Sarah Geronimo on sweet photos with Matteo Guidicelli: "Proud naman kasi kami talaga."

Sarah Geronimo reacts to speculations about "sweet embrace" photo (inset) with boyfriend Matteo Guidicelli: "Siyempre wala naman tayong control kung ano yung iisipin ng mga tao."


Aminado si Sarah Geronimo na mas bukas na siya ngayon pagdating sa pagkakamabutihan nila ni Matteo Guidicelli.

Patunay nito ay ang ilang mga pagkakataon kung saan makikitang lumalabas ang rumored couple kasama ng kanilang common friends.

Una na rito ay ang pakikipag-double date nina Sarah at Matteo sa mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo.

Read: Matteo Guidicelli "enjoying every moment" with rumored girlfriend Sarah Geronimo

Bukod sa magkakasama silang nanood kamakailan ng pelikulang Maybe This Time—ang pelikula ng Popstar Princess katambal si Coco Martin—minsan na ring namataan sina Sarah, Matteo, Judy Ann, at Ryan sa isang triathlon event.

Read: Judy Ann Santos on Sarah Geronimo-Matteo Guidicelli romance: "Respect the privacy that they want."

Matamis ang pagkakangiti ni Sarah nang direkta siyang tanungin tungkol sa naturang “double date.”

“E, proud naman kasi kami talaga. Oo, happy naman tayo,” pahayag ng dalaga.

At nito lang June 9 ay mabilis kumalat sa social media ang larawan ni Matteo na mahigpit ang pagkakayakap kay Sarah.

Read: Sarah and Matteo don’t have to say anything...coz this photo says a LOT!

Komento ni Sarah tungkol dito, “Siyempre wala naman tayong control kung ano yung iisipin ng mga tao.”

Ang kumalat na sweet photo ng dalawa ay kuha sa isang restaurant kung saan nag-treat ng dinner si Matteo para sa kanyang mga kaibigan.

Kaya tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sarah kung ano ang reaksiyon niya dahil tila mainit ang pagtanggap sa kanya ng mga kaibigan ni Matteo.

“Oo naman. Siyempre nandito tayo para suportahan siya at saka makilala yung mga kaibigan niya,” sagot ng Popstar Princess.

Bagamat hindi nagdetalye si Sarah tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila ni Matteo, inihayag ng singer-actress kung gaano siya kasaya dahil consistent ang actor/triathlete sa panunuyo sa kanya.

Matatandaang inamin ni Matteo sa ulat ng PEP noong June 6 na ipinapaalam niya si Sarah sa mga magulang nito kapag lumalabas sila kasama ng ibang kaibigan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Sarah tungkol dito, “Siyempre ano, thankful ako sa tao [Matteo]. Siya lang yung gano’n, e. Basta.

“At saka thankful ako sa mga magulang ko, sa lahat ng mga nangyayari.

"Although hindi naman perpekto, ang importante, maging thankful na lang tayo kung ano’ng meron.

Nakapanayam ng PEP at tatlo pang TV crew si Sarah sa isang photo shoot ng bago niyang endorsement, ang Belo AcnePro pimple gel, ngayong araw, June 13.

Napag-alaman ng imbitadong entertainment reporters na isa sa mga layout para sa pictorial ay nakasuot si Sarah ng “sexy nighties.”

Natatawang hirit ng singer-actress-host, “Alam ko two-piece! Kering-carry ba ng mga tao kung ano’ng makikita nila?”

Pero sa huli ay binawi ito ni Sarah at nilinaw na hindi pa siya handang magpa-sexy kahit para sa isang billboard.

“Ay, hindi. Hindi po ako [magsusuot ng semi-lingerie]. Antayin ko po muna yung honeymoon ko.

"Dun na lang ako magla-lingerie or nighties!” pagtatapos niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN