JC de Vera reveals all of his "eight or nine" ex-girlfriends are from showbiz

JC de Vera on his ideal girl: "Ideal girl? Basta, pure-hearted, pure intentions. Clean yung personality talaga and, siyempre, sana maganda. ’Pag di naman masyado, basta pure-hearted, okey ako."


Sa Biyernes, June 13, ay magtatapos na ang hit primetime series ng ABS-CBN na The Legal Wife.

Sa teleseryeng ito ay tinalakay ang pag-aagawan ng dalawang babae sa iisang lalaki.

Gumanap na mag-asawa sina Angel Locsin at Jericho Rosales, at si Maja Salvador naman ang gumanap na other woman.

Kasama rin sa major cast si JC de Vera.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay JC, tinanong namin siya kung mayroon na siyang karanasan kung saan pinag-agawan siya ng dalawang babae.

Tugon niya, “Wala pa, promise ‘yan!

"Kasi sa akin, ‘pag ayaw mo na, i-break mo muna!”

Kadalasan ba ay siya ang nakikipag-break?

Sabi ni JC, “Equal lang.

"Halimbawa, sa sampung past girlfriends, ako yung lima at yung lima ay sa mga babae na. Equal.”

Naka-ilang serious girlfriends na ba siya?

“Mga eight or nine.”

Ilan ang showbiz girls doon?

“Lahat,” pag-amin niya.

Mga lima lang ang alam ng showbiz at publiko, isa na rito si Rhian Ramos. Hindi ba niya idineklara ang iba pa?

“Basta, basta... hindi naman sikreto yun,” iwas ni JC, at nagsabing baka wala lang nagtanong sa kanya dati.

THE LEGAL WIFE. Bilang isang lalaki, ano ang natutunan ni JC sa The Legal Wife?

“Alam mo, sa totoo lang, dapat hindi nagpapahuli ang mga lalaki sa mga asawa nila!” tawa niya.

“Base kasi yun sa characters na nakita ko sa show na nahuli yung lalaki, e.

"Pero kung hindi nahuli yung lalaki, e, di walang gulo.

"So, ‘di dapat magpahuli.”

So, if ever ba na mangangaliwa siya sa totoong buhay, hindi siya magpapahuli? Magagawa niya ang ginawa ni Adrian (Jericho) sa story?

Sabi ni JC, “Kaya nga hindi ka dapat magpakasal kung ganoon pa ang iniisip mo.

"Kung ‘di ka pa sure... basta, ‘pag hindi pa sure, huwag na muna.

“Ang hirap kasi ng pinagdaanan ng tatlong characters.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Basta ‘pag dumating yung temptation, depende na lang yun sa tao kung papaano niya haharapin o lalabanan ito.

"Prayers lang talaga ang kailangan.”

Anu-ano naman ang mga “flaws” o kakulangan niya na hindi alam ng publiko?

“Marami, mahaba ang pisi ko, e, pasensiyoso ako.

"Kaya kong hindi magsalita nang buong isang araw, pero masama yun.

"Kasi minsan, kung ayaw mo talagang makipag-usap, kaya mong mag-shut up lang.

“Papansinin ko ang isang tao, pero halimbawa, gusto niyang makipagkuwentuhan, hindi talaga ako magsasalita.

"So, masama yun, ‘di maganda yun.

"Basta, ‘di ka lang mambabastos o mandededma ng tao.

“Basta, kausapin mo ng short conversation, pero ’pag may mood ako na ayaw ko na, hindi na ako magsasalita talaga.

"Pero wala akong kaaway.

“Depende rin siguro sa pagod talaga, kaya ang ibang artista, nagiging ganoon.

"I think, hindi lang ako yung ganoon."

LOVELIFE. Kumusta naman ang lovelife niya, may girlfriend ba siya ngayon?

“Wala, e,” sagot ni JC.

“One and a half years na akong walang girlfriend, going to two years.

"Busy sa work, e."

Meron namang iba na kahit maraming work, basta gustong mag-lovelife, kahit “quickie” na girlfriend, naghahanap?

“Well, ka-quickie siguro ang gusto niyang hanapin, hindi girlfriend.”

Conservative ba siya pagdating sa lovelife?

“Hindi naman, iba lang yung pang-ganun [quickie], iba yung sa girlfriend.

"Kailangang alam mo ang difference nila.”

Ano ba ang ideal girl niya?

“Ideal girl? Basta, pure-hearted, pure intentions.

"Clean yung personality talaga and, siyempre, sana maganda.

"‘Pag di naman masyado, basta pure-hearted, okey ako."

GOOD MOVE. Masasabi ba ni JC na justified ang paglipat niya from GMA to TV5 and now to ABS-CBN?

“Sobra-sobra, actually!” tugon niya.

“Kumbaga, yung… Well, lahat naman ng ito, hindi ko naman ini-expect na ganito, e.

“Parang ang una ko pa ngang tingin at that time, e, may project ka, and willing ako to start from scratch.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung papasok ka lang sa isang show. Ganoon yung tingin ko.

“So, hindi ko ini-expect na ang bilis ng mga pangyayari, e.

"Parang biglang nagulo ang utak ko!

"Kasi ang bilis, e, parang ‘di mo ini-expect na dami mo biglang trabaho."

Kumpara sa ibang networks na pinagtrabahuhan niya dati, mabagal ba ang naging takbo ng career niya noon?

“No comment!” iwas niya.

Mas naramdaman ba niya ang popularidad niya nang lumipat siya sa Kapamilya Network?

Sabi ni JC, “Well, lahat naman actually ay malaki ang naitulong sa akin.

"Hindi lang sa personal na buhay ko kundi lalo na sa trabaho.

"So, kumbaga, no judging na lang muna.

“Hindi ko kayang i-compare ang tatlong networks, kasi mahirap.

"Pero dito sa ABS, feeling ko, bago ulit ako, para akong nag-uumpisa uli.”

Ginagawa rin ni JC ang pelikulang Once A Princess para sa Skylight/ Star Cinema, directed by Laurice Guillen. Kasama niya rito sina Erich Gonzales at Enchong Dee



CAREER. Twenty-eight years old pa lang si JC pero parang hindi tumatanda.

Taong 2003 siya nang pumasok sa showbiz.

Sa ABS-CBN, sinu-sino ang gusto niyang makatrabahong direktor at artista?

Sabi niya, “’Tulad ng sabi ko, lahat ng tao, magagaling dito.

"Kanya-kanya sila ng strength, so sana, matapat talaga ako sa magaling.

“Sa artista, lahat, actually.

"Kasi ikaw ang mapunta sa ganitong position, lahat gugustuhin mong makatrabaho.

"Kahit sino! Kung magbe-benefit ka naman, bakit hindi?”

Bukod sa The Legal Wife, kasama rin si JC sa afternoon soap ng ABS-CBN na Moon of Desire.

Paano siya nakapaglagare sa taping ng dalawang shows niya?

“Prayers... wala, e, talagang ’di ko alam kung papaano ko nagawa, e, so, prayers lang,” aniya.

Sino ang sinusundan niyang yapak o “path” bilang isang aktor?

“Gusto ko si Goma [Richard Gomez]. ‘Pag nakikita mo ‘yun, inspired ka, ganoon.

"Kahit na [may edad], parang bagets pa rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"‘Yung longevity o papaano ka magtagal sa industriya, yun talaga ang concern ko.

“Si Goma yung ideal person ko na gusto kong sundan as an actor,” pahayag ni JC.

LOVETEAM. Sino naman ang gusto niyang maka-loveteam?


“Lahat, puwede!

"Pero kung mga dalawa, isa si Kim [Chiu] sa isang romantic-comedy kasi seryoso ako, e.

"Kakapanood ko lang kasi last time sa Cinema One noong movie niyang Bakit ‘Di Ka Crush Ng Crush Mo.

“Nakita ko kung gaano siya ka-loose pagdating sa ganoon klaseng genre.

"So, sabi ko, parang perfect si Kim talaga para mag-romcom [romantic comedy] kami or, if not, comedy-drama.

“Isa pa, nakatrabaho ko na si Maja [Salvador], e. Siya uli.”

Base sa mga napapanood niya, sino sa palagay niya ang mas mahusay na actress kina Kim at Maja?

“Naku, mahirap sagutin ‘yan,” tawa ni JC.

“Pero mayroon silang kanya-kanyang strengths.

"Si Kim, nakuha niya‘yung side na romantic-comedy-drama.

"Si Maj, talagang solid drama. ’Pag isinabak mo siya sa drama, talagang ang hirap-hirap sabayan.

“Well, siyempre, ‘di ko puwedeng i-judge si Kim, kasi ‘di ko pa naman siya nakakatrabaho and ‘di ko siya kilala as Kim.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN