Kat Alano may reveal identity of alleged rapist in self-composed song

Dahil daw sa mga pagmamalasakit ng mga kaibigan, nais ng radio host na si Kat Alano na magtayo ng grupo, kasama ang iba pang rape victims, para matulungan silang maka-move on sa sitwasyong kinasasadlakan.


Malapit na raw pangalanan ng TV and radio personality na si Kat Alano ang taong nanggahasa sa kanya ilang taon na ang nakalilipas.

Matatandaang nitong Abril, sinabi ni Kat sa podcast ni Mo Twister na Good Times With Mo na ang naturang rapist ay makailang beses na niyang nakasalamuha in public.

At noong April 28, maintriga naman ang isang tweet ni Mo nang lagyan niya ito ng hashtag na "#RhymesWithWrong."

Lumakas tuloy ang haka-haka na ang aktor na si Vhong Navarro ang diumano’y rapist ni Kat. Magkatunog kasi ang “wrong” at “Vhong.”

Si Vhong ay inakusahan ng panggagahasa ng tatlong kababaihan, kabilang na ang modelong si Deniece Cornejo at ng beauty-pageant contestant na si Roxanne Cabañero.

Read: Kat Alano posts intriguing tweets about her unidentified "rapist"

Ayon sa ulat ni MJ Marfori para sa TV.com.ph ngayong araw, June 13, hindi raw nahiyang banggitin ni Kat sa isang private event ang linya sa isang tula tungkol sa pagtatalik.

Nakasaad sa tula ni Kat: “I spoke of sex and things we do. I spoke of cocks and dildos too. I spoke of how to make girls wet. I spoke of what we all do: sex.”

Kahit pa nasangkot sa isang hindi kagandahang sitwasyon, siyam na taon na ang nakararaan, sinabi ni Kat na nagtago siya sa publiko matapos ang insidente dahil sa trauma at depresyon.

Aniya, “It was my own decision.

"You know, I can’t even begin to describe to you how difficult it was, and to do it publicly was even more difficult.

"You know this is what life is; it deals you a hard hand sometimes and you get through it.”

Dahil sa nangyari sa kanya, balak daw ni Kat na bumuo ng isang grupo kasama ang iba pang mga biktima ng panggagahasa upang matulungan ang mga ito na maka-move on sa sitwasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Malakas daw ang loob niya ngayon dahil sa pagmamalasakit ng ilang kaibigan.

Pahayag ni Kat, “I have a very, very good support team. Very good friends that I have around me in my life and perseverance.”



A SONG ABOUT HER EXPERIENCE. Sabi pa ni Kat, may ginagawa siyang kanta ngayon tungkol sa kanyang pinagdaanan.

Sa awiting ito, posibleng malaman na rin daw ng publiko ang katauhan ng taong nanggahasa sa kanya.

Saad pa niya, “Absolutely all the inspiration from my personal songs come from my personal life.

“People who have shown their support, I really do appreciate everything that everybody having reached out to me.

"My music is a gift to people. I make music for other people to enjoy.

"And in that they will see my appreciation for the things that they have done for me.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN