Kris Aquino still brokenhearted: "Nahihiya lang akong mag-pretend pa to be okay when I still have a long way to go."

Kris Aquino posts a meaningful quote on her Instagram account: “Sometimes the girl who’s always been there for everyone else, needs someone to be there for her.”


Sinabi ni Kris Aquino sa Instagram post niya ngayong araw, June 10, na hindi siya “okay today” at kailangan niya ng oras para sa sarili.

Dahil dito, kinailangan niya raw i-pack up ang kanyang taping at nagpauna nang hindi siya lalabas sa late-night show nila ni Boy Abunda, ang Aquino And Abunda Tonight, ngayong gabi, June 10.

Ayon sa caption ng Instagram post ni Kris: “Just not okay today... Had to pack up my taping & won’t be in A&A Tonight... I’m sorry for needing this time for myself.”

Sa nasabing post ni Kris, nakasulat ang mga katagang: “Sometimes the girl who’s always been there for everyone else, needs someone to be there for her.”

Humingi rin ng paumanhin si Kris sa kaibigan at Kris TV headwriter na si Darla Sauler dahil wala siyang lakas para mas maging masaya ang pagdiriwang ng kaarawan nito ngayong araw.

Inamin din ng Queen of All Media na brokenhearted pa rin siya hanggang ngayon, at matagal pa bago siya lubusang maging okay.

“Back to work tomorrow & back on IG [Instagram] once I’m sure that my broken heart is healed.

“Nahihiya lang akong mag pretend pa to be okay when I still have a long way to go... I owe you & I owe myself this HONESTY.”

Hindi nagbigay ng detalye si Kris sa sinasabi niyang "broken heart," ngunit marami ang humuhula na may kinalaman ito sa naging pahayag ni Quezon City Mayor Herbert Bautista, sa “Yes Or No” segment ng Bandila noong June 6, Biyernes, tungkol sa naunsiyaming relasyon nila.

Kahapon, June 9, ipinost ni Kris ang palitan nila ng text messages ng showbiz columnist na si Ricky Lo, na sinubukang kunan ng reaksiyon si Kris hinggil sa mga naging pahayag ni Mayor Herbert.

Ngunit tumanggi si Kris.

Sa caption ng nasabing post, sinabi ng TV host-actress na mas pinipili niyang manahimik na lamang dahil natuto na siya mula sa pagiging open sa kanyang pribadong buhay noon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinabi pa ni Kris na alam na niya kung kailan siya dapat manahimik na lamang.

Read: Kris Aquino on Mayor Herbert Bautista’s revelations about their short-lived romance: “It is tempting to defend myself, but what for?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN