JC Tiuseco not bothered by slowing project offers: “Okey lang... kung hindi pa rin binibigay sa ‘yo, hindi pa oras."

It’s not as though JC Tiuseco is dealing with a career drought as he is in the cast of the new GMA project, The Half Sisters. He is not complaining but he will certainly welcome an improvement in his work situation.


Si Maxene Magalona ang huling napabalitang girlfriend ng Kapuso actor na si JC Tiuseco.

Hanggang ngayon, tuwing makakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang actor, natatawa lang ito at saka sumasagot na “single” at wala pa rin daw siyang girlfriend.

May limang taon na yata siyang walang girlfriend?

“Hindi naman, four years pa lang,” natatawa niyang sabi.

Biniro si JC kung paano ito nakaka-survive na walang girlfriend lalo na sa edad niya ngayon na masasabing kainitan ng lalaki sa pakikipag-girlfriend.

“Busy-bisihan,” sabi naman niya.

Sabi naman namin sa kanya, ang daming artistang busy pero may mga karelasyon.

“Yung girlfriend, hindi na muna siguro,” natatawa pa rin niyang sabi.

May inspirasyon naman siya?

“Siyempre, nagkakagusto ka rin sa mga girls pero ganoon lang.

"Ayoko pa rin talagang magka-girlfriend. Choice ko na rin yun.

“Mas gusto ko talagang mag-focus muna sa sarili ko. Darating din ‘yan.”

Sa tanong naman kung paano ang malalamig na gabi, natatawang sagot ni JC, “Magkumot tayo sa malalamig na gabi.”

NEW TELESERYE. Nakausap ng PEP si JC nang magkaroon ng press conference para sa bago niyang afternoon series, ang The Half Sisters, sa GMA-7 noong June 3.

Mabait daw ang karakter na ginagampanan niya sa bagong serye.

Mas gusto ba niya ang mabait na karakter?

“Actually, nag-e-enjoy rin akong maging kontrabida, e. Kasi mas nalalaro mo ang character. Mas malayo siya sa character ko.

“Kunwari, nagagalit, hindi naman ako madalas magalit.

"So, mas nalalaro ko. Mas marami akong puwedeng gawin sa role.”

NEW MANAGER. Si JC ay isa sa mga bagong talent na hinahawakan ni Popoy Caritativo sa Luminary Talent Management.

Nanggaling si JC sa Mercator Models and Management, Inc. ni Jonas Gaffud. Naitanong din sa Kapuso hunk kung nagkausap ba sila ni Mikael Daez na nauna na sa kanyang lumipat ng ibang manager.

Sabi ni JC, “Si Mikael, nagkausap kami pero, nagkausap kami noong wala na siya. Wala na rin ako [sa Mercator].”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matagal na rin daw niyang iniisip na sumubok naman nga ng ibang manager.

“Dati ko nang naiisip pero hindi ko lang talaga sinasabi sa kanila.”

Bakit si Popoy ang napili niyang mag-manage sa kanya?

Ayon kay JC, “Nakita ko naman na maayos ang pag-handle niya sa mga alaga niya.

"Sina Dennis [Trillo], okey naman silang lahat. ’Tapos yun nga, barkada ko sila.”

SLOW CAREER? Sa isang banda, matagal na rin simula nang manalo siya sa Survivor Philippines. Limang taon na ang binilang mula nang manalo siya rito.

Kapag tinitingnan niya ang career niya ngayon at naikukumpara sa ibang Kapuso artists, okey lang ba siya o nababagalan siya sa tinatakbo nito?

“Actually, ang dami rin nagsasabi sa akin.

"Pero para sa akin, kung hindi pa rin binibigay sa ‘yo, hindi pa oras.

“Okey lang, parang kung darating, darating yun. Naniniwala kasi ako sa destiny mo.

"Kung ibibigay sa ‘yo yun, kung mangyayari sa ‘yo yun, darating.”

May kulang ba sa tingin niya na dapat niyang gawin?

“Siyempre, tao lang din naman ako, napapaisip din ako kung ano yung nangyayari sa career ko.

“Puwede ka rin namang mag-isip, pero maraming times na wala ka rin namang magagawa...

"Binibigay mo rin naman ang best mo at that moment.

“So, I think on my part, naibibigay ko naman.”

Sa network ba may pagkukulang?

“Hindi ko naman masasabi. Kasi, masaya rin naman ako sa ibinibigay sa akin.

"Like ngayon, kay Popoy, masaya naman ako kung paano niya ’ko i-handle.

“At saka, noong lumipat ako sa kanya noong November, sinabi niya sa akin na huwag akong masyadong mag-expect.

"Basta maging ready lang ako kung ano ang ibibigay sa akin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN