Max Collins says her friendship with Pancho Magno is building, "We take it day by day."

Max Collins is set to do an indie film that will be shot and produced in Qatar.


Sa susunod na Biyernes, June 20, ang finale episode ng panghapong serye ng GMA-7 na Innamorata.

“Masaya,” ang paglalarawan ni Max sa naging karanasan niya bilang bida sa nabanggit na Kapuso show.

“It was fun, masaya. Hindi mabigat at all kasi lahat ng nakasama ko sa work, sobrang gaan lang ng vibes.

"Ang gaan makatrabaho.

“Ano pa ba? Ine-enjoy ko lahat, ang buong experience. I never thought it was enjoyable but it was.”

Magtatapos na ang show, kumusta naman siya?

“Malungkot na masaya kasi at least, natapos namin ang project na lahat kami masaya.

"Walang naging problema or anything sa set.

“Lahat kami naging close and we’re all happy naman with the results. So, overall, we’re all happy with it.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Max sa ginanap na pocket presscon ng Innamorata noong June 6 sa GMA-7.



NEXT CHALLENGE. Sabi nga namin kay Max, nakahinga na rin siya dahil mula sa umpisa hanggang sa magtapos ang Innamorata ay maganda ang record na naitala nila sa rating.

Masasabi ba niya sa sarili ngayon na kaya na niyang magdala talaga ng sariling serye?

“Hindi naman, hindi naman po kasi, parang blessing lang yun.

"The challenge is to see how will the next project be. I think as an actor, you can never be content.

“Kasi, baka nagustuhan ng mga tao ang role ko ngayon, baka hindi nila magustuhan ang susunod kong role. Ganun lang talaga.”

Naniniwala raw si Max na ang artista “is only good as their last performance.”

Sabi rin niya, “I’m just really happy na natanggap ng mga tao ang character ko.

"Nakita nila ako in a different light.

"Nagustuhan nila compared to my previous role but I wouldn’t say na mas naging confident ako about it. No naman.

“It’s just that mas nasanay lang ako sa maraming eksena, sa breakdown, mas marami kesa sa ginagawa ko dati.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mas malakas lang yung system ko to do more scenes in a day. That’s how I feel.”

WORK ETHIC. Hindi nawawalan ang network ng mga bagong nadidiskubre na binibigyan ng pagkakataon. Ano ang ginagawa ni Max para hindi siya mapag-iwanan?

Ayon kay Max, “Pray... lots of prayer.

"I try to be easy to work with, because, I think, if you’re easy to work with, kahit paano, magkakatrabaho ka ulit.

"The problem starts when you’re not an easy actor to work with.

“But as long as may ethics ka sa trabaho, you’ll find work.”

Sa ngayon, wala pa raw alam si Max kung ano ang susunod niyang serye na gagawin sa Kapuso network.

Wala naman daw sa kanya ang desisyon at kung sa panghapon pa rin ang susunod niyang programa.

“Kahit ano, kahit saan, siyempre, magiging honor din po yun sa akin kung ilalagay ako sa primetime.

"Pero kahit saan na may show, I find it just the same.

"Hindi porke’t nasa hapon ka, magre-relax ka kasi hapon lang ako. Hindi naman po ganun, ‘di ba?

“So, kahit saan naman happy ako. Basta sana lang maganda ang role.”

PREFERENCE. Tinanong din namin si Max kung sino pa sa mga artista ng Kapuso ang gusto niyang makasama sa isang show.

Sabi ni Max, “Parang gusto kong makasama si Alden [Richards], kasi hindi ko pa siya nakakatrabaho.

“Like si Dingdong Dantes, Aljur [Abrenica], nakatrabaho ko na. Si Ben [Benjamin Alvez], si Rocco [Nacino].

"So, I want to try working with someone I haven’t worked before. So kahit sino naman na hindi ko pa nakakatrabaho.

“Si Tom [Rodriguez], si Dennis Trillo, whoever. Basta someone I haven’t worked yet.”

Sa mga babaeng artista, mga beteranang aktres daw ang mga gusto niyang makatrabaho dahil marami raw siyang natutunan.

QATAR INDIE. May gagawing indie si Max, ang Remembering Ada na sa Qatar isu-shoot at ang producer din ay taga-Qatar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Karamihan daw ng makakasama niya ay mga artista from Qatar.

“Muslim ako ro’n pero, I think, yung love team ko, Pinoy siya pero taga-roon.

"Bilang preparation, nag-aaral po ako ng violin kasi, violinist ako ro’n sa movie.”

Tatlong linggo rin daw siyang kailangang mag-stay sa Qatar at dire-diretso raw ang magiging shooting nila.

Biro namin kay Max, baka may magkagusto sa kanya roon.

Natatawang sabi niya, “I will just be there for work. No play, just work.”

PANCHO MAGNO. Nang tanungin naman namin si Max pagdating sa lovelife niya at sa rumored boyfriend na si Pancho Magno, “We’re close. Close kami.

“We take it day by day.”

Exclusively dating sila?

“No,” nakangiti niyang sabi.

Ibig sabihin, puwede silang makipag-date sa iba, pero sa part niya ay wala raw siyang time na makipag-date talaga.

“Recently nagka-time ako kasi tapos na kaming mag-tape for Innamorata, but it’s not on my mind talaga.

“I don’t look for people to date.

“Si Pancho naman, he’s always been there for me that’s why our friendship has been building kasi, palagi naman siyang nandiyan.”

Pero iniisip ng marami na may espesyal na namamagitan sa kanila ni Pancho. Dahilan ba ito para hindi na rin mag-attempt ang iba kung may interes man sa kanya?

Nakangiting sagot naman ni Max dito, “Well, if there’s a will, there’s a way. Kapag gusto may paraan.”

Nakikita ba niya ang senaryo na mag-boyfriend-girlfriend na nga sila?

“Only time will tell,” saad naman niya.

Sa isang banda, paano nga ba siya ma-in love?

“Para akong bata. Gusto ko na inaalagaan ako. Gusto ko na bine-baby ako.

"But on a more serious note, someone that is more supportive, sa akin.

"Kasi, yun nga, palagi akong busy, palagi akong focus sa career.


“Kailangan ko ng someone who understands that. Na hindi naman sila palagi ang magiging priority ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ENDING. Ayon kay Max, dapat daw abangan ng mga naging taga-subaybay nila ang ending ng Innamorata na tapos na nilang i-tape.

“Masaya ang ending pero dapat abangan nila kung sino ang makakatuluyan ko.

"Baka ma-surprise sila ro’n kung sino ang magwawagi.”

Ang tinutukoy ni Max ay kung sino kina Luis Alandy at Dion Ignacio ang makakatuluyan nga niya.

Pero, kung siya ang masusunod, sino sa dalawa ang sa palagay niya dapat makatuluyan ng karakter niya?

“Yung takbo kasi ng kuwento, mas close talaga si Ester kay Dencio, kay Dion.

Kasi mula bata pa sila hanggang lumaki, sila talaga ang magkasama.

"Minahal pa rin niya kahit ganoon ang hitsura ko. Ganun...

“Parang expected din ng tao na sa kanya ’ko mapupunta. Pero, tingnan natin,” saad niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN