Jackie Forster’s children Caleigh and Jared get hugs from Taylor Swift in Singapore

Tinupad ni Taylor Swift ang pangarap ng magkapatid na Caleigh at Jared, mga anak ng dating aktres na si Jackie Forster, na makita ang sikat na American singer bago magsimula ang The Red Tour concert nito sa Singapore kahapon, June 12.


Napaluha sa sobrang kaligayahan si Jackie Forster dahil sa kabutihan na ipinakita ng American singer na si Taylor Swift kay Caleigh, ang three-year-old daughter ng dating aktres na may sakit na leukemia.

Naganap ang pagtatagpo nina Caleigh at Taylor ilang oras bago nagsimula ang second night ng The Red Tour concert ng sikat na American singer sa Singapore Indoor Stadium kahapon, June 12.

Sa tulong ng kaibigan ni Jackie na si Peach, kapatid ng model na si Apples Aberin na nagtatrabaho sa Cornetto—isa sa mga produkto ng Unilever Singapore at major sponsor ng The Red Tour—naimbitahan ang mga anak ng dating aktres sa meet-and-greet ni Taylor.

Natupad din ang pangarap ni Caleigh at ng kanyang kapatid na si Jared na makilala nang personal ang paborito nilang singer.

Singapore-based na si Jackie at ang kanyang pamilya.

Blessing in disguise na nadestino ang asawa niya sa Singapore dahil naroroon ang mahuhusay na doktor na gumagamot sa karamdaman ng kanilang anak.

JACKIE’S STORY. Mula sa Singapore, inalam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Jackie ang kuwento ng paghaharap ng kanyang dalawang anak at ni Taylor kahapon.

Kuwento niya, “Taylor Swift’s team put us in front of the meet-and-greet line and surprised us with four concert tickets.

“I had to express our gratitude but also explain that we may only be able to watch one or two song from the side for Caleigh’s safety.

“The Taylor team member Kevin then said he would ask them to see what they can do.

“So we went up to meet and greet Caleigh first to see Taylor, and she was the first to approach us, and even knelt down to hug both kids and talk to them!

“She told Caleigh she saw the YouTube video they made and even commended Caleigh on how well she sings and memorizes lyrics.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“She told Jared she thinks he’s a great brother, and Jared gave credit back to Caleigh for also helping guide him with her lyrics.”

Patuloy ni Jackie, “Caleigh was starstruck until I asked her to tell Taylor what she wants to be when she grows up!

“Taylor asked and Caleigh proudly said, ‘I’m going to be a superstar when I grow up!’

“Sabi ni Taylor, ‘I think you should be! I don’t see why that can’t happen, you can be anything you want to be. You already have a great voice, you memorize lyrics, and you have such a great sense of style!’

“Caleigh was nodding in agreement and Jared, proudly watching, practically mentally fainted after that.

“I don’t remember much more kasi I had a knot in my throat.

“Sobrang kitang-kita mo kay Caleigh she wants to be just like Taylor and gandang-ganda siya sa kanya, ‘tapos si Taylor pa yung pumupuri kay Caleigh.

“Jared really gave Caleigh her moment, even though, truth be told, si Jared ang reason why Caleigh loves Taylor.

“Jared has a mega crush on her (he doesn’t understand it though). He’s bought her CDs, DVDs because he loves her music so much.

“I feel so blessed that this came true for them.

“Taylor really made them feel special and I really believed now more than ever they both deserved this right now.

“God is so good!”

Binigyan ng Team Taylor ng special seats sa Singapore Indoor Stadium ang pamilya ni Jackie.

Ibinilin daw ni Taylor sa kanyang team na bigyan ng upuan si Caleigh na makikita niya mula sa stage.

Nang magsimula ang concert, kinawayan ni Caleigh si Taylor na agad na lumapit sa anak ni Jackie.

Kinantahan, niyakap, at hinalikan ni Taylor si Caleigh na tuwang-tuwa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngunit hindi tinapos ng pamilya ni Jackie ang concert dahil kailangan na nilang ibalik ng kanyang asawa si Caleigh sa ospital para sa pagpapatuloy na paggamot sa sakit nito.

Nanggaling na sa Pilipinas si Taylor Swifft bilang bahagi pa rin ng kanyang The Red Shoes Tour noong June 6.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN