Kris Aquino admits: “Yes, he broke my heart.”

Hindi pa rin pinangalanan ni Kris Aquino ang taong nagdulot ng sakit sa kanyang puso pero marami ang humuhula na ito ay si Quezon City Mayor Herbert Bautista na umamin kamakailan na hindi natuloy ang relasyon nila ni Kris dahil sa kanyang mga anak.


Muling nagbalik sa pagpo-post sa Instagram ang tinaguriang "Queen of All Media" na si Kris Aquino matapos nitong magpaalam sa kanyang mga followers noong Martes, June 10, na hindi muna siya magiging aktibo sa nasabing social networking site.

Ito ay kasunod din ng makailang beses na paulit-ulit niyang pagbabago ng kanyang account name sa Instagram, mula @krisaquino214 to @aquinokris, hanggang @kris_aquino.

Sa huling post niya kahapon, June 11, naging @lovelovelovekrisaquino na ang kanyang account name.

Bahagi pa ng post ni Kris nung Martes, “Back to work tomorrow & back on IG [Instagram] once I’m sure that my broken heart is healed.

“Nahihiya lang akong mag pretend pa to be okay when I still have a long way to go... I owe you & I owe myself this HONESTY.”

Read: Kris Aquino still brokenhearted: "Nahihiya lang akong mag-pretend pa to be okay when I still have a long way to go."

“YES, HE BROKE MY HEART…” Sa post ni Kris kahapon na larawan ng mga bulaklak, sinabi niyang nasaktan ang puso niya ng hindi pa rin niya pinangalanang tao.

Ngunit marami ang humuhula na si Quezon City Mayor Herbert Bautista, ang napabalitang nakarelasyon niya ng ilang linggo ang nagdulot sa kanyang puso ng sakit.

Ayon sa caption ni Kris, “Yes, He Broke My Heart, but 975,000 of you IG followers didn’t... So I’m back & here to stay... I went down to get a cup of chamomile tea & saw all these flowers, balloons & in my kitchen so many fruits & cookies & cakes etc...

"God gently reminded me to stop giving importance to someone who hurt me & START CELEBRATING THE PEOPLE WHO LOVE ME! So I changed my username to @lovelovelovekrisaquino. ❤️❤️❤️ Good Night. Love you all. THANK YOU! 😘💋😍😊😇”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN