Lance Serrano acknowledges Eat Bulaga! stint as one of his biggest breaks in showbiz

Lance Serrano acknowledges Eat Bulaga!’s tremendous help in boosting his popularity: “Kapag nasa mall ako, nakikilala nila ako dahil sa Gymeoke ng Eat Bulaga. And it was fun working with the Eat Bulaga! Dabarkads. Mababait silang lahat doon at siyempre, na-miss ko rin gawin iyong segment na iyon”


Kabilang sa bagong hunks na pumirma sa GMA Artist Center si Lance Serrano, na unang nakilala bilang gym instructor sa segment ng Eat Bulaga! na "Gymeoke Excersi-Sing" noong 2013.

Nakasama ni Lance sa segment na ito si Vanessa Matsunaga, kapatid ng Brazilian-Japanese model-actor na si Daniel Matsunaga.

Inamin ni Lance na naging malaking tulong sa kanya ang magandang exposure na iyon sa Eat Bulaga!

“Because of that segment, nakilala naman ako kahit papaano.

“Kapag nasa mall ako, nakikilala nila ako dahil sa Gymeoke ng Eat Bulaga!

“And it was fun working with the Eat Bulaga Dabarkads.

"Madalas naming makasama ni Vanessa sa segment sina Pauleen Luna and Isabelle Daza.

“Mababait silang lahat doon at siyempre, na-miss ko rin gawin iyong segment na iyon,” sabi ni Lance nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa GMA Network Center.

PAST STINTS. Sa loob ng tatlong taon niya sa modelling world, nagawa ni Lance na tapusin ang kanyang Nursing course sa Central Colleges of the Philippines.

Sabi niya, “I’m a registered nurse. Kaya kung walang mangyari sa pagpasok ko ng showbiz, I can always work as a nurse dito or abroad.

“Pero gusto ko munang subukan ang showbiz.

"Mas marami na akong time ngayon na maibibigay sa trabahong ito dahil tapos na ako sa studies ko.

“Kung before nag-a-adjust ako sa schedules ko para lang makaraket ako. Ngayon I can devote a lot of my time working in showbiz.

“Sa ngayon, we’re doing a series of acting workshops. Bilang preparation for the projects na ibibigay nila sa amin.”

Lumabas na si Lance sa ilang teleserye tulad sa Anna Liza at Galema ng ABS-CBN. Huli siyang napanood sa Mundo Mo’y Akin ng GMA-7.

Saad pa niya, “Good training ground sa akin ang paglabas sa mga teleserye. I was able to work with other directors and actors na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hopefully, may mas magandang mangyari pa ngayon that I’ve signed up with GMA-7.”

NOT FAZED BY COMPETITION. Hindi naman daw takot sa competition si Lance.

Kasama niyang pinapirma rin sa GMA sina Vince Velasco, Gab de Leon at Rafa Siguion-Reyna. Sabay-sabay silang ibi-build up ng Kapuso network para maging future leading men.

Sabi ni Lance, “I welcome competition.

"Mas magpupursigi ka ngang magsumikap dahil alam mong may mga kasabay ka at pareho ang pag-build up sa inyo.

“I don’t have to feel threatened or intimidated sa kanila. If you believe in yourself, wala kang dapat ipagkaba.”

Ano sa tingin ni Lance ang kanyang edge sa mga kasabayan niyang hunks ngayon sa GMA?

“I can’t really say kung ano... siguro I have more experience as a male model.

"I had a good stint with Eat Bulaga! At mas marami na akong nilabasan na teleserye.

“Kung work experience ang pagbabasehan, I guess mas marami na akong nagawa compared sa kanila,” sabi ni Lance.

RUNWAY EXPERIENCE. Bilang isang model, nagawa nang rumampa ni Lance sa events na kailangan niyang ipakita ang kanyang kakisigan, tulad na lang sa Bench fashion shows at Cosmo Bachelor Bash.

Pinakamahirap daw ay ang rumampa na naka-underwear ’tulad ng ginawa niya para sa Bench.

“Kung akala nila madali ’yon, nagkakamali sila!” tawa ni Lance.

“Bukod sa kakabahan ka, nilalamig ka pa backstage.

"Kapag nasa runway ka naman, papawisan ka dahil sa nerbiyos.

“Kailangan ipakita mo na hindi ka kinakabahan. Kailangan confident lang. Kalimutan mo na ang hiya mo.

“Hindi madali ang maglakad at ang suot mo lang ay underwear. Nagagawa ko ‘yan kapag mag-isa lang ako sa kuwarto.

“So you can just imagine kung ilang tao ang nakatitig sa iyo sa isang malaking fashion show tulad ng Bench. Lakasan na lang talaga ng loob.

“That’s why I always keep fit para kahit paano ay walang maipipintas sa katawan ko kapag makita man nila akong naka-underwear lang sa isang fashion show.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN