Kuh Ledesma unwilling to give up her title as Pop Diva: "They can make their own crown."

Naniniwala si Kuh Ledesma na dapat lumikha ng sariling marka ang bawat artist. Sabi niya, “Dapat hindi kinu-compare, kasi every person, kahit saang mundo [a person] is never similar to anyone.”


Nang matanong si Kuh Ledesma kung handa na ba niyang ipamana ang kanyang titulong Pop Diva sa iba, sagot ng singer-actress: “I’ll keep my crown, are you kidding?”

Natatawa pa niyang dagdag: “They can make their own crown.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Kuh sa launching ng kanyang latest album na Memories, sa ilalim ng Universal Records, ngayong araw, June 13.

Paliwanag ni Kuh, dapat lumikha ng kanyang sarili marka ang bawat artist.

“Ang feeling ko lang, every artist should have their own legacy, their own hit songs.

“Dapat hindi kinu-compare, kasi every person, kahit saang mundo [a person] is never similar to anyone.

“God created each one of us with different character.

"Nakasulat nga sa Bible, nasa womb pa lang tayo ng mother natin, ni-knit na tayo…

“God knitted us so wonderfully and beautifully na wala tayong katulad.”

BUSY CAREER. Ipinagdiriwang ni Kuh ang kanyang ika-35 taon sa entertainment industry ngayong taon at patuloy ang kanyang pagiging aktibo.

Bukod sa pag-release niya ng bagong album, na kinabibilangan ng mga classic hit Filipino songs, kasama rin si Kuh sa upcoming GMA primetime teleserye na pagbibidahan nina Carla Abellana at Tom Rodriguez, ang My Destiny.

Aniya sa kanyang very active na career: “This is my 35th year, I cannot complain of anything. It has been very active."

Ang pinakahuling teleseryeng ginawa ni Kuh ay ang My Husband’s Lover sa Kapuso network.

Pagkatapos ng nasabing hit TV series, nagpahinga muna si Kuh ng limang buwan bago siya muling sumabak sa taping ng bago niyang teleserye.

Medyo demanding kasi sa oras ang taping, sabi ng 59-anyos na singer.

“Kunwari may taping the next day, matutulog ako nang maaga.

"Pero in between, may wait ng two, three hours.

“I’m learning more to adjust sa puyatan and the waiting na hindi masayang ang oras ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So I read. I bring books. I make my calls.

"I talk to the people there, make kuwentuhan, share about the Lord.

"I maximize my time.”

BIGGEST CONTRIBUTION. Pinagsasabay man ni Kuh ang singing at acting, nananatiling priority raw niya ang pagkanta.

“Priority pa rin. It’s my first love."

Kabilang sa mga kantang pinasikat ni Kuh ang "Dito Ba?," "Till I Met You," "I Think I’m In Love," at "One More Try."

Patuloy niya, “Actually, love ko rin ang painting.

"Pero thirty-five years na akong kumakanta, so wherever I’m needed to sing, I’m there.”

Ano ang sikreto ni Kuh para magtagal ng 35 taon sa showbiz?

“I think, in any kind of career, ang pinakaimportante naman yung hard work… kung hindi tayo lazy or slack sa kahit anong ginagawa natin.

“There are a lot of important factors that helped me to make it in the business and [one of them is] learning from the best.

"Like, sina Peque Gallaga, Floy Quintos, who are wonderful writers and directors, si Jose Javier Reyes.

"Sila yung umpisa pa lang ng karera ko, I was already working with them.

“Mabuti ang Diyos sa akin. Binigyan Niya ako ng pagkakataon to work with them.

“With that experience, I was able to learn from that and take it on to all the years.”

Ano naman sa tingin niya ang pinakamalaking kontribusyon niya sa showbiz industry?

Sagot ng Pop Diva, “Basically my songs, nakapagdulot ako ng kasiyahan sa mga fans ko.

"Kumita ang mga record producers, kumita ang concert producers, kumita rin ako.

“Legacy, not just the hits, that I was able to impart something new in the music industry.

“Nabigyan ko ng justice yung expressions ng mga kanta ko.

"Hopefully, na-inspire ang ibang singers sa akin.”

Kabilang din daw sa mga legacy ni Kuh ang Music Museum, na ipinatayo ng kanyang production company bilang concert venue.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gayundin ang Hacienda Isabella na isang private resort sa Cavite.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN