Ariella Arida starstruck with Manny Pacquiao; says she and Ervic Vijandre are just "friends"

She has not spurned Ervic Vijandre, who is rumored to be courting her avidly, but beauty queen Arielle Arida says she has plans after her contract with Binibining Pilipinas Inc. expires and a relationship is not one of them.


Feeling lucky ang 2013 Miss Universe 3rd runner-up na si Ariella “Ara” Arida dahil sa unang endorsement niya ay nakasama niya agad ang isang malaking celebrity na kilala sa buong mundo.

Ito ay walang iba kundi ang Pambansang Kamao na si Manny “Pacman” Pacquiao at endorsers nga sila ng Pizza Hut kasama si Venus Raj.

Hindi nga makapaniwala ang beauty queen nang sabihin sa kanyang makakasama niya si Pacman sa pag-shoot ng TV commercial ng Pizza Hut.

Saad niya, “Natuwa talaga ako kasi this is my very first endorsement.

"’Tapos makakasama pa natin ay isang celebrity na hinahangaan ng maraming tao sa buong mundo.

“Na-starstruck talaga ako noong mag-shoot na kami ng TVC.

“Parang nananaginip ako that I am doing this with the one and only Manny Pacquiao.

“Kahit na sino would be thrilled to be even sitting beside him right now.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ara sa press launch ng Pizza Hut Big Variety Box sa Ali Mall, Cubao, Quezon City, noong June 9.

LARGER THAN LIFE. Isa raw sa ikinatuwa ni Ara ay ang pagiging humble ni Pacman.

Wala raw siyang naramdaman na anumang yabang sa tinaguriang Pound-For-Pound King.

“Noong mag-shoot kami for the commercial, game na game siya at tawa kami nang tawa.

“Palabiro siya kaya sobrang nag-enjoy kami ni Venus Raj sa pakikipagtrabaho sa kanya.

“Nakakagulat nga na kung mapapanood mo siya sa TV na nakikipaglaban sa boxing ring, he’s larger than life. He’s a global superstar. Parang untouchable siyang tao.

“But once you get to know him, he is just like any simple individual.

"Napakasimpleng tao, mabait, at walang ere sa katawan niya.

“Kaya nasabi ko nga kay Venus na napakasuwerte namin dahil kami ang mga parang naging muses ni Manny Pacquiao.

“At nakita namin ang tunay na pagkatao niya.

"He’s such a down-to-earth person kaya naman pala marami ang gustong makatrabaho siya,” sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ERVIC VIJANDRE. Pagdating naman sa personal na buhay ni Ara, nananatiling “friends” lang daw ang status nila ng nababalitang masugid na manliligaw niyang si Ervic Vijandre.

Ayon kay Ara, hindi pa siya handang pasukin ang pakikipagrelasyon dahil may iba siyang priorities sa ngayon.

Pero sinabi naman daw niya agad kay Ervic na wala siyang ipinapangakong commitment dito. Tama na raw muna na magkaibigan muna sila.

“Okey naman si Ervic. I appreciate the things he has been doing for me, yung pagtitiyaga niya.

"Pero like what I said, it’s not a priority, at alam niya iyon.

“Gusto ko munang ma-enjoy din itong single life natin.

“I’m only 25 years old at marami pa akong gustong gawin.

"Mas magiging magaan for me to work on my career na wala munang boyfriend.

“Mahirap kasing balansehin. May kailangan kang mai-sacrifice talaga.

"And I choose not to prioritize my personal life.”

CAREER MOVES. Magtatapos na ang kontrata ni Ara sa Binibining Pilipinas Charities Inc. sa September ng taong ito.

Doon pa lang daw sila makakapagplano ng kanyang manager na si Jonas Antonio Gaffud of Mercator Models kung ano ang susunod niyang papasuking career.

“Hindi pa kami makapag-full blast ni Mama Jonas kasi nakatali pa ako sa Bb. Pilipinas. Kaya most of my work now, sila ang nag-aasikaso.

“Hindi ko pa alam if I want to go into acting.

"Mukhang enjoy naman siya, ‘di ba?

"Or I can do hosting for events ’tulad ng ginawa nila Venus and Shamcey Supsup.

“I’m also looking into a career in international modelling.

"Marami akong gustong gawin.

“Siguro maayos lahat ‘yan kapag nasa tamang panahon na.”

CARBO EATER. Sa sobrang sexy ni Ara, tila walang maniniwala na kumakain siya ng pizza.

Pero inamin nga ni Ara na ang pizza ang isa sa paborito niyang kainin.

“Hindi lang nila alam na malakas ako kumain!” tawa pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s true. Tanungin pa nila si Venus dahil pareho kaming mahilig kumain.

"At carbs pa ang mga hilig kong kainin talaga.

“Hindi lang halata kasi mabilis naming ma-burn ang kinakain namin.

"I work out daily kaya mabilis nawawala ang kinakain namin.

“And pizza has always been a favorite of mine.

“Kapag may mga rehearsals kami for a ramp show na inaabot ng madaling-araw, pizza ang gusto kong kainin.

“Aside sa mabilis siyang i-order, complete meal na ang pizza, kasi there’s carbs and protein.

"Kailangan namin ‘yan para magkaroon kami ng lakas sa trabaho."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN