Venus Raj prioritizes career and advocacies over lovelife

Nilinaw ng former beauty queen na si Venus Raj na walang kinalaman ang pagpapaikli niya ng buhok sa estado ng kanyang lovelife. Sabi niya, “Even before talaga, gusto ko na ng maikling buhok. But since we’re in the pageant industry, we need to have long hair. So, dati ay wala akong chance talaga to cut my hair short. But now, I’m done… and mas relaxed ang pakiramdam ko with my short hair.”


Masaya raw ang former beauty queen na si Venus Raj kahit wala siyang lovelife ngayon.

Bukod sa kanyang career ay naka-focus din si Venus sa kanyang pag-aaral sa University of the Philippines, kung saan kumukuha siya ng kursong Community Development.

Ayon kay Venus, “Meron nga kaming binuong group kasama ang mga classmates ko at iba pang kaibigan, it’s called Project ARAL.

“ARAL stands for Advancement for Responsive and Accessible Learning.

“And ito ang isa sa talagang gusto kong gawin noon pa lang—ang magkaroon ng sariling grupo.

“Be it a volunteer group, an NGO [non-government organization], or a foundation.

“And we are hoping that in the future, mas maraming sumuporta.

“Actually, kaninang umaga, nagkaroon kami ng turnover ng mga wooden chairs sa Madrasa.

“Ang Madrasa is a Muslim school sa Culiat, Quezon City.

“And with other partners, sponsors, and other volunteer groups also, we were able to accumulate one hundred chairs and give it to the school.

“We are just so happy and priviledged for the chance to be a part of it.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Venus kahapon, Lunes, June 9, sa Pizza Hut outlet sa Ali Mall, Cubao, Quezon City.

SINGLE. Nangiti si Venus nang mausisa ang estado ng kanyang lovelife ngayon.

Saad niya, “My civil status is still single.

“And mas gusto ko nga munang maging busy with my career and the projects that I’m doing.”

Kapansin-pansin na paikli nang paikli ang buhok niya ngayon. Bakit nga ba?

“I like it!” natatawang sabi niya.

“Even before talaga, gusto ko na ng maikling buhok.

“But since we’re in the pageant industry, we need to have long hair.

“So, dati ay wala akong chance talaga to cut my hair short.

“But now, I’m done… and mas relaxed ang pakiramdam ko with my short hair.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Iniisip kasi ng iba, baka may significance ang pagpapaikli niya ng buhok dahil wala siyang lovelife ngayon.

“Ay, hindi naman po!” natatawang sabi ni Venus.

“Hindi naman. Wala pong kinalaman ang buhok ko kung wala man akong lovelife sa ngayon.”



BUSINESS FLIGHT. Sa kabilang banda, nasa Season 2 na ang travel show nila ni Cristina Decena, ang Business Flight, na napapanood sa GMA News TV tuwing Linggo ng umaga.

Sabi ni Venus, “Ngayon, we are really looking forward for the next season.

“We are planning actually to go to Vancouver.

“Actually, we have a flight few days from now.

"We’re going to Canada for the Canada-Philippines fashion week sa Toronto. Rarampa tayo doon.

“And we will go to Vancouver to also feature the place and look for Filipinos who are worth-featuring.

“May plano rin na gumawa kami sa show ng features na isu-shoot sa Mexico at sa South Africa.”

Dagdag niya, “Nakakatuwa kasi ito yung klase ng trabaho na talagang nae-enjoy mo na, nakakapag-travel ka pa.

“At the same time, marami ka pang natututunan.”

Sa mga nagiging travel ba niya, wala siyang nami-meet na guys na nabibighani at nakikipagkilala sa kanya?

Sabi ni Venus, “Alam mo, I’m so thankful that in every travel that we’re doing, we get to meet significant people and people who are really kind-hearted.

“Na kapag nakilala mo, you will be thankful that you have met these people.

“Marami kang matututunan sa kanila, nai-inspire ka nila.

“And at the same time, nagkakaroon ka ng instant friends sa isang place.

“Kumbaga, ang dami kong nami-meet at nagiging bagong friends.”



PAMBANSANG KAMAO. Endorser pa rin si Venus ng Pizza Hut hanggang ngayon.

Sa bagong commercial nito, bukod sa fellow beauty queen niyang si Ariella Arida, ay kasama niya ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquaio.

Kumustang katrabaho si Manny?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Venus, “It’s my first time to work with Mr. Manny Pacquaio for Pizza Hut.

“It’s humbling actually to work with him knowing that he is a very successful person.

“And being chosen to work with him is really an honor.

“Nakakatuwa kasi yung inaakala natin na napaka-successful na tao, na halos lahat na siguro nasa kanya, pero when he talk to you, when he speaks about life and when he relates to people, talagang masasabi mong this person pala is really humble and still grounded amidst every success na meron siya.”



MAINTENANCE. Magmula nang manalo siyang Bb. Pilipinas-Universe at 4th runner-up sa Miss Universe noong 2010, napanatili ni Venus ang kanyang gandang beauty queen at figure.

Sabi niya tungkol dito, “Exercise is really very important.

“Siguro hindi lang yung going to the gym kundi yung everyday activities na ginagawa mo.

“At saka being joyful and happy within you is really important. It radiates the beauty that you have, sabi nga.”

Wala ba sa plano niyang makapagtayo rin ng training school for aspiring beauty queens?

Sagot ni Venus, “Hindi malayo, puwedeng-puwede nating gawin ‘yan.

“But as of now, I am really focusing on my advocacy on education.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN