Kylie Padilla recalls happy times with dad Robin: “Bonding moments like barilan sa Fairview.”

Kylie Padilla reveals what she enjoyed most growing up as Robin Padilla’s daughter: “Yung mga panglalaking ginagawa namin, yun ang pinakagusto ko. Kasi doon siya pinakamasaya, kasi tingin niya sa amin noon lalaki, ’di ba? So, masaya rin siya, yung adrenaline.”


Paano nga ba maging anak ng isang “idol” tulad ng kinikilalang Bad Boy of Philippine Cinema na si Robin Padilla?

Ayon kay Kylie Padilla, isa sa mga babaeng anak ni Robin na pinasok ang mundo ng showbiz, mas gusto raw nito ang Robin Padilla ngayon.

Sabi niya, “Mas gusto ko si Papa ngayon, kung paano siya ngayon. I mean, he’s a good father, but gusto ko talaga si Papa ngayon.

“Nandiyan lang siya, hindi niya kailangang magsalita or something and that’s really special for me. Yung presence lang na alam kong nandiyan siya for me and it’s the best feeling.

“Thank you, Pa. Thank you for really helping me.”

Mahirap ba o nakaka-pressure bang lumaki bilang anak ng isang Robin Padilla?

Nakangiting sagot niya, “Noong una po.

“Noong unang pagpasok ko pa lang sa showbiz, medyo may bigat. But now, hindi ko na siya iniisip.

“Mas gusto kong makilala ako ng tao bilang ako.”

COOL DAD. Kilala si Robin na “istrikto” lalo na sa mga anak nitong babae.

Paano si Robin bilang ama noong may mga lalaking gustong manligaw sa kanya?

“Noon nga, inaano niya kami, pero nagtiwala na siya. Nagpapaalala lang palagi at pangaral,” pagbabalik-tanaw niya.

Ayon kay Kylie, si Robin daw ay isang “cool dad.”

“Napaka-cool,” saad pa niya.

“Even when he’s making payo, the way he talks is so cool. ’Anak...’ ganyan. ’Okay, Pa!’”

DAD’S ADVICE. Kinumusta rin namin si Kylie tungkol sa relasyon nila ng kapwa Kapuso star na si Aljur Abrenica.

Nauwi sa break-up ang naging tatlong taong relasyon nila at base sa mga nangyari, puwedeng sabihin na nagkaroon sila ng isang “bad break-up."

Sa puntong yun, paano siya pinayuhan ng ama? May narinig ba siyang, “Sabi ko sa ’yo, e?”

Natatawang sagot ni Kylie, “Wala, wala naman.

“Actually, may nabanggit nga siya na, ’Anak, nasa ’yo naman ’yan. Nandito lang ako.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi siya nagsabi ng, ’Iwasan mo na ’yan, anak, walang kuwenta ’yan. Nasa ’yo ’yan anak.’”

RELIGION. Dahil si Robin ay isang Muslim, natural lang na palakihin nito at hikayatin ang kanyang mga anak base sa kanyang pananampalataya.

Lubusan ba ang paniniwala niya sa relihiyong ipinamulat sa kanya ng ama?

“Well, mahirap po kasing pagsabayin ang Islam at showbiz. Ayoko nang masyadong sabihin na Muslim ako, kasi masyado akong dyina-judge ng tao, e.

“Ang hirap—so sa akin na lang yun.

“I do believe in Allah and siya lang talaga,” diin niya.

MOMENTS WITH DAD. Bilang anak, ano ang mga bagay na hindi niya makakalimutan sa daddy niya?

“Bonding moments like barilan sa Fairview,” natawang lahad niya.

“Yung mga panglalaking ginagawa namin, yun ang pinakagusto ko. Kasi doon siya pinakamasaya, kasi tingin niya sa amin noon lalaki, ’di ba?

“So, masaya rin siya, yung adrenaline.”

Ayon kay Kylie, sa gabi bago ng Father’s Day ay nagpaplano na siya kung anong gagawin para sa papa niya.

“Busy kasi ako the whole day, so at midnight, may pina-plano na ako. Gusto kong bumili ng cake, candles and surprise him on Father’s Day.”

MESSAGE FOR DAD. Sa huli, ano ang mensahe niya para sa papa niya ngayong Father’s Day?

“Pa, mahal na mahal ko po kayo and salamat po sa lahat ng payo.

“I couldn’t wish for any other dad and I love you,” deklara ni Kylie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN