the young actor explains.


Hiningan namin ng reaksyon si Derrick Monasterio tungkol sa sinabi ni Barbie Forteza na hindi pa nararamdaman ni Barbie na mature at seryoso si Derrick kaya hindi nauuwi sa relasyon ang kanilang loveteam.

Sagot ni Derrick, “Sabi niya yun? Ewan ko dun. E, kasi siya rin hindi rin naman siya seryoso, e.”

Bata pa kasi si Barbie.

“Yeah, I mean paano ka makakapagseryoso kung hindi rin seryoso yung ano mo, ’di ba, yung partner mo or something,” paliwanag ni Derrick.

Siyempre bilang lalaki, kay Derrick muna dapat manggaling ang pagpapakita ng pagiging seryoso.

“Tina-try ko pero parang feeling ko kasi ayaw niya talaga, e. Di ba? Feeling ko ano lang ’yan, palusot lang ’yan na dahilan,” pag-aanalisa pa ng binata.

NOT SERIOUS WITH BARBIE? Sa naunang panayam namin kay Barbie, sinabi namin sa dalagang aktres na baka naman nararamdaman lang kasi ni Derrick na ayaw ni Barbie sa kanya kaya hindi nga nagseseryoso sa panliligaw si Derrick.

Na sinagot naman ni Barbie na hindi nga kasi nito nakikitaan ng pagiging seryoso si Derrick.

Muling paglinaw naman ni Derrick, “Hindi ano ’yan, mauna muna siya bago ako.

“Yun nga, sa kanya mauuna yun, e. Siyempre una nagustuhan ko siya, and feeling ko walang chance talaga. Parang iyon na lang, naki-ride na lang ako.”

So mabilis pala siyang sumuko?

“Hindi naman, matagal din naman,” at natawa si Derrick.

Hindi raw niya deretsahang tinanong si Barbie kung gusto siya nito.

“Hindi, nakakahiya yun, e. Mahirap ma-hurt, masakit ma-hurt,” at muling natawa ang binatang male star.

Hindi rin siya deretsahang nanligaw kay Barbie.

Ani Derrick, “Kasi alam ko naman po kung ano yung sagot niya, hindi na kailangang tanungin. ’Tsaka hindi naman po ako nanligaw, e.”

Bakit niya in-assume na ayaw sa kanya ni Barbie?

“Career-oriented, e. Ayun!”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Derrick sa presscon ng The Half Sisters ng GMA-7 noong Martes, June 3 sa GMA Network Center.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang pinakabagong GMA afternoon sersye ay pinagbibidahan nina Barbie at Derrick pati na rin nina Thea Tolentino at Andrei Paras.

Ipapalabas na ito simula sa Lunes, June 9 sa GMA Afternoon Prime block.

Hindi ba kinakabahan si Derrick na baka makasingit sa eksena si Andrei at manligaw ito kay Barbie?

“Hindi. Dapat po ba kabahan ako?” ang tumatawang balik-tanong sa amin ni Derrick.

“Hindi, wala lang kasi. Ano po e, okay lang yun kasi choice naman niya yun kung sino ang gugustuhin niya e, ’di ba?

“So ako naka-support lang ako lagi.”

Pero aminado si Derrick na gusto niya talaga si Barbie.

Pero dahil nga “sumuko” agad si Derrick, mababaw lang ba ang pagkagusto niya kay Barbie, na hindi sapat para magpursige siyang mabuti?

Dagdag pa niya, “Dati medyo malalim tapos iyon nga, tapos iyon nga parang nag-lie low.”

Naramdaman nga niya na hindi siya gusto ni Barbie; pero hindi naman raw umabot sa punto na binasted siya ni Barbie.

“Hindi naman.”

Dahil hindi nga siya nanligaw dito.

“Pinulsuhan ko lang,” at tumawa muli si Derrick.

ANDREI NOT A THREAT. Going back kay Andrei, bakit niya nasabing "dapat ba siyang kabahan?"

“Hindi sa ano yun, para kay Barbie, nothing personal.

“And siguro yung pagkaba, it’s my pressure e, so ibig kong sabihin hindi ako dapat ma-pressure kasi hindi naman competition ang tingin ko kay Andrei, so...”

Ano ang tingin niya kay Andrei?

Sagot niya, “Ano, kaibigan na may bago kang matututunan sa kaibigan mo.”

Magkaibigan na agad sila kahit ngayon pa lang sila nagkakakilala?

“E, kasi madali po siyang pakisamahan at saka nakiki-ride siya sa lahat ng trip. So iyon.”

Hindi pa nila alam kung kanino mapupunta si Diana (Barbie) sa ending ng The Half Sisters.

Paano kung kay Brady (played by Andrei) mapunta si Diana at hindi kay Baste, na siyang role ni Derrick? Na si Baste ay kay Ashley (Thea) mapunta?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“E, ’di I’m happy for them’” sabay tawa muli ni Derrick.

Hindi siya masasaktan gayung sila ni Barbie ang magka-loveteam?

Natatawa niyang saad, “Very, very light! Light lang, light. Pero may mga fans naman po kami siguro, e.”

Fans na aaway kay Andrei?

“Hindi naman, [fans] na nakasuporta sa amin,” lahad niya.

MISSES PERFORMING. Ano ang pakiramdam niya na wala na siya sa Sunday All Stars?

“Siyempre nung una nalungkot po ako, nagtampo lang ako,” pag-amin niya.

Pero binigyan naman agad siya ng The Half Sisters.

Pero nami-miss rin daw niya na mag-perform tuwing Linggo, na kumakanta at sumasayaw siya.

“Siyempre po. Routine na po sa amin yun na mga artista.

“Oo, nakaka-miss ’tsaka at the same time parang siguro magpapaligaw muna ako ulit, magpapasikat ako nang todo para at least, may mapatunayan naman ako,” pakli niya.

Mature na ang papel niya sa The Half Sisters. Nangangahulugan ba itong tuluyan na niyang tatalikuran ang pagiging tween star niya?

Sagot niya, “Opo, opo. Sana ito na yung umpisa na bigyan ako ng mga mas mature roles, meaty roles, mas challenging, ’yon.

“Pero siyempre makikita rin naman nila yun sa capacity ko bilang aktor.”

PASSING THE TWEEN TORCH. Sino ang nakikita niyang susunod sa mga yapak niya bilang tween male star ngayong graduate na siya sa estadong ito?

Ani Derrick, “Siguro si ano, si Miguel,” pagtukoy niya sa batang aktor na bida sa Niño na si Miguel Tanfelix.

“Kasi matangkad din, e. ’Tsaka marunong umarte, ’tsaka malaki potential, ’tsaka sobrang mabait siya sa tao. Iyon.”

Handa na nga raw si Derrick na gumradweyt sa pagiging teen star at maging isang mature star.

Paano niya ilalarawan ang sarili niya ngayon?

“Willing to explore and willing to take on some new journeys that will lead me to better roles and greener pastures,” deklara niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WILLING TO BARE? Kasama ba dito ang pagiging daring?

“Yes! Willing and daring? Puwede.”

Payag din daw siyang rumampa nang hubad sa Cosmo Bash.

Lahad pa niya, “Actually, isa po ako sa pinaka-willing talaga pero not this year sana. Siyempre gusto ko pag may ipapakita ako, talagang boom talaga.”

Kung billboard na naka-briefs lang, papayag ba siya?

“Siguro boxers lang huwag briefs. Medyo insecure ako sa legs ko e,” at natawa si Derrick.

Kailan siya magiging willing na mag-pictorial na naka-skimpy na trunks o underwear?

“Pag mga 20 o 21 na ako, ganyan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN