Zia Quizon to mom Zsa Zsa Padilla’s critics: "I think she waited long enough to be happy."

Zia Quizon (middle) is happy that Zsa Zsa Padilla (left) can move on and has found a man who is taking care of her "in a cute, refreshing way." She adds that her mom has moved on "in a better, more positive way." With Zia and Zsa Zsa in this photo is Karylle (right), the Divine Diva’s eldest daughter.


Kahit ang singer na si Zia Quizon ay bukas sa pagsasabing masaya siya sa pagkakaroon ng bagong pag-ibig ng inang si Zsa Zsa Padilla.

Kamakailan kasi ay isinapubliko na ni Zsa Zsa ang relasyon nila ng arkitektong si Conrad Onglao.

Sabi ni Zia sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News, “Ako, I’m very happy lang for her to meet somebody na who’s taking care of her.

"Yung ganun... just in a cute, refreshing way.

"May pinagdaanan din siya recently, and I’m glad she can move on, and move on in a better, more positive way."

Si Zia ay anak ni Zsa Zsa sa yumaong Comedy King na si Dolphy.

Boto ba siya kay Architect Conrad para sa kanyang ina, lalo na’t ilang beses na pala nila itong nakakasama sa family gatherings?

Sagot ni Zia, “Yeah, I think he’s a nice man naman.

"Very smart, very caring naman, so I approved naman of him."

Sabi pa niya tungkol sa ina, "She can take care of herself naman.”

Hindi nauwi sa kasalan ang relasyong Dolphy at Zsa Zsa dahil hindi na-annul ang kasal ng Divine Diva kay Dr. Modesto Tatlonghari, ama ng panganay na anak ng singer na si Karylle.

Tanggap kaya ni Zia kung saka-sakaling magdesisyong pakasal ang ina sa kasintahan nito ngayon?

Sagot niya, “Yeah, but I don’t think she’s thinking about that yet.

"Ayaw niyang i-jinx."

MOVING ON ISSUES. Isa rin sa isyung lumalabas ay ang pagtatanggal daw ni Zsa Zsa ng mga gamit ni Dolphy sa bahay na tinitirhan nila sa Marina Bay, Parañaque.

May ilan pang nagsasabi na pati raw yata mga alaala ng yumaong Comedy King ay mukhang kinakalimutan na ng Divine Diva.

Pumanaw si Dolphy noong July 10, 2012.

Sabi ni Zia tungkol dito, “I guess, it’s still hard.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi nung mga last year, hindi pa ready ang lahat to let go.

"We’re waiting lang for everyone to be able to [recover] and, you know, and say their piece."

Sa isyu naman na masyadong mabilis daw naka-move on si Zsa Zsa sa pagpanaw ni Dolphy, ipinagtanggol ni Zia ang ina.

Saad niya, “I think naman everyone has their own time.

"Iba talaga ’pag sa showbiz, mas mabilis talaga ang takbo ng buhay sa showbiz.

"For me naman, I think she waited long enough naman to be happy, ’di ba?"

ADJUSTMENT. Noong bagong pasok siya sa showbiz ay sinabi ni Zia na nahihirapan siyang mag-adjust dahil pribado siyang tao.

Ngayon ba ay nakapag-adjust na siya sa mundo ng kanyang mga magulang?

Tugon niya, “I think it’s just hard din for me, ’di ako showbiz na very open, I’m very shy, tahimik.

"I figure out myself din and do my job.

"I enjoy it, but the thing that I enjoy is kilala ko yung katrabaho since I was a kid.

"It’s more of sa family namin. More of passing the torch, parang ganun."

May foreigner boyfriend si Zia na nakikitang kasa-kasama nito sa ASAP. May balak na rin ba siyang magpakasal katulad ng kapatid na si Karylle?

Aniya, “Wala pa naman.

"I guess I still feel too young din naman for that.

"Lumaki kami na our mom was pretty [open] about her experiences, she’s very open.

"She doesn’t want to us to go through to something like that.

"I guess, medyo conservative ako din.

"Yeah... and, of course, now medyo lumalaki yung family namin, you need din to be involved din sa family."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN