Janno Gibbs finds new fulfillment as songwriter: “Kasi personal siya.”

Janno Gibbs on being a songwriter: “Ngayon sa totoo lang pinaka-fulfilled ako sa pagsulat ko ng songs. Kasi siyempre, kumbaga personal experience yung pagsusulat, e. Sa bahay, ako lang, sarili mong feelings ’tsaka ideas tapos pag napapanood mo na na ginagamit parang nakaka… ’di ba?”


“Walang putol yun,” paglalarawan ni Janno Gibbs sa sunud-sunod na partisipasyon niya sa mga drama series ng GMA-7

Sa June 23 kasi ay eere na ang My BFF, at bago ito ay ginawa ni Janno nang magkasunod ang Pyra at Paraiso Ko’y Ikaw.

Balik-tambalan nina Janno at Manilyn Reynes ang My BFF na pagbibidahan ng child actresses na sina Jillian Ward at Mona Louise Rey.

“Ito, maganda, e, perfect siya. Mag-asawa na may mga anak na. ’Di ba, iba?

“Maganda kasi sabi ko, yung mga nanonood sa amin dati sa mga movies namin [na] mga pa-cute, patawa, nandun pa rin sa show.

“Makikita pa rin nila plus may bonus na serious scenes, drama scenes, ’di ba?

"So nandun na yung nagustuhan nila, may dagdag pa.”

OVERCOMING TARDINESS. Hindi na nale-late si Janno, ayon na rin kay Manilyn sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanilang dalawa ng aktor noong May 27 sa pocket presscon ng My BFF sa GMA Network Center.

“Hindi na masyado, hindi na masyado,” at tumawa si Janno.

May mga isyu kasi kay Janno dati na lagi daw itong late sa mga showbiz commitments niya.

Pero iyon na nga, hindi na raw siya masyadong nale-late ngayon.

“Ano naman, siguro hindi naman ako magsusunud-sunod na shows kung sakit ng ulo ako talaga,” depensa niya.

Paano niya iyon nakontrol o paano niya nabura ang imahe niyang iyon?

“Hindi, alam mo, ano naman yun, e... kumbaga kasalanan ko rin kasi nama-magnify siya kasi lagi kong dyinu-joke, ’di ba?

“Dyinu-joke ko lagi, e. ’Ah pag si Janno, late ’yan!’

“Ginagawa kong patawa... So lumalaki.

“Parang kumbaga, halimbawa nale-late ako ng isang oras, pakiramdam nila mga apat na oras ako na-late.

“So nagkaroon ng time na kailangan ko namang i-convince yung production na ano lang yun, ’Teka, joke ko lang yun,’ hindi naman talaga ako ganun ka-ano...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So yun lang, nung ma-experience nila na okay naman pala, not so bad,” at natawa si Janno.

Nasa Sunday All Stars rin ang aktor bilang isa sa mga hosts.

Siya rin ang composer ng theme song ng ilang mga soap opera ng GMA tulad ng Ang Dalawang Mrs. Real.

Kaya tinanong namin si Janno, sa dami ng trabaho niya, nagdedeklara ba siya ng tamang kita niya sa BIR?

Mabilis niyang tugon, “Oo naman! Oo naman.”

Nasa radar kasi ng BIR ang ilang mga artista tulad ni Zoren Legaspi kamakailan.

REUNION WITH MANILYN. Sa My BFF, unang pagkakataon ito na gaganap sila ni Manilyn bilang mag-asawa.

“Oo, parents pa kami dito. Sabi ko perfect nga sa point ng buhay namin, kasi totoong parents na kami.

"Malalaki na yung mga anak naming pareho, so eksakto siya dun sa story,” lahad niya.

May pinagkopyahan ba siya ng papel niya sa MY BFF? May peg ba siya sa papel niya bilang si Christian?

“Wala, wala naman. Ako lang sarili ko lang din.

“Hindi naman ako puwedeng, pag ako naman yung kinuha mo hindi naman ako puwedeng, kailangan medyo Janno Gibbs pa rin, ’di ba?

"Pero medyo isu-swak mo lang dun sa role.”

Dapat sana ay kasama rin si Keempee de Leon sa My BFF pero hindi natuloy. Pinalitan si Keempee ni Leandro Baldemor.

“Hindi ako sure dun pero pinag-uusapan namin.

"Sana gusto naming mag-cameo sila Keempee, si Aljon, si Bing, sana, ’di ba? Cameo lang.”

Mister (at manager) ni Manilyn si Aljon Jimenez at misis naman ni Janno si Bing Loyzaga. At tulad ng tandem nina Manilyn at Janno ay sumikat rin nang husto noon ang loveteam nina Manilyn at Keempee.

Hindi raw nagselos si Aljon kahit nagbalik-tambalan sina Janno at Manilyn.

“Hindi, si Aljon fan yun ng Janno-Manilyn,” sabi ni Janno.

WORKING WITH THE KIDS. Kinumusta naman namin kay Janno kung paano katrabaho sina Jillian at Mona Louise. Sino ang mas madalas niya kaeksena?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pareho, pareho. Although si Jillian kunyari hindi namin nakikita pero ano, e, lalo na sa drama mas magaling pa sa akin yung dalawa,” at natawa si Janno.

“Mas sanay sila sa akin.”

Marami raw drama scenes sa My BFF.

“Meron, marami. Hindi naman ako ano, e, hindi ko linya yun talaga.

"Ina-admit ko naman hindi ko linya yun so kailangan nila akong alalayan, ng mga kaeksena ko.

’Tsaka yung direktor kailangan ko ng tulong sa area na ’yan,” lahad niya.

FULFILLMENT AS COMPOSER. Ano ang pinakagusto niya? Hosting, singing/composing o acting?

“Ngayon, sa totoo lang, pinaka-fulfilled ako sa pagsulat ko ng songs.

“Kasi siyempre kumbaga personal experience yung pagsusulat, e.

“Sa bahay, ako lang, sarili mong feelings ’tsaka ideas tapos pag napapanood mo na na ginagamit parang nakaka... ’di ba?

“Fulfilling, kasi personal siya.”

Ano pa ang masasabi ni Janno na kulang sa kanya?

Biro niya, “Ano, bukod sa height?”

Sa career, ano pa ang nais niyang makamtan o maabot kahit halos naabot na niya ang dapat maabot?

“Hindi madami pa. Marami pa.

“Ano ako kasi, parang pana-panahon.

"Minsan parang sa ngayon, artista sa soap, so gusto kong balikan yung pagkanta naman, yun naman.

“Yung concert, albums, kailangan kong balikan,” pag-amin niya.

INTIMATE CONCERTS. Dalawang taon na nang huling naglabas ng album si Janno.

Aniya, “Ano lang yun, compilation, best of.”

Kailan siya huling nagkaroon ng major concert?

“Ah yun ang matagal na. Last year ano lang, sa Music Museum, for my birthday, birthday lang.

“Mahirap ngayon mag-ano, e, malaki [na venue].

"May mga foreign pa, ’di ba ang daming foreign [artists]?

“’Tsaka ako, personally, feeling ko hindi ako masyado pang... mas ako yung intimate lang na [concert].

"Parang kausap mo yung audience, bumababa ka dun [sa stage], medyo ganun.

“Pag malaki na, medyo mag-iiba ka na ng ano, pag lumalaki... siyempre kailangan lalakihan mo mo lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung galaw mo, yung kanta mo, yung sayaw.

“Okay din, masaya din yun. Pero ako, parang mas pang-intimate ako na setting,” pangwakas niyang pahayag.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN