Ryan Agoncillo willing to go topless for a shoot: “If I have the body for it, yes! But right now, no, no.”

Aktibo sa triathlon training si Ryan Agoncillo. Naa-appreciate naman ba ng misis niyang si Judy Ann Santos ang pagiging aktibo niyang ito sa training? “Mukhang kagabi nag-enjoy naman siya,” birong sagot ni Ryan.


Tinanong namin si Ryan Agoncillo kung ano ang reaksyon ng misis niyang si Judy Ann Santos na napakaganda ng leading lady ni Ryan sa bago niyang sitcom.

Gaganap na mag-asawa sina Ryan at Carla Abellana sa Ismol Family na bagong sitcom ng GMA-7.

“Ayos naman, ayos naman!” sagot ni Ryan.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ryan sa taping ng Ismol Family sa Don Antonio Heights sa Quezon City noong Martes, June 10.

Dumalaw na ba si Judy Ann sa set ng Ismol Family?

“Not here, dumalaw siya last week sa set ng Picture! Picture!

Father’s Day episode iyon ng nabanggit na show.

Hindi pa raw nagkikita sina Judy Ann at Carla.

“Ayos naman,” ang muling sagot ni Ryan nang tanungin naman kung ano ang reaksiyon ni Judy Ann sa sub-plot ng Ismol Family na may bading (played by Mikael Daez bilang Bernie) na magkakagusto sa kanya sa kuwento ng show.

Kuwento muna ni Ryan, “Ano kasi ako dito, bike shop owner ako and it’s pretty close to home.”

Nagbibisikleta at nagmomotor kasi in real life si Ryan.

“Si Mikael, nagbibisikleta rin ditto. Siya yung bestfriend ko na laging nasa tindahan, na lagi kong kasamang magbisikleta sa umaga, kasama buong araw.”

Na may lihim palang pagtingin sa kanya.

“Well, hindi ko nga alam, e. Kung ano yung pupuntahan ng character ni Bernie, e.

“So, nakakatawa. Alam mo, you have to watch out for Carmi also.”

Gaganap na mother-in-law ni Ryan si Carmi Martin bilang si Mama A.

BABY OR BABIES? Sa Father’s Day, araw ng Linggo, trabaho ang haharapin ni Ryan dahil magpo-promote siya ng Ismol Family sa Sunday All Stars.

Sa sobrang busy ni Ryan, paano nila susundan ni Juday ang bunso nilang si Lucho?

“Madali naman yun! Tanghali naman natatapos na ang Eat Bulaga!.”at tumawa ang actor-TV host.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“May araw pa!”

Bukod kasi sa Eat Bulaga!, may Picture! Picture! pa si Ryan. Eere naman sa June 22 ang Ismol Family.

“Ayos ‘yan, pampagawa ng ano...”

Plano nilang sundan si Lucho this year.

“Kung puwede nga lang sadyaing kambal, e! Puwede ba yun?”

Gusto kasi ng panganay nilang si Yohan ng baby sister, habang gusto naman ni Lucho ng baby brother.

May special medical procedure yata para rito.

“Baka apat ang lumabas! Dyusko naman,” at tumawa si Ryan.

“Ang alam ko, puwedeng i-encourage [na magka-anak ng kambal].”

So gusto nga niya ng kambal?

“Okey lang para one shot deal.”

Paano kung parehong babae o parehong lalaki?

“Ayos din! Hindi na ako aangal.”

Mas maganda kung kambal na isang babae at isang lalaki para masunod ang parehong gusto nina Yohan at Lucho.

“Ang saya nun, ‘no, kung ganun, ‘no? Well, hopefully. Pero [kung] isa lang okey na rin.”

JUDAY’S COOKING. Hands-on na misis si Judy Ann, at lahat daw ng niluluto nito ay paborito ni Ryan.

Sa kabila ng kabisihan ni Judy Ann ay nakakahanap ito ng oras para personal na asikasuhin ang pagkain at iba pang pangangailangan ng kanyang mister.

“She always does, actually. She wakes up, well, like this morning, she woke up at four, kasi umalis ako ng bahay ng five thirty. When I got down sa kitchen, gawa na yung mga baon.

“My call time’s seven, so I’m usually on the set by about six twenty, six thirty. Kasi ang layo, e.”

Taga-Alabang sina Ryan at Juday.

“Well, my favorite most recently is what I call the Clint Eastwood sandwich.”

Ipinakita ni Ryan sa amin ang litrato ng naturang sandwich na punumpuno ng masasarap na sangkap.

“’Di ba, it made my day?” at natawa si Ryan. May reference kasi sa famous line ng Dirty Harry character ni Clint Eastwood mula sa pelikulang Sudden Impact (1985) ang punchline ni Ryan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung hindi ako nagkakamali, apat na chorizo, alfalfa, then whole wheat bread.

“It’s called dirty breakfast because usually kinakain ko ‘yan, madumi pa ako, e. Galing ensayo, pagpasok, bago maligo, tsibog na, ‘tapos diretso Eat Bulaga! na.”

DOING COSMO. Aktibo sa sports si Ryan, regular ang triathlon training niya kaya mas gumanda ang pangangatawan niya ngayon.

Kung o-offer-an siya ng Cosmopolitan Philippines Magazine na rumampa ng shirtless, papayag siya?

“Offer-an ko rin sila na tigilan nila ako,” at tumawa nang tumawa si Ryan.

“Gagawin ko ‘yan, alam mo, ‘pag kaya ko na. Sila o-offer-an ko, ‘Sige na!’” at muling tumawa si Ryan.

Open ba siya sa ganoon?

“Hindi ako puwedeng topless, bottomless puwede,” at tumawa siyang muli.

“Huwag diyahe!”

Pero pagbawi ni Ryan…

“If I have the body for it, yes! But right now, no, no,” ang tumatawa pa rin niyang sinabi.

May nagtanong kung naa-appreciate ba ni Juday ang efforts niya ng pagiging active sa triathlon training.

“Mukhang kagabi nag-enjoy naman siya,” ang tumatawa pa ring sinabi ni Ryan.

Kung sakali naman, papayagan ba niya si Judy Ann na mag-pose para sa FHM?

“Bakit naman hindi? Kung gusto niya, e.

“Kung trip niya, ewan ko lang kung mapapayag,” at muling tumawa si Ryan.

ISMOL FAMILY. Sa Ismol Family, gaganap na anak nina Ryan at Carla Abellana si Marc Justine Alvarez bilang si PJ.

Gaganap naman si Bianca Umali bilang si Yumi na anak ni Mike “Pekto” Nacua (as Bobong) na kina Ryan lumaki.

Gaganap naman ang Niño star na si Miguel Tanfelix bilang si Tan-tan na manliligaw ni Bianca.

Bike shop owner si Ryan (bilang Jingo) dito at asawa niya si Carla (bilang Majay) na isang welder na nagtatrabaho sa Dubai.

“Basically Ismol Family is a sitcom about how we live as Filipinos here. Extended family.

“Nakatira ako dito kasama yung biyenan ko ‘tsaka yung bayaw ko. ‘Tapos si Majay, since nagtatrabaho abroad, ang presence niya e thru Skype, Facetime, ‘ayan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“She’s a hoot,” pagtukoy naman niya sa gaganap na biyenan niya na si Carmi Martin. Enjoy kami sa kanya, siya si Mama A, si Mama Apolonia.”

Kontrabida ba sa buhay ni Jingo si Mama A?

“Iyon ang maganda! Hindi siya masamang tao dito pero siyempre, banggaan si Mama A at saka si Jingo. Kasi ang may-ari ng bahay talaga na tinitirhan naming ni Majay, si Mama A.

“’Tapos nung umalis si Carla [Majay] for Dubai , bumalik si Mama A para dun tumira.

“Kami yung Ismol Family.”

Sa tunay na buhay, kung hindi siya artista at isang ordinaryong mister, kaya ba ni Ryan na magtrabaho sa ibang bansa habang nasa Pilipinas ang pamilya niya or ang misis niya ang nasa ibang bansa at siya ang maiiwan dito sa Pilipinas kasama ang kanilang mga anak?

“Hindi siguro, hindi siguro. Parang mga paisa-isang buwan lang siguro. Yung kontrata na indefinite siguro. Baka hindi ko kayanin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN