Shamcey Supsup wishes for baby girl next year: “Gusto ko yung may aayusan ako... at matuturuan ko kung gusto niyang maging beauty queen balang-araw.”

Shamcey Supsup on why she prefers having a baby girl: “Pareho naming gusto ng baby girl. Ako kasi, gusto ko yung may aayusan ako, tuturuan ko mag-make-up when she gets older at matuturuan ko kung gusto niyang maging beauty queen balang-araw. Baka turuan ko rin siya ng Tsunami Walk ko, ’di ba?”


Six months nang Mrs. Lloyd Lee ang former 2011 Bb. Pilipinas-Universe at 2011 Miss Universe 3rd runner-up na si Shamcey Supsup.

Ayon kay Shamcey, masaya ang pagsasama nila ng kanyang mister dahil wala naman daw nabago sa kanilang relasyon.

Kung ano raw sila noong magkasintahan pa lang sila, gano’n pa rin sila matapos nilang magpakasal.

“The big difference nga lang ngayon is we live in the same house na. Unlike before na ihahatid pa niya ako sa bahay namin.

“Ngayon kasi, I wake up with him every morning.

“Before, kapag nagising na kami, we would call one another pa.

"Now, parati na kaming magkasama at walang patawag-tawag pa,” sabi ni Shamcey nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa event ng HBC National Makeover Day sa Trinoma Activity Center last June 12.

STILL DATING. Hindi rin daw nawawala sa samahan nina Shamcey at Lloyd ang pagde-date.

Kahit na nga raw mag-asawa na sila, para pa rin silang mag-boyfriend at girlfriend na nagde-date.

Sabi ni Shamcey, “We’re both busy kasi with our own jobs.

"That’s why after a very long and tiring day, gusto naming mag-meet up and go somewhere.

“Sinusundo pa rin niya ako kung nasaan man ako and he would sometimes wait until I’m finished.

“Gano’n si Lloyd ever since kaya wala talagang nababago sa mga ginagawa namin.

“Like right now, nanood lang siya ng sine habang tinatapos ko itong hosting job ko for HBC.

“This is my second year to host this event for HBC and I am very thankful na kinuha ulit nila ako.

"I am one with them in saying yes to a beautiful change."

KEEPING HOUSE. Bilang misis ng tahanan, inamin ni Shamcey na hindi pa siya expert sa pagluluto, pero pinag-aaralan naman daw niya ito.

Pero sa ibang gawaing bahay ay kayang-kaya na niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’m trying my best naman in the field of cooking. I am learning how to cook step-by-step.

“But with the other household chores naman, okey naman ako.

"It’s my first time to be independent kasi. Before, I was living with my parents and we had household help.

“Kami ni Lloyd, we divide naman the chores sa bahay. Like ,I do the dishes and clean the house.

"Si Lloyd, siya yung nagtatapon ng basura, washes the car, and the other chores na panglalaki.

“We don’t have household help kasi kaya naman naming dalawa.

“My work naman is not that hectic minsan. During the day, nag-aayos na ako sa bahay.

"Usually my work naman is towards the evening where I host events.

“Hindi naman kami makalat ni Lloyd. Ang mister ko, he’s very organized.

“Yung mga gamit niya ay hindi mo makikitang nakakalat kunsaan-saan.

"Ako din naman, maayos din ako sa mga things ko. Kaya walang masyadong kalat sa bahay namin.

“Kapag may mga bisita nga kami, nagugulat sila na malinis masyado ang bahay namin. They thought na may household help kami.

“But we don’t. Tulung-tulong kami ng mister ko to maintain the cleanliness of our home,” pagmamalaki ni Shamcey.

BABY PLANS. Next year pa raw pinaplano nina Shamcey at Lloyd na magkaroon ng baby.

Gusto kasi nilang tapos na ang bahay na kanilang ipinagagawa bago sila magkaroon ng anak.

Saad ni Shamcey, “Right now, we live in a condo na tama lang sa aming dalawa.

"Under construction pa yung house namin.

“Kapag natapos na yung house namin, we will have plenty of rooms and a nursery for the baby.

“That is when we will start planning for our baby.

“Sabi ko naman, I will get pregnant before I turn 30 years old.

"Right now, 28 na ako. So I have two more years to go.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But by early next year naman, the house will be done and we’ll start planning from there.”

Baby girl daw ang gusto ng mag-asawa na maging panganay nila.

“Pareho naming gusto ng baby girl.

“Ako kasi, gusto ko yung may aayusan ako, tuturuan ko mag-make-up when she gets older, at matuturuan ko kung gusto niyang maging beauty queen balang-araw.

“Baka turuan ko rin siya ng Tsunami Walk ko, ‘di ba?”

“Si Lloyd naman, he wants a girl kasi maka-daddy raw ang mga baby girls. Gusto niya yung lalambingin siya ng anak niya.

“Pero kung lalaki naman ang lumabas, okey rin yun at magiging happy pa rin kami.

“As long as our baby will come out healthy and normal.

“Kung boy nga ang ibigay ni Lord sa amin, Lloyd naman is very active in sports, so may makakasama na siya sa mga paglaro niya ng basketball.

"He will teach our child to be good in sports na tulad niya."

May napili na raw pangalan ang mag-asawa sa kanilang magiging first baby. Pero ayaw pa itong i-reveal ni Shamcey dahil baka raw may ibang gumamit.

Saad niya, “Secret muna kasi pinag-iisipan namin ni Lloyd yung name.

“Bago kami ikinasal, naisip na namin ang name na iyon sa magiging baby namin.

“It’s a name na puwede for a girl and for a boy,” saad niya.

BEAUTY/FITNESS REGIMEN. Kahit maging isang ina na si Shamcey, sisiguraduhin daw niyang gawin pa rin ang mga nakagisnan niyang beauty regimen para manatili siyang fresh at maganda.

Sabi niya, “It’s important na mabuo natin ang eight hours of sleep.

“Ngayon, habang wala pa kaming baby, sinusulit ko ang walong oras na tulog.

“Kasi nga raw, when you have a baby na, mababawasan ang pagtulog mo kasi irregular hours ang pagising ng mga babies.

“So, habang wala pa, I am taking that advantage na matulog ng walong oras.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“With my skin, I always wash my face when I get home.

"Kailangan walang make-up bago matulog. Then use toner, moisturizer para hindi ma-dry out ang skin natin.

“As for exercise, yun ang kulang natin.

“I don’t workout a lot kasi medyo tamad ako pumunta ng gym.

“But the work I do sa bahay is sort of an exercise na rin for me.

“Maintain naman ang weight ko because I don’t eat that much, yung tama lang para sa akin.

“But I will try to be active din with sports and working out.

"Mas okey kung sabay kami parati ni Lloyd para mas maengganyo ako."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN