Ryan Agoncillo adores mother-in-law Mommy Carol: "Meron kaming mutual admiration society."

Ryan Agoncillo on mother-in-law Mommy Carol: “It’s not as if she’s in our face all the time. Ang gusto lang din niya yung parang kami lang din, yung makasama sa isang kuwarto yung mga apo niya, kahit tahimik lang, walang pakialaman.”


Kahit sitcom ang bagong Kapuso show na Ismol Family ay may drama moments din daw dito ang lead stars na sina Ryan Agoncillo at Carla Abellana.

Base sa kuwento, nagkalayo ang mag-asawan dahil si Majay (Carla) ay nagtrabaho bilang welder sa Dubai kaya naiwan ang mister niyang si Jingo (Ryan) para alagaan ang kanilang anak na si PJ (Marc Justine Alvarez).

Kuwento ni Ryan, “Meron [drama moments], may naughty moments din sa Skype!

“O, sabi ko, naughty lang, ha?

“So, ’yon, meron, ’tsaka ano siya, ang episodes namin dito may tema.

"Halimbawa, yung last week, ang shinoot namin was about apologizing, so the whole episode is about apologizing.

“Ngayon, ang tema ngayon ay pagku-commute at pamamasahe ng mga bata.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ryan sa taping ng Ismol Family sa Don Antonio Heights, Quezon City, noong June 10.

May chance ba na maging guest sa sitcom nila ang asawa niyang si Judy Ann Santos.

May subplot kasi ang Ismol Family na si Carla bilang Majay ay avid fan ni Judy Ann sa kuwento.

Sagot ni Ryan, “Well, yeah, always namang may possibility. Oo... sana.”

ON FATHERHOOD. Dahil tatay ang role ni Ryan sa Ismol Family ay kinumusta namin siya bilang isang ama sa tunay na buhay kina Yohan at Lucho, na mga anak nila ni Juday.

Sabi ng celebrity dad, “I hope I’m doing a good job... I hope I’m doing a good job.

“I’m firm, I’m very firm, definitely.

“Strict? Hindi siguro. I’m very fair, that’s for sure.

“Hindi ako naniniwala sa pag-spoil, e.

"Ang naniniwala ako, yung talagang spending a lot of time together with the kids.

“Even if it’s just being quiet in the same room, basta magkakasama kayo, okay na yun.”

Nasa stage na ba siya na medyo kinakabahan na siya na dumating na si Yohan sa edad na may mga crushes na ito o manliligaw?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natatawa niyang pag-amin, “Yun na nga e, grade five na, e.

“Pinipilit kong hindi, pero parang dun papunta, e.

“Pero wala naman ’yan, okay lang ’yan, normal naman ’yan, e.

"Nadadaanan naman nating lahat yan, e.”

Napapanood sa TV commercials sina Yohan at Lucho. Biniro namin si Ryan kung kailan naman kaya ang pag-aartista ng mga ito.

Tugon niya, “Hindi siguro. Siguro paanu-ano lang... palabas-labas lang.

“Huwag muna siguro, aral muna.”

ON MOMMY CAROL. Sa Ismol Family ay si Carmi Martin (bilang si Mama A) ang biyenan ni Jingo (Ryan).

Sa kuwento, dahil nakatira sila sa iisang bahay ay may mga pagkakataong nagkakabanggaan sila.

“Maganda naman yung relationship, yun nga lang medyo luka-luka si Mommy Apolonia!” at tumawa si Ryan.

“Makikita niyo ’yan sa show.”

Pero magkasundo sila ni Mommy A?

“Dun yung kuwento.”

Sa tunay na buhay ay si Mommy Carol Santos ang biyenan ni Ryan.

Kumusta naman sila?

“Well si Mommy Carol naman kasi, meron kaming mutual admiration society!” natawang sabi ni Ryan.

“So, ako, I’m very lucky I have a very good relationship with my mother-in-law.

“And also, si Mommy Carol, she’s very maingat din naman.

“I mean, she will come over and stay maybe for a week, or two weeks, and alam rin naman, siya rin, she needs her own space also.

“So, it’s not as if she’s in our face all the time.

"Ang gusto lang din niya, yung parang kami lang din, yung makasama sa isang kuwarto yung mga apo niya, kahit tahimik lang, walang pakialaman.

"As long as she’s there."

Kuwento pa niya, “Two weeks ago, we went to the beach together with her, sa Batangas.

"We just spent the weekend there, in Batangas."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN