Kris Aquino on Mayor Herbert Bautista’s revelations about their short-lived romance: “It is tempting to defend myself, but what for?”

Kris Aquino chooses not to react to the recent revelations of Quezon City Mayor Herbert Bautista about their previous relationship.


Mas pinili ni Kris Aquino na manahimik kaugnay ng mga rebelasyon ni Quezon City Mayor Herbert Bautista tungkol sa naudlot nilang relasyon.

Nagsalita si Mayor Herbert tungkol sa naging relasyon nila ni Kris sa “Yes Or No” segment ng Bandila noong Biyernes, June 6.

Sa segment na ito ay tanging "yes" or "no" lang ang kanyang isasagot sa mga tanong ng tatlong anchors na sina Karen Davila, Julius Babao, at Ces Drilon.

Nang matanong si Herbert kung nagkarelasyon ba sila ni Kris, sagot nito: “Yes, pero naputol.”

Sinundot ito ng tanong kung mahal ba niya si Kris.

Pagkatapos ng sandaling pag-aalangan, sumagot ang actor-politician ng: “Well, oo.”

Gusto pa ba niya na maging sila pa ni Kris?

Tugon ni Mayor Herbert, “Wala na akong magagawa, hindi na nga puwede. Hindi na nga puwede. No, no.”

Hindi na ba niya liligawan muli ang Queen of All Media?

“Hindi na,” sagot ng alkalde.

Sinagot din ni Mayor Herbert ang tanong kung bakit naudlot ang namumuong relasyon nila ni Kris.

Sabi niya, “E, yung mga anak ko siyempre, I love my kids.”

Lumabas ang mga ulat noon na bukod sa negative publicity kay Mayor Herbert kaugnay ng relasyon nila ni Kris, apektado rin diumano ang dalawang anak ng mayor sa dating longtime partner nitong si Tates Gana.

Matatandaang namin ni Kris na may namamagitan sa kanila ni Mayor Herbert noong April.

Read: Kris Aquino admits relationship with Quezon City Mayor Herbert Bautista

KRIS’S REACTION. Ngayong araw, Lunes, June 9, nag-post naman si Kris sa Instagram ng screenshot ng palitan nila ng text messages ng batikang kolumnista na si Ricky Lo.

Dito ay tinanong ni Ricky si Kris kung gusto niyang magbigay ng reaksiyon tungkol kay “HB,” initials ni Mayor Herbert.

Sumagot si Kris ng: “Nothing to say.”

Sa caption naman ng post ni Kris ay sinabi ng TV host-actress na nagpigil siya kahit gusto niyang ipagtanggol ang sarili.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Maraming beses na raw siyang nagkamali dahil sa pagsasapubliko ng impormasyon sa kanyang buhay pag-ibig, ngunit natuto na siya.

Narito ang kabuuang caption ng post ni Kris:

“Text exchange w/ Ricky Lo... It is tempting to defend myself but what for? I’ve stumbled several times in my public handling of private breakups. And after all those experiences, thank God NATUTO NA KO.

“There is peace in keeping quiet kasi nga kagaya ng sinabi ni Boy Abunda, pag mainit pa ang sitwasyon at marami kang nabitawang salita pag kalmado na, pinahirapan mo lang ang sarili mo kasi ang dami mong kailangan walisin at ayusin.

“At 43 years old, finally learning when it’s best to just keep my mouth shut.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN