Newbie singer Wynn Andrada hunted by authorities after stabbing buddy in Makati

Ayon sa ulat ng pulisya, tinawagan diumano ni Wynn Andrada ang kaibigang si John Matthew Tamonte at pinapunta sa kanilang bahay. Sa gitna ng kanilang pag-uusap, bigla na lang daw bumunot si Wynn ng kutsilyo at pinagsasaksak si John Matthew. Tumakas si Wynn pagkatapos ng insidente.


Tinutugis ngayon ng pulisya ang baguhang singer na si Sherwin Andrada matapos nitong saksakin ang kanyang kaibigan noong Huwebes ng gabi, June 12, sa Makati City.

Ayon sa ulat ng Inquirer.net ngayong araw, June 14, malubhang nasugatan ang isang nagngangalang John Matthew Tamonte, 17, mula sa Barangay Cembo, matapos siyang masaksak ni Sherwin, 19, sa loob mismo ng bahay ng singer sa Felipe Street, Brgy. Guadalupe Nuevo, Makati City, bandang 10:50 ng gabi.

Si Sherwin, mas kilala sa showbiz na Wynn Andrada, ay finalist ng Himig Handog songwriting competition noong nakaraang taon.

Noong grand finals ng Himig Handog, na ginanap noong February 24, 2013, siya ang nag-interpret ng sariling komposisyon na “Tamang Panahon.”

Last December 2013, nag-launch pa si Wynn ng kanyang self-titled album.

Read: Wynn Andrada finds "Tamang Panahon" to release his self-titled album



THE STABBING INCIDENT. Ayon sa report ng Southern Police District, nangyari ang pananaksak sa bahay ni Wynn, matapos pumunta sa bahay nila ang biktimang si John Matthew.

Nakatanggap daw ito ng tawag mula kay Wynn at pinapunta nito si John Matthew sa kanilang bahay.

Habang nag-uusap ang dalawang teenagers, bigla na lang daw bumunot ng kutsilyo si Wynn at inundayan ng dalawang magkasunod na saksak si John Matthew.

Nakita raw ng ama ni Wynn ang ginawa nito at sinubukang pigilin ito sa kanyang ginawa, ngunit nagpumiglas daw ang singer-composer at nakuha pang saksakin sa ikatlong pagkakataon ang kaibigan.

Sa kabila ng sugat na natamo, nakuha pa diumanong umuwi ni John Matthew sa kanilang bahay at kaagad itong ipinagamot sa Ospital ng Makati .

Hindi pa malinaw ang sanhi ng away ng dalawa dahil hindi pa nakapagbigay ng kanyang pahayag si John Matthew.

Samantala, tumakas naman daw si Wynn lulan ng kanyang kotse.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN