Kaye Abad on current boyfriend Paul Jake Castillo: “I don’t wanna say na he’s the one na... but I hope so.”

Kaye Abad sees herself ending up with Paul Jake Castillo, "Hindi ko naman siya ibo-boyfriend if I don’t see myself with him, ‘di ba? Sa edad kong ito, wala na ’ko ro’n sa stage na magbu-boyfriend kasi like ko lang siya. Kailangan sa edad ko, yung hahanapin ko na ang makakasama ko talaga habangbuhay.”


Matapos kumalat ang balita sa showbiz tungkol sa pag-amin nina Kaye Abad at Paul Jake Castillo na silang dalawa na nga, ayaw na ng aktres na idetalye pa ang eksaktong date na naging magkasintahan sila.

Noong 2010 pa raw kilala ni Kaye si Paul Jake.

Pero paano nila nadiskubre ni Paul Jake na “couple material” pala sila?

“Actually, ano, sobrang bago lang din kasi hindi namin inaakala rin.

"Kahit ako, sinasabi ko noon na, hindi, imposible. Kasi very platonic yung relationship.

"Oo, magkasundo kami, pero kapag iniisip mo na ang romantic side, parang hindi ganun.

“Actually, nagulat kaming dalawa and kinain ko ang mga sinabi ko na imposibleng maging kami,” natatawang pahayag ni Kaye nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press sa launching ng Yahoo Awards sa Amber Lounge sa The Fort, kunsaan nominado siya sa kategoryang Best Kontrabida.

Ano ang mga katangian ni Paul Jake na nagustuhan niya?

“Kung ano siya, kasi, matagal kaming magkaibigan. So, nakilala ko siya, yung lahat na side niya, kung ano siya.

“Walang pagkukunwari” sabi niya.

Naniniwala raw si Kaye na magandang pundasyon sa isang relasyon ang pagkakaibigan.

“Halos lahat naman ng naging boyfriend ko, naging kaibigan ko muna, saka lang na-develop.”

SAME DIFFERENCE. Kung dati ay magkaibigan lang ang relasyon nila, ngayon ay romantically sila na, ano ang mga naging kaibahan na nito?

“Wala,” natatawa niyang sabi.

“Kasi, sinabi ko rin sa kanya yun. Ayokong may magbago kung paano niya ’ko tratuhin bilang kaibigan noon.

"Gusto ko, ganoon pa rin.”

Puwede ba yun?

“Oo, ganoon pa rin. Kung ano ang tawag ko sa kanya noong magkaibigan kami, ’sir,’ ganoon pa rin.”

Bakit sir ang tawag niya kay Paul Jake?

“Kasi dati, Alyna days pa ‘to, nagbakasyon ako, si Jason Abalos, si Beauty Gonzales at isang staff ng Alyna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nag-grocery kami, shopping para sa beach house, ang tawag sa kanya ng staff ng show, sir na talaga.

“So, parang kami, yun na ang tawag namin sa kanya. ’Tapos siya, ’Abad’ ang tawag sa akin.

"Kung paano ang tawag ni Abalos sa akin. Walang nagbago talaga.”

Biro pa niya, “Parang ano lang, boss at sekretarya!”

UNEXPECTED. Ano naman ang nakikita niyang kaibahan ngayon sa mga nakaraan niyang relasyon?

“Halos walang naiba. Kasi si Chito [Miranda] rin before, naging kaibigan ko rin bago naging kami.

“Siguro, ang pinagkaiba lang, it was never expected na it will happen talaga.

"Super never naming in-expect na magiging kami, hindi ko talaga inakala.”

Nirereto niya pa yata si Paul Jake sa iba?

“Yes,” natatawang pag-amin ni Kaye.

“Hinahanapan ko pa siya ng date. E, ayaw niya kasi, focused siya sa triathlon niya.”

May pagkakataon ba na noong magkaibigan pa lang sila, nabanggit ni Paul Jake na nagugustuhan din siya?

“Hindi, tinatanong ko siya na sabi nila crush mo na raw ako dati.

"’Hindi, ah,’ ganun siya. Ako, hindi rin.”

MELISSA RICKS. Sa isang banda, ang ex-girlfriend naman ni Paul Jake na si Melissa Ricks ay tila nagpahayag sa isang interview nito na nakita na raw nito na mangyayari nga na magiging magkasintahan sina Paul Jake at Kaye.

Anong masasabi niya ro’n?

“Ako, hindi ko talaga nakita, honestly. Hindi ko nakitang nangyayari.

"Maybe, because we have common friends also na sinasabi nilang, ’Bakit hindi na lang kayo? Kasi, click kayo together.’

“Some people misunderstood also our friendship. Siguro, hindi sanay sa magkaibigan na opposite sex.

“Ako kasi, mas close talaga ’ko sa mga kaibigang lalaki. Mas marami akong kaibigang lalaki talaga kesa sa babae.”

GUJI LORENZANA. Tinanong na rin namin si Kaye kung ano naman ang reaksiyon niya sa mga komento ng ilang netizens nang aminin niya na sila na nga ni Paul Jake.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May nagsasabing bakit daw kay Paul Jake, mabilis siyang umamin, pero noong kay Guji Lorenzana, matagal bago niya inamin na sila nga.

Sabi naman ni Kaye, “E, kasi, matagal naman talaga.

“When we we’re asked before, we we’re just really dating then.

"Date-date pa lang. And maybe people assumed na dine-deny ko lang, showbiz answer.

“They assumed na we were together na at nagso-showbiz lang ako.

"When we got together na, wala nang tanong.

"Yun na yun, e. In-assume na nila na matagal na.”

Tatlong taon din daw ang itinagal ng relasyon nila ni Guji.

At hirit nga ni Kaye, “Pang-matagalan ako, excuse me.”

NOT YET READY. Sinasabi niya noon na parang takot pa siyang mag-settle down.

Ngayon, may pagbabago na ba?

“May takot pa rin,” natawang pag-amin niya.

“E, kasi ang dami kong friends na kapag nagkukuwento na mga issues nila. Na, ’Naku, iba na kapag asawa mo na!’

“Hindi naman takot pero maybe I’m not ready yet.

"Ayoko rin namang magsalita nang patapos, we don’t know, e.

"Minsan, hindi natin alam kung ano ang mangyayari.

“So, malay natin.”

Noong naging opisyal na sila ni Paul Jake, naisip ba niyang puwedeng ito na ang makatuluyan niya?

“Oo naman. Unang-una, hindi ko naman siya ibo-boyfriend if I don’t see myself with him, ‘di ba?

“Sa edad kong ito, wala na ’ko ro’n sa stage na magbu-boyfriend kasi like ko lang siya.

"Kailangan sa edad ko, yung hahanapin ko na ang makakasama ko talaga habangbuhay.”

Is he the one na?

“I don’t wanna say na he’s the one na because we’ll never know what will happen in the future, but I hope so.”

Paano kung mag-propose na rin sa kanya si Paul Jake, nakahanda na siya?

“Hindi ko alam, depende siguro kung ilang karats ang bato,” natatawang biro niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya biro rin namin kay Kaye, lumalabas ang pagiging materyosa niya.

Natatawang sabi naman niya, “E, kasi naman, ‘di ba? Minsan lang namang magpu-propose sa ‘yo.

"Kung ikakasal, kahit Silverworks na lang," banggit ni Kaye sa isang accessory brand.

Mas matanda raw ng dalawang taon si Paul Jake kay Kaye pero biro niya, “Hindi naman halata."

Sinabi nitong mas mukha raw siyang matanda.

CHITO MIRANDA. Kahit matagal na rin naman ang naging relasyon nila ni Chito, hindi pa rin nga maiwasang matanong si Kaye tungkol dito.

Kailan lang ay nag-propose na si Chito sa girlfriend na si Neri Naig.

May inggit ba siyang naramdaman kahit paano?

“Wala, actually, walang inggit. I was happy for him and noong nagkita kami, before the proposal, nagkita kami sa ASAP, e.

“Naikuwento na niya yun na may balak na siya.

"Happy ako. Sobrang happy ako para sa kanilang dalawa.

“Kumbaga, sa lahat ng pinagdaanan nila, they deserve a happy ending.”

NOMINATION. Samantala, marami naman ang nakapansin ng galing ng pagganap ni Kaye sa Kapamilya serye na Annaliza. Sa katunayan, nominado nga siya sa kategoryang Best Kontrabida sa nauna nang nabanggit na awarding event.

“Nakaka-flatter kasi napansin nila.

"Kasi noong bago ’ko tanggapin ang role, I was really scared to do it.

“Kasi hindi ko alam kung mabibigyan ko ba ng hustisya dahil maamo yung mukha ko.

"’Tapos ang role ko is malala, nananakit, nagpapa-kidnap.

“Nakakatuwa kasi may mga nakapansin.

"So far, yung feedback ng tao, effective naman. Nakakatuwa kasi worth it naman.”

Kung kailan siya naging kontrabida, saka pa siya napansin at na-nominate.

“Wala namang kaso dun. Basta yung maging effective ka lang na artista sa lahat ng ginagawa ko, mapansin ang effort mo, okey na ’ko ro’n.

“At saka, sa dinami-rami ng mga artista at mabilang ka sa isa sa nominated, siyempre nakaka-flatter talaga yun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero kung sakali, sana raw ang susunod niyang show, hindi naman siya kontrabida ulit.

“Mahirap din kasing ma-typecast. Sana yung susunod hindi muna.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN