Boots Anson-Roa gets an apology from foreigner who assaulted her; to wed Atty. King Rodrigo on June 14

Kabilang sa principal sponsors sa gaganaping kasal nina Boots Anson-Roa at Atty. King Rodrigo bukas, June 14, sina Manila Mayor Joseph Estrada at ang veteran actress na si Susan Roces.


Nagkaayos na si Boots Anson-Roa at ang foreigner na nakaengkuwento ng beteranang aktres sa lobby ng condominium building na tinutuluyan ng dalawa sa Quezon City, noong May 20, 2014.

Matatandaang nakaranas ng pananakit si Boots mula sa Australian-Canadian national na nagngangalang Ross Hemingway dahil lamang sa diyaryo.

Read: Boots Anson-Roa to file complaint against Australian-Canadian for assault

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa mapapangasawa ni Boots na si Atty. King Rodrigo, sinabi nitong naayos na ang gusot sa pagitan ng dalawa sa barangay level pa lamang.

Saad ng abugado, “If you will sue somebody who resides in the same barangay, at ang parusa is less than one year imprisonment or fine, kailangang dumaan ka muna sa barangay bago ka makapaghabla sa husgado.

"Ang habla namin ni Boots sana ay slander and slander by deeds, yung pagkakainsulto at pagkakapalo ng folded newspaper sa kanya.

“The idea of barangay meadiation is walang guilty, walang innocent, itatanong lang ba, ’Anong ayos ang magagawa natin?’

"Aregluhan ang usapan. Boots imposed some conditions.

"Like, public admission of guilt, public apology, and a public promise he will not do it again not only to Boots, to other residents of the condo.

"Pumayag naman siya, he admitted his guilt on camera.

"He apologized on camera and he apologized not to do it again.

"We asked him also to put it down in writing.

“Not only that, mayroon na rin siyang babae na ginanyan, hinablot niya yung binabasang peryodiko in that same area.

"Maraming nagsusumbong na mga security guards na binu-bully niya, walang umaangal.

"Siguro he thought he’d get away with [this one], e, nakatapat siya."

WHAT REALLY HAPPENED. Ikinuwento naman ni Boots sa PEP ang nangyari at kung paano siya binastos ng foreigner.

“Nagba-browse ako over newspaper dun sa front desk ng condo, lumapit siya, and minura ako with the F-word.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sinabi, ’Why are you reading that? You should subscribe to your own newspaper!’

"Kasi nasa akin na yung daily subscription of my newspaper, I was reading other newspapers.

"Hindi ko siya pinansin. Unang-una, nagulat ako, ’Sino ba ito?’

"Pangalawa, hindi naman ako palaaway talaga.

"Hindi ako kumibo, I just continued.

"Umalis siya, lumampas, pumunta sa elevator...

"Siguro nakita niya na nagbabasa pa rin ako, nung pagbalik niya, hinampas ako ng diyaryo.

"Kinuha niya yung diyaryo niya from the counter. Hinampas ako ng diyaryo niya, minura ako uli."

Dagdag ni Boots, "Fifty-two years old siya, married to a Filipina.

"Ang sabi ko nga, yung sensiblidad ko bilang babae, unang-una.

"Pangalawa at pinakamahalaga, bilang Filipina, medyo nasaktan ako."

THE WEDDING. Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Boots at Atty. King sa kanilang wedding rehearsal noong Miyerkules, June 11, sa Aristocrat restaurant, Roxas Boulevard, Manila.

Dito ay nagbigay ng ilang detalye si Boots, 69, sa gaganaping kasal nila ni Atty. King, 75, sa Archbishop’s Palace sa Intramuros, Manila, bukas, June 14.

Una na rito ang principal sponsors o mga ninong at ninang sa kasal.

Ayon kay Boots, “Ang mga ninong namin ay sina former President and Mayor Joseph Estrada; Raul de Mesa, na kasama ni Atty. King sa banking world noon as legal counsel niya sa Bank of Commerce; at Ed Roa, kapatid ng aking yumong asawang si Pete.

"Mga ninang naman si Susan Roces, na parang pamilya namin; Marichu Vera Perez-Maceda; and Tina Perez-Burgos, kapatid ng nasirang asawa ni King.”

Ang designer na si Eddie Badeo ang gumawa ng wedding gown ni Boots.

Monochromatic purple, favorite color ni Boots, ang theme color.

Filipiniana ang susuutin ng mga ninong at ninang—barong at piña.

Habang ang mga maid of honor at iba pang miyembro ng entourage ay naglalaro sa purple, lavender, pink ang kanilang susuotin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon pa kay Boots, "Theme namin is white roses kasi itong relationship namin, may history ang white roses.

“Nag-novena ako kay St. Therese to give me signs, para malaman ko kung ito na ba ang dapat na mangyari.

"I just asked for one white rose, binigyan ako ng apat na okasyon na maraming white roses na ’di alam ni King yun.

"Nung malaman niya, the time he knew it, he attended a Mass, siya na yung binigyan ng white rose, and hindi namin malaman kung bakit.

"Sabi ni Sister Sarah [of St. Paul], ’Wala lang...’

"Hindi naman niya alam yun, pero kay King niya mismo ibinigay.

"Siguro wala nang palya, siya na nga!"

ARRANGEMENTS. Ayon kay Boots, pinaplano pa nila ang kanilang honeymoon.

"Kasi nandito yung mga anak niya from the States, nandito ang mga anak at kapatid ko from the States.

"So, we will have our bonding moments with them.

"After that, we can do our honeymoon."

Naikuwento rin nila na si Atty. King ang lilipat sa condo unit ni Boots sa Quezon City, at hindi ang aktres ang titira sa bahay ng abugado sa Alabang, Muntinlupa.

Nagkaroon daw muna sila ng kasunduan tungkol dito.

Biro naman ni Atty. King, “I set certain conditions na ako… first, gusto ko sana to buy her out ’cause she will own the condo.

"Hindi siya pumayag, so ang nangyari, yung balance na lang, which runs for few millions, ako na lang ang nagbayad nun para ’di naman niya ako binabahay, ’no?"



THANKFUL. Nagbigay rin ng mensahe sina Boots at Atty. King sa mga taong sumuporta sa kanilang relasyon.

Pagbabahagi ni Atty. King, “Ang sasabihin ko lang sana is the importance and sanctity of marriage.

"Sa araw na ito, sinabi sa amin ni Cardinal Tagle na pambihira na ang nagpapakasal.

"Sa katunayan, sa 40th anniversary ng MOWELFUND, may programa si Boots na lahat yung mga kasali sa MOWELFUND na ’di kasal at nagsasama, ipapakasal namin. Libre lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Alam ninyo ba na kahit isa, walang nagpakasal? Kahit isa, wala.

"Nangangahulugan ang mga kababayan natin ngayon, hindi na naniniwala sa sanctity of marriage.

"I hope by doing this, we inspire people to regularize their relationship.”

Saad naman ng betaranang aktres, “Maraming salamat sa mga nagsaad na inspirado sila dahil sa aming relationship at sa tinahak naming landas, almost one year leading to marriage.

"Maraming salamat sa mga kaibigan namin who supported us from the start of our journey.

"Our family and friends, maraming salamat sa aming mga kaibigan sa media, you have enabled us to become an inspiration by being a bridge to the public.

"Kasi, kung wala kayo, hindi naman malalaman sa publiko ito.

"We want to thank all of you [for helping us] share with the public."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN