Richard Gutierrez and Sarah Lahbati celebrate first birthday of Baby Zion

“Tuwang-tuwa ang parents ko and tuwang-tuwa rin ang parents ni Sarah. Talagang buong pamilya ng Gutierrez at Lahbati, kapag nakikita si Baby Zion talagang masayang-masaya sila,” says Richard Gutierrez about his first child with Sarah Lahbati named Zion, who celebrated his first birthday and christening today, June 15.


Star-studded ang binyag at first birthday ng anak nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati na si Baby Zion kanina, June 15, sa Wack Wack Country Club, Mandaluyong City.

Kabilang sa espesyal na selebrasyong ito ang 25 pares ng mga ninong at ninang.

Ang mga ninong at ninang ay pinangungunahan ng mga kapatid ni Richard na sina Ruffa, Raymond, at Elvis Gutierrez.

Ilan sa pulitikong kabilang sa listahan na nakadalo sa okasyon ay sina former President Joseph “Erap” Estrada, Vice President Jejomar Binay, Senator Jinggoy Estrada, Governor Vilma Santos, Representative Lucy Torres-Gomez, Governor L. Ray Villafuerte, at Representative Ronald Singson.

Kabilang naman sa mga showbiz personalities na ninong at ninang na nakarating sa party ay sina Susan Roces, Willie Revillame, Richard Gomez, Gretchen Barretto, Aga Muhlach, TJ Trinidad, Tonton Gutierrez, Angel Locsin, Bella Padilla, Neil Arce, Tape Inc. executive Malou Choa-Fagar, Tim Yap, Tessa Prieto-Valdes, at James Yap.

Kasama ni Aga na dumating ang asawa niyang si Charlene Gonzales-Muhlach at mga anak nilang sina Atasha at Andres.

Kasama naman ni Angel Locsin ang kanyang boyfriend na si Luis Manzano.

Para kay Sarah, isang napakasayang pagkakataon ang okasyong ito para makita ng malalapit na kaibigan at kamag-anak ang anak nila ni Richard.

“First time niyang ma-meet ang lahat ng friends namin, mga ninong at ninang.

“Nabulabog siya pero lahat tuwang-tuwa sa kanya.

“Tuwang-tuwa rin si Zion kasi ang dami niyang nakitang mga babies, mga bata.

“It feels great finally na ma-meet na nila si Baby Zion,” sabi ni Sarah sa maikling panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at GMA News kanina.

Sa kabilang banda, triple celebration naman ang okasyong ito para kay Richard.

Aniya, “It’s overwhelming, we’re very happy. It’s a very big day today, Father’s Day, it’s his birthday and christening, so sobrang saya namin.”

Bukod sa mga nabanggit, ilang celebrities pa ang naki-celebrate kina Richard at Sarah para sa kaarawan ng kanilang anak na si Zion.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakita rin sa party ang asawa ni Tonton Gutierrez na si Glydel Mercado, sina Ramon Christopher, Jackielou Blanco, John Lapus, Iza Calzado, Dingdong Dantes, Glaiza de Castro, Solenn Heussaff, Berwin Meily, at Bubbles Paraiso.

Abala rin sa party ang lolo at lola ni Baby Zion na sina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama.

“Tuwang-tuwa ang parents ko, and tuwang-tuwa rin ang parents ni Sarah.

“Talagang buong pamilya ng Gutierrez at Lahbati, kapag nakikita si Baby Zion talagang masayang-masaya sila,” ang sabi ni Richard.

VIEW PHOTOS Zion Gutierrez celebrates first birthday

FUTURE OF BABY ZION. Dahil kilala sa showbiz ang pamilya Gutierrez, ’di naiwasang tanungin ang proud parents na sina Richard at Sarah kung papayagan nilang maging artista rin ang kanilang anak.

Natawa si Sarah at sinabing, “I really want him to study first.

“’Yon lang naman ang pangarap ko sa kanya, makapag-aral nang mabuti.

“Siyempre, hindi naman namin maiiwasan ‘yon kung lumaki siya pangarap din niyang pumasok sa industriya natin.

“Susuportahan namin kung anuman ang dream niya.”

Halos ganito rin ang naging sagot ni Richard sa hiwalay na panayam.

Aniya, “Tingnan natin pag lumaki na siya. Kung ano ang gusto ni Baby Zion, depende ‘yon sa kanya.”

Sa ngayon, gusto raw muna nilang i-enjoy ang pagiging magulang sa kanilang anak na si Zion.

Dahil dito, hindi pa nila napag-uusapan ang pagpapakasal.

Sabi pa ni Sarah, “One major decision at a time.

“Gusto muna namin i-enjoy si Baby Zion.

“Naaalala ko pa, parang kahapon lang ang liit-liit niya, ngayon tumatakbo-takbo na, with my help, of course.

“Ang bilis ng panahon, we just wanna enjoy Baby Zion first.”

Para naman kay Richard, mangyayari ito “sa tamang panahon.”

Narito ang listahan ng mga ninong at ninang sa binyag ni Baby Zion:

Hon. Vice Pres. Jejomar C. Binay and Hon. Vilma Santos-Recto

Hon. Mayor Joseph E. Estrada and Hon. Cong. Lucy Torres-Gomez

Hon. Sec. Panfilo Lacson and Hon. Mayor Pie Alvarez

Hon. Mayor Michael L. Rama and Ms. Marquita Yeung

Hon. Cong. Ronald Singson and Dra. Vinia Javellana

Mr. Manuel V. Pangilinan and Ms. Susan Roces

Gov. L. Ray Villafuerte and Ms. Joy Alberto

Mr. Vicente del Rosario and Ms. Lily Monteverde

Mr. Antonio Tuviera and Ms. Alice Eduardo

Mr. Richard Gomez and Ms. Gretchen Barretto

Mr. Aga Muhlach and Ms. Kris Aquino

Mr. Willie Revillame and Ms. Ruffa Gutierrez

Mr. James Yap and Ms. Angel Locsin

Mr. Tim Yap and Ms. Tessa Prieto-Valdes

Mr. Tonton Gutiererz and Ms. Malou Fagar

Mr. Harold Go and Ms. Sari Yap

Mr. TJ Trinidad and Ms. Katrina Ante

Mr. Neil Arce and Ms. Bela Padilla

Mr. Frank Briones and Ms. Marissa Laude

Mr. Raymond Gutierrez and Ms. Maryann Opeña

Mr. Elvis Gutierrez and Ms. Mary Tuazon

Mr. Carlo Caparas and Ms. Donna Villa

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN