Manny Pacquiao to celebrate Father’s Day with his family in Israel

Manny Pacquiao on fellow politicians indicted for pork barrel scam: “Malungkot man isipin na nangyayar ito, pero may batas tayo. Sagutin nila ang mga obligasyon nila sa gobyerno. Kailangan ay sundin natin ang gobyerno dahil ito ang magbibigay ng proteksiyon sa ating lahat.”


Isang araw pagkatapos mai-launch ni Manny Pacquiao bilang bagong endorser ng Pizza Hut sa Ali Mall, Cubao, Quezon City, lilipad naman ang buong pamilya ng Pambansang Kamao sa Israel ngayong araw, June 10.

Ayon kay Manny, sa Israel na siya magdiriwang ng Father’s Day, kasama ang bagong miyembro sa kanilang pamilya—ang baby boy nila ng asawang si Jinkee na si Israel.

Kuwento ni Manny, “Bakasyon ito kasama ang buong pamilya.

“Matagal na kaming hindi nagkakasama-sama since noong laban ko with Bradley.

“Promise kasi ito ni Bob Arum sa akin kaya tinutupad lang niya.”

Ipinangako ito ng Jewish promoter noong press conference para sa laban ni Manny kay Timothy Bradley noong June 9 sa Las Vegas.

Isa raw sa ipinagdarasal ni Manny, magmula nang naging malapit siya sa Panginoon, ang maranasan ng kanyang pamilya ang pilgrimage sa Holy Land.



PRAYERS FOR FELLOW POLITICIANS. Kabilang daw sa ipagdarasal ni Manny sa pagpunta niya sa Holy Land ang mga kapwa niya politicians na sangkot sa pork barrel scam.

Saad niya, “Ipagdarasal natin sila.

“Malungkot man isipin na nangyayar ito, pero may batas tayo.

“Sagutin nila ang mga obligasyon nila sa gobyerno.

“Kailangan ay sundin natin ang gobyerno dahil ito ang magbibigay ng proteksiyon sa ating lahat.”

Nakarating na rin kay Manny ang nangyaring aksidente sa Hollywood comedian na si Tracy Morgan, na aminadong big fan ng Pinoy boxer.

Naaksidente si Tracy noong June 7 nang banggain ng isang delivery truck ang sinasakyan nitong limo bus sa New Jersey Turnpike.

Hanggang ngayon ay nasa critical condition pa rin ang Emmy-nominated comedian na nakilala sa comedy series na 30 Rock.

Ayon kay Manny, “Ipagdarasal natin siya na magabayan at ma-extend pa ang buhay niya ng Panginoon.

“Ang Panginoon lang ang makakapagpagaling sa atin.

“Ang doktor ay kayang gumamot, pero ang Panginoon ang magpapagaling sa atin.”



PACQUIAO FEVER. Bukod sa bakasyon ay bibisitahin din ni Manny ang ilang Christian communities at ang Pinoy fans niya sa Israel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May isang video nga sa YouTube titled "Pacquiao Fever Hits Jerusalem Israel," kung saan ipinapakita ang pananabik ng mga Pinoy sa pagdating ni Manny roon. Noong 2012 pa nagawa ang video na ito.

May humigit-kumulang 35,000 Filipinos ang nakatira at nagtatrabaho sa Israel.

Nagpapasalamat naman si Manny dahil sa sunud-sunod na biyayang dumarating sa kanya. Kabilang na ang pagiging endorser niya ng Pizza Hut Big Variety Box, kunsaan kasama niya ang beauty queens na sina Venus Raj at Ariella Arida.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN