Christian Bautista on popularity of non-singers: “Pana-panahon lang talaga ‘yan.”

“So, yun ang goal. Hindi para ako pakinggan n’yo kasi, mas magaling ako. So, whether you can sing or not, the goal is, nakaka-move ka ba ng mga tao? So, kung sila yun sa panahon na yun, go, suportahan kita,” pahayag ni Christian Bautista tungkol sa mga artistang hindi naman mga lehitimong singers pero mas kinakagat ng mga tao ang pagkanta.


Sa tinagal-tagal na rin ni Christian Bautista sa local music industry, tanggap na niyang hindi kailangang magaling kumanta o maganda ng boses ng isang artist para makapagpasaya ng tao.

Aniya nga, “Ngayon, after 11 years in the business, ang iniisip ko na lang talaga, whatever type of song, ang goal naman ng pagkanta, magpasaya ng mga tao.

“So, yun ang goal. Hindi para ako pakinggan n’yo kasi, mas magaling ako. So, whether you can sing or not, the goal is, nakaka-move ka ba ng mga tao? So, kung sila yun sa panahon na yun, go, suportahan kita.”

Nakapagpahayag ng ganito si Christian dahil sa tanong na rin namin sa kanya tungkol sa puna ng ilan, na tila hindi tama na naungusan ang katulad niyang isang magaling na mang-aawit ng isang artistang hindi naman kasing-level niya sa pagkanta.

Ito ay sa botohan para sa Male Recording Artist of the Year ng Yahoo Awards, kunsaan isa siya sa mga nominado.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Christian sa launching ng nabanggit na awarding event sa Amber Lounge, Fort Strip, The Fort kamakailan.

Sa binitawan niyang pahayag, tila wala siyang bitterness na nararamdaman.

“Wala. Honestly before, meron. Siguro nagsisimula pa lang ako, ‘Bakit ganun?’ Nagtataka pa ‘ko.

“Pero, pana-panahon lang talaga ‘yan. May panahong ikaw, may panahong hindi ikaw.”

Na-overcome na rin niya yun?

“Oo, after a long time, with age rin, with maturity rin. I even wrote a song for Anne Curtis in her album.”

Nang pumatok ang unang concert ni Anne, isa si Christian sa mga lehitimong singers na hiningan ng press ng opinion tungkol sa tagumpay ng concert at album ng aktres.

Kahit na aminado si Anne na hindi naman talaga siya singer, dinagsa ng mga tao ang kanyang concert at binili ang unang album nito.

“So, what do I do? Do I become bitter? No, magsusulat na lang ako ng bagong kanta. So, that’s what I did. Nagsulat ako ng bagong kanta at iri-release ko digitally for free.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NEW THINKING IN MUSIC. Akma nga raw sa ipinagdiriwang ngayong araw na ito—ang ika-116 taon ng Araw ng Kasarinlan ng Pilipinas—ang isinulat na kanta ni Christian na ang pamagat ay “Bagong Siglo” na may pagka-rock and roll ang tono.

Nakipag-collaborate daw siya kay Basti Artadi ng Pinoy hard rock band na Wolfgang.

Pero, paano siya kikita sa ginawa niyang libreng kanta at inilabas niya digitally?

“Kung single released lang, puwede mong ilabas lang sa YouTube...”

Dugtong pa niya, “Ngayon kasi, ang thinking ko, medyo papunta na sa ang music is turning out to be free.

“So, parang mahirap talaga sa label. Kaya iba na ang mga style. Meron nang mga subscription. Nag-iiba na.

“So, ang mindset ko, iba na rin. Okey, ‘eto, libre. Kung ma-enjoy n’yo, great. Kikita na lang ako if you wanna get me to sing it live.

“Pero, hangga’t meron pang buyer like my next album, yun, gagawin namin yun ng maganda, collector’s item, maganda ang music, packaging para bibilhin mo kasi, gusto mong may hinahawakan ka. Gusto mong ipa-autograph sa akin.”

Ano ang frustration niya bilang isang singer?

“Ang frustration ko as a singer, gagawa ka ng kanta, ‘tapos, hindi maghi-hit. Yun ang frustration ko, pero, as I’ve said also, pati music industry, pana-panahon.”

FEELING OF LOVE. Ngayon daw, hit naman ang rap. Pero, ang hindi nawawala ay love song.

Katwiran ni Christian, kaya hindi nawawala sa uso ang love song dahil halos lahat naman, gusto ang pakiramdam na in love.

Kaya tanong namin sa kanya, in love ba siya?

“Not yet,” nakangiting sagot niya.

“Looking, waiting, searching, wala pa, e.”

Searching nga ba siya ngayon?

“Yung tamang searching lang. Hindi naman yung, ‘O, free ka ba?’ Hindi naman yung ganun.

“At saka, ang gusto ko kasi, yung mangyayari na lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ganoon ako. Tulad sa career ko, isang beses, theater ako, isang beses, soap ako. Minsan, nagkakaroon ako ng new friend. Kapag naging friend ko at tingin ko, parang puwede, saka ko tinutuloy.”

Nakikipag-date siya ngayon?

“It’s not date na, ‘Can we see if there’s spark?’ Hindi ganun, e. Parang sasama lang ako with different friends. Kung may mangyaring connection.”

CARLA DUNAREANU. Kinamusta rin namin kay Christian ang ex-girlfriend niya na si Carla Dunareanu, ang Singaporean model-actress na may career na rin sa Pilipinas.

Okay naman daw sila ni Carla.

Aniya, “We’re very good in terms of friendship, okey kami.”

Yung posibilidad na magkabalikan sila, meron pa ba?

“Hindi namin masyadong pinag-uusapan yun. So, we’re just letting time. Let itself happen, whatever happens.”

RACHELLE ANN GO. Natatawa naman si Christian dahil kahit matagal na raw silang hiwalay ng ex-girlfriend niya na si Rachelle Ann Go, tinatanong pa rin daw siya tungkol dito sa mga interview niya.

Biniro tuloy namin si Christian na tila hindi pa nakaka-move on ang local press sa paghihiwalay nila ni Rachelle.

“Anong magagawa ko, ‘di ba?” natatawa niyang sabi.

“E, sila yung nagtatanong. Pero kasi naman, that was how many years of us being together in showbiz, whether together or not.

“Parang, ‘Ay, naaalala pa nila yun, ang tagal na, ha. Pero, naaalala pa.’

“So, maganda kasi meron pa ring excitement kapag napag-uusapan. Okey naman yun, and friends din naman kami.”

Napapa-“Ano ba ‘yan?” ba siya kapag si Rachelle Ann pa rin ang kinakamusta sa kanya?

“Hindi ko puwedeng isipin yun, e. Yun ang gusto ng ibang tao. Hindi ko naman puwedeng sabihin na, ‘Mali ang gusto mo.’

“So, ako, nasa akin na if maggi-give-in ako or not.”

May plano naman daw silang ng kagrupo niya sa Champions na sina Erik Santos, Mark Bautista, at Sarah Geronimo na panoorin ang Miss Saigon sa London, kunsaan, kasalukuyan ngang gumaganap na Gigi si Rachelle Ann.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Christian, “Kaming group, maybe end of the year. Kami nina Erik Santos, Mark Bautista... Ewan ko kung free si Sarah, tingnan natin.

“Kasi, kami naman ang barkada talaga.”

Intact pa rin ba ang barkada nila?

“Oo naman, may Viber chat kami.”

HAPPY FOR SARAH. Nabanggit na rin lang niya si Sarah, madalas ba silang nagkakausap nito?

“Hindi kami nakakapag-usap ni Sarah lately kasi nga busy siya. May movie, pero, alam ko, mas close sila ni Rachelle Ann.”

Formal na bang naipakilala ni Sarah ang rumored boyfriend nitong si Matteo Guidicelli sa kanila?

“Wala pa, wala,” sabi naman ni Christian.

Masaya naman siya para kay Sarah?

“If she’s happy, then we’re happy. But I also respect if she wants to keep it private, then, I respect it. I respect that.

“Hindi naman puwede yung ‘Uy, magkaibigan tayo, dapat...’ Hindi naman puwede yun.”

Pero, tila mas open ngayon si Sarah dahil sa mga pictures nilang dalawa ni Matteo na malayang naipo-post ng iba sa Instagram.

Naniniwala naman si Christian na mas nag-mature na nga raw si Sarah ngayon.

Aniya, “We learn naman from all the experiences na napagdadaanan natin. Whatever relationships, whether it’s love, work or relationship with family, she definitely matured.

“Kasi, for Sarah, she has to choose her friends. Dapat talaga yung ita-trust niya. She’s in a position na very, very high.”

THE NEXT OPM PREXY? Nagulat naman si Christian nang malaman na sa isang interview ni Ogie Alcasid, nabanggit nito na kung may nakikita itong puwedeng pumalit dito bilang mamuno sa OPM (Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit), si Christian daw yun.

Napa-“Ha?!” si Christian.

Sa kasalukuyan ay Vice President for Special Affairs ang posisyon na hinahawakan ni Christian sa OPM.

Ano naman ang masasabi niya sa ipinahayag ni Ogie?

“I’m happy, pero sana ma-follow-up ko. Sana matugunan, magampanan ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Okae, pero, mag-a-adjust ako ng buhay ko kasi, hindi basta-basta na yun. Kailangan mas mag-iba ako ng priority.”

Sabi pa ni Christian, “I love Sir Ogie and Ms. Reg [Regine Velasquez] and how they handle everything. Gusto kong maabot yun. Kung paano ka mag-manage ng buhay mo.

“Kung darating sa akin ang panahon na maibigay sa akin yun, hindi ko kayang mag-isa. Kailangan meron akong suporta na naniniwala rin. Hindi yung uutusan ko lang. Kailangan naniniwala.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN