PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Toni Gonzaga defends PBB execs over nude painting controversy: "Alam naman ni Kuya yun. Alam naman ng PBB yung limitations niya."

Pinoy Big Brother execs are being summoned by MTRCB for a "mandatory conference" over nude painting controversy on June 11.
by Rachelle Siazon
Published Jun 10, 2014
Toni Gonzaga on PBB execs being summoned by MTRCB over nude painting controversy: “I think sanay na kami. Every season hindi puwedeng walang issue or controversy ang PBB. Wala akong major reaction kasi gano'n talaga,” says Toni during the presscon for her album launch on Tuesday afternoon, June 10.

“Alam naman ni Kuya yun. Alam naman ng PBB yung limitations niya.

“So, everything is just really to test and challenge a person’s principles and values na kinalakihan.”

Ito ang pahayag ni Toni Gonzaga kaugnay ng kontrobersiyal na Pinoy Big Brother (PBB) All In nude painting challenge na umere sa primetime TV noong June 4.

Sa naturang episode, hinamon ni Kuya ang housemate na si Jayme Jalandoni, 23, na mag-pose nang nakahubad para sa isang painting.

Noong una ay pumayag ang dalaga at piniling makasama sa naturang challenge ang ibang housemates na sina Daniel Matsunaga, Michelle Gumabao, at Ranty Portento.

Ngunit sa huli ay nagdesisyon si Jayme na huwag gawin ang challenge matapos manaig ang prinsipyo niya bilang isang debotong Kristiyano.

Read: Daniel Matsunaga, Jayme Jalandoni, Michele Gumabao and Ranty Portento refuse to pose nude for a cause

Hindi man natuloy ang nude painting challenge, naalarma ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) nang iparating sa kanila ng Philippine Commission on Women (PCW) ang tungkol sa naturang episode ng PBB.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa PCW, hindi tama na malagay sa alanganin ang 23-year-old female housemate, lalo pa nang sabihin ni Kuya na ang nude painting challenge ay naglalayong mapataas ang weekly budget ng housemates at makatulong sa isang charity cause.

Bunsod nito, ipinatawag ng MTRCB ang ABS-CBN executives na namamahala sa programa para sa isang “mandatory conference” sa June 11.

MTRCB summons ABS-CBN over PBB: ALL-IN's nude painting challenge

— MTRCB (@MTRCBgov) June 9, 2014


MTRCB alarmed over alleged gender-insensitivity in PBB: ALL-IN nude challenge

— MTRCB (@MTRCBgov) June 9, 2014



JUST A TEST. Sa presscon para sa bago niyang self-titled album ngayong araw, June 10, nilinaw ni Toni na ngayon lang niya nalaman ang tungkol sa naturang isyu.

Ganunpaman, ipinagtanggol niya ang mga bumubuo ng PBB at sinabing walang masamang intensiyon ang programa nang subukang ipagawa kay Jayme ang diumano’y mapangahas na hamon ni Kuya.

“Lahat naman yun task naman.

"Everything na ginagawa sa PBB, lahat naman yun under the supervision of Endemol, which is the one in charge of the Big Brother franchise.

“Hindi naman sila gagawa ng isang bagay na hindi nila kinukonsulta sa mismong gumawa ng programa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“And kapag nagbigay ng go signal at na-approve yun, ibig sabihin nun, may kabuuang konsepto yun na makakatulong dun sa tao na binigyan nung challenge na yun,” kalmadong paliwanag ni Toni.

Tingin ba niya ay may mali sa hamon ni Kuya?

Sagot ni Toni, “Ako kasi, feeling ko, there are people who can shed clothes for art.

"May mga taong kayang gawin yun at may mga taong hindi kayang gawin yun."

Bukod dito ay nagdesisyon naman ang housemate na si Jayme na tanggihan ang task kaya hindi na masyadong nabahala ang PBB host sa naturang episode.

“NO MAJOR REACTION.” Ngunit aminado si Toni na iba ang magiging reaksiyon niya kung ang kapatid na si Alex Gonzaga—na kabilang sa grupo ng celebrity housemates—ang naatasang sumabak sa isang nude painting challenge.

Kung saka-sakali, naniniwala si Toni na agad itong tatanggihan ng kanyang nakababatang kapatid.

Sa huli, sinabi ni Toni na wala siyang “major reaction” sa pagpapatawag ng MTRCB o maging sa mga pambabatikos na natatanggap ng PBB.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“I think sanay na kami. Every season hindi puwedeng walang issue or controversy ang PBB.

“Wala akong major reaction kasi gano'n talaga.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Toni Gonzaga on PBB execs being summoned by MTRCB over nude painting controversy: “I think sanay na kami. Every season hindi puwedeng walang issue or controversy ang PBB. Wala akong major reaction kasi gano'n talaga,” says Toni during the presscon for her album launch on Tuesday afternoon, June 10.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results