Boots Anson-Roa and Atty. King Rodrigo tie the knot

Respected veteran actress Boots Anson-Roa was the epitome of a radiant bride as she finally tied the knot with Atty. King Rodrigo in an intimate ceremony held at the Archbishop’s Palace, Saturday, June 14.


Ang anak na si Joey Roa at kapatid na si Ben Roa ang naghatid sa veteran actress na si Boots Anson-Roa sa altar sa pag-iisang dibdib nila ni Atty. King Rodrigo, na ginanap sa Villa San Miguel ng Archbishop’s Palace, Mandaluyong City, kahapon, June 14.

Ang 99-year-old mother naman ni Atty. King Rodrigo na si Mrs. Remedios Rodrigo ang naghatid sa altar sa kanyang anak.

Si Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle ang nagkasal sa 69-year old actress at sa asawa nito na nagdiwang ng kanyang ika-75 birthday sa mismong araw ng kanilang kasal.

Sina Manila City Mayor Joseph Estrada, Susan Roces, at ang film producer na si Marichu Vera Perez Maceda ang principal sponsors mula sa entertainment industry.

Larawan ng radiant bride ang respected veteran actress, na ngayon lamang nakaranas ikasal sa simbahan dahil nagtanan sila noon ng kanyang pumanaw na unang asawa na si Pete Roa.

Nagbiro si Cardinal Tagle sa homily nito na hindi raw niya maintindihan kung wedding anniversary o kasal ang nagaganap dahil sa edad ng bride at groom.

Umalingangaw sa chapel ng Villa San Miguel ang malakas na palakpakan nang ideklara ni Cardinal Tagle na opisyal na ang pagiging mag-asawa nina Boots at Atty. King.

Lalong lumakas ang palakpakan nang igawad ng groom ang kanyang first kiss sa asawa niya.

Mula sa Archbishop’s Palace, tumuloy ang lahat sa William J. Shaw Pavilion sa Wack Wack Golf and Country Club para sa wedding reception.

Dinaluhan ito nina TV5 Chairman Manny V. Pangilinan, Gloria Romero, Caridad Sanchez, Barbara Perez, Pilita Corrales, Jose Mari Chan, Ricky Davao, at marami pang ibang bisita mula sa showbiz.

Plano nina Boots at Atty. King na pumunta sa South Korea sa first week ng July para sa kanilang honeymoon.

Ipinagpaliban ng bagong kasal ng ilang linggo ang kanilang honeymoon dahil aasikasuhin nila ang mga kamag-anak na umuwi ng Pilipinas mula sa Amerika para saksihan ang kanilang pag-iisang dibdib.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN